Sa YouTube, pinapahalagahan namin ang kalusugan at kapakanan ng lahat ng aming creator at manonood. Mahalaga ang kaalaman at pag-unawa sa kalusugan ng pag-iisip at sinusuportahan namin ang mga creator na nagse-share ng kanilang mga kuwento, gaya ng pag-post ng content na tumatalakay sa kanilang mga experience sa depresyon, pananakit sa sarili, mga problema sa pagkain, o iba pang isyu sa kalusugan ng pag-iisip.
Gayunpaman, hindi namin pinapayagan ang content sa YouTube na nagpo-promote ng pagpapatiwakal, pananakit sa sarili, o mga problema sa pagkain, na may layuning masindak o mandiri ang mga manonood, o magdulot ng malaking panganib sa kanila.
Ano ang gagawin kung makakakita ka ng ganitong content
Kung sa tingin mo ay may isang taong nanganganib:
- Makipag-ugnayan sa mga lokal na serbisyong pang-emergency para sa tulong
- I-flag ang video para malaman namin ito
Kung sa tingin mo ay negatibo kang naaapektuhan ng anumang nakikita mong content na nauugnay sa kalusugan ng pag-iisip, pagpapatiwakal, pananakit sa sarili, o problema sa pagkain, tandaang may available na suporta at hindi ka nag-iisa. Sa susunod na seksyon, makakakita ka ng listahan ng mga resource at impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa mga organisasyong puwedeng mag-alok ng payo.
Para sa pangkalahatang gabay tungkol sa kung paano kakausapin ang isang tao na posibleng inaalala mo, makipag-ugnayan sa mga lokal na helpline.
Ano ang gagawin kung kailangan mo ng suporta
Kung nakakaramdam ka ng depresyon, naiisip mong magpatiwakal, sinasaktan mo ang iyong sarili, o nakaka-experience ka ng problema sa pagkain, gusto naming malaman mong may makakatulong sa iyo at hindi ka nag-iisa. Habang nilalabanan ang masasakit na emosyon, maraming tao ang posibleng nakaka-experience ng mga ganitong isyu. Makakatulong ang pakikipag-usap sa provider ng pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip na matukoy kung mayroon kang karamdaman sa pag-iisip na nagre-require ng pangangalaga. Makakatulong din ito sa iyo na matukoy ang mga mahusay at mabisang diskarte para malabanan ito, at magkaroon ng mga kakayahan para kontrolin ang mabibigat na pakiramdam.
Mga resource ng suporta para sa pagpapatiwakal at pananakit sa sarili
Nasa ibaba ang listahan ng mga organisasyong nakatuon sa pagtulong sa mga nangangailangan sa iba't ibang bansa at rehiyon. Ang mga ito ay mga kinikilalang partner sa serbisyong pangkrisis. Magkakaiba ang mga partnership ayon sa bansa/rehiyon.
Makakatulong sa iyo ang mga website na findahelpline.com at www.wikipedia.org/wiki/List_of_suicide_crisis_lines na makahanap ng mga organisasyon para sa mga rehiyong hindi nakalista rito.
Australia |
13 11 14 1800 55 1800 |
|
Argentina | Centro de Asistencia al Suicida - Buenos Aires |
135 (desde Capital y Gran Buenos Aires) (011) 5275-1135 (desde todo el país) |
Brazil | Centro de Valorização da Vida | 188 |
Belgium |
0800 32 123 1813 |
|
Bulgaria | Български Червен Кръст | 02 492 30 30 |
Czechia | Psychiatrická léčebna Bohnice - Centrum krizové intervence | +420 284 016 666 |
Denmark | Livslinien | 70201201 |
France | S.O.S Amitié | 09 72 39 40 50 |
Finland | Suomen Mielenterveysseura / Kansallinen kriisipuhelin | 09-2525-0111 |
Germany | Telefonseelsorge | 0800-1110111 |
Greece | ΚΛΙΜΑΚΑ | 1018 801 801 99 99 |
Hong Kong | 香港撒瑪利亞防止自殺會 | 2389 2222 |
Hungary | S.O.S. Telefonos Lelki Elsősegély Szolgálat | 06 1 116-123 |
India | आसरा AASRA |
91-9820466726 |
Ireland | Samaritans | 116 123 |
Israel | ער"ן - עזרה ראשונה נפשית | 1201 |
Italy | Samaritans Onlus | 800 86 00 22 |
Japan | こころの健康相談統一ダイヤル | 0570-064-556 |
New Zealand | Lifeline New Zealand | 0800 543 354 |
Netherlands | Stichting 113Online | 0900-0113 |
Singapore | Samaritans of Singapore | 1800-221-4444 |
Spain |
93 414 48 48 717 003 717 |
|
South Korea | 보건복지부 자살예방상담전화 | 1393 |
Taiwan | 生命線協談專線 | 1995 |
Thailand | กรมสุขภาพจิต กระทรวงสาธารณสุข | 1323 |
United Kingdom | Samaritans | 116 123 |
United States of America |
988 /Makipag-chat |
Para magbasa ng mga tip at manood ng mga video na makakatulong para mas maramdaman mong ligtas ka sa YouTube, bisitahin ang Safety Center para sa Creator.
Mga resource ng suporta para sa problema sa pagkain
Nasa ibaba ang listahan ng mga organisasyong nakakatulong sa mga indibidwal na may mga problema sa pagkain. Ang mga organisasyong ito ay mga support partner sa kalusugan ng pag-iisip. Magkakaiba ang mga partnership ayon sa bansa/rehiyon.
United States | NEDA | +1 800 931-2237 |
United Kingdom | BEAT Eating Disorders | +44 0808 801 0677 England |
+44 0808 801 0432 Scotland | ||
+44 0808 801 0433 Wales | ||
+44 0808 801 0434 N. Ireland | ||
India | Vandrevala Foundation | +91 9999 666 555 |
Mga Alituntunin ng Komunidad para sa pag-post ng content na nauugnay sa pagpapatiwakal, pananakit sa sarili, o problema sa pagkain
Hindi dapat matakot ang mga user ng YouTube na hayagang magsalita tungkol sa mga paksa ng kalusugan ng pag-iisip, pagpapatiwakal, pananakit sa sarili, at mga problema sa pagkain sa isang nakakatulong at hindi nakasasamang paraan.
Gayunpaman, may mga pagkakataong nakakagawa ng content na sensitibo at posibleng magdulot ng panganib sa ilang user. Kapag gumawa ka ng content na naglalaman ng mga paksang nauugnay sa pagpapatiwakal, pananakit sa sarili, o problema sa pagkain, isaalang-alang ang posibleng negatibong epekto ng iyong content sa iba pang user, lalo na sa mga menor de edad at user na posibleng sensitibo sa ganitong content.
Para protektahan at suportahan ang iyong mga manonood at iba pang user, pakisunod ang Mga Alituntunin ng Komunidad sa ibaba kapag gumagawa ng content na nauugnay sa pagpapatiwakal, pananakit sa sarili, o mga problema sa pagkain. Posibleng magresulta ang hindi pagsunod sa Mga Alituntunin sa Komunidad na ito sa isang strike, pag-aalis ng iyong content, o iba pang paghihigpit para protektahan ang mga user. Matuto pa.
Nalalapat ang patakaran sa Mga Alituntunin ng Komunidad na ito sa mga video, paglalarawan ng video, komento, live stream, at anupamang produkto o feature ng YouTube. Tandaang hindi ito kumpletong listahan. Pakitandaang nalalapat din ang mga patakarang ito sa mga external na link sa iyong content. Puwede itong kabilangan ng mga naki-click na URL, pasalitang pagdirekta sa mga user papunta sa iba pang site sa video, at iba pang anyo.
Huwag i-post ang sumusunod na content:
- Content na nagpo-promote o pumupuri sa pagpapatiwakal, pananakit sa sarili, o mga problema sa pagkain
- Mga tagubilin tungkol sa kung paano mamatay sa pamamagitan ng pagpapatiwakal, saktan ang sarili, o magkaroon ng mga problema sa pagkain (kabilang ang kung paano itago ang mga ito)
- Content na nauugnay sa pagpapatiwakal, pananakit sa sarili, o mga problema sa pagkain na naka-target sa mga menor de edad
- Mga graphic na larawan ng pananakit sa sarili
- Mga visual ng mga katawan ng mga biktima ng pagpapatiwakal maliban kung naka-blur o may takip para matakpan nang buo ang mga ito
- Mga video na nagpapakita ng paghantong sa pagpapatiwakal, o mga pagsubok na magpatiwakal at footage ng pagsagip mula sa pagpapatiwakal nang walang sapat na konteksto
- Content na nagpapakita ng paglahok sa o mga tagubilin para sa mga hamong magpatiwakal at saktan ang sarili (hal., Blue Whale o Momo challenge)
- Mga tala o sulat ng pagpapatiwakal na walang sapat na konteksto
- Content na nagtatampok ng pambu-bully sa timbang sa konteksto ng mga problema sa pagkain
Sa ilang sitwasyon, posibleng paghigpitan namin, sa halip na alisin, ang content na pagpapatiwakal, pananakit sa sarili, o problema sa pagkain kung natutugunan nito ang isa o higit pa sa mga sumusunod na pamantayan (halimbawa, sa pamamagitan ng paglalagay ng paghihigpit sa edad, babala, o Panel ng Resource para sa Krisis sa video). Pakitandaang hindi ito kumpletong listahan:
- Content na naglalayong maging pang-edukasyon, pandokumentaryo, pang-agham, o pansining
- Content na nasa interes ng publiko
- Graphic na content na sapat na naka-blur
- Mga pagsasadula o scripted na content na naglalaman ng, pero hindi limitado sa, mga animation, video game, music video, at clip mula sa mga pelikula at palabas
- Detalyadong talakayan tungkol sa mga paraan, lokasyon, at hotspot ng pagpapatiwakal o pananakit sa sarili
- Mga graphic na paglalarawan ng pananakit sa sarili o pagpapatiwakal
- Content sa pagpapagaling mula sa problema sa pagkain na may mga detalyeng posibleng nakaka-trigger sa mga manonood na nasa panganib
Pinakamahuhusay na kagawian para sa mga creator na nagpo-post ng content tungkol sa pagpapatiwakal, pananakit sa sarili, o mga problema sa pagkain
Inirerekomenda naming gamitin ang pinakamahuhusay na kagawiang ito sa content na nauugnay sa pagpapatiwakal o pananakit sa sarili para protektahan ang iyong mga manonood mula sa pinsala at paghihirap:
- Iwasang ipakita ang taong namatay sa pamamagitan ng pagpapatiwakal, at igalang ang privacy niya, at ang privacy ng kanyang pamilya. Matuto pa.
- Gumamit ng salitang positibo at nakakatulong, at nakatuon sa pagpapagaling, pag-iwas, at mga kuwento ng pag-asa.
- Magsama ng impormasyon at mga resource para sa mga diskarte sa pag-iwas sa pagpapatiwakal at pananakit sa sarili at pagpapakatatag. Subukan itong isama sa mismong video at sa paglalarawan ng video.
- Huwag gumamit ng madamdaming salita o mga dramatic na visual.
- Magbigay ng konteksto, pero iwasang talakayin kung paano namatay ang biktima sa pamamagitan ng pagpapatiwakal. Huwag banggitin ang mga paraan o lokasyon.
- I-blur ang content na naglalaman ng mga larawan ng mga biktima ng pagpapatiwakal. Puwede mong i-blur ang iyong video gamit ang Editor sa YouTube Studio. Matuto pa.
Inirerekomenda naming gamitin ang pinakamahuhusay na kagawiang ito sa content na nauugnay sa mga problema sa pagkain para protektahan ang iyong mga manonood mula sa pinsala at paghihirap:
- Pagtuunan ang epekto ng problema sa halip na ang mga detalye ng gawi ng may problema sa pagkain.
- Sabihin sa iyong audience na karaniwang nagdudulot ang mga problema sa pagkain ng malulubhang kumplikasyon.
- Magsama ng impormasyon at mga resource para sa mga diskarte sa pag-iwas sa problema sa pagkain at pagpapakatatag. Subukan itong isama sa mismong video at sa paglalarawan ng video.
Ano ang mangyayari kung lumalabag sa patakarang ito ang content
Kung lumalabag sa patakarang ito ang iyong content, aalisin namin ang content at papadalhan ka namin ng email para ipaalam ito sa iyo. Kung hindi namin mave-verify na ligtas ang link na na-post mo, puwede naming alisin ang link. Tandaan na ang mga lumalabag na URL na na-post sa loob mismo ng video o sa metadata ng video ay posibleng magresulta sa pag-aalis ng video.
Kung ito ang iyong unang paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, malamang na makakatanggap ka ng babala nang walang penalty sa channel mo. Magkakaroon ka ng pagkakataong sumailalim sa isang pagsasanay sa patakaran para hayaang mag-expire ang babala pagkalipas ng 90 araw. Gayunpaman, kung malalabag ang parehong patakaran sa loob ng 90 araw na palugit na iyon, hindi mag-e-expire ang babala at bibigyan ng strike ang iyong channel. Kung lalabag ka sa ibang patakaran pagkatapos mong makumpleto ang pagsasanay, makakatanggap ka ng isa pang babala.
Kung makakakuha ka ng 3 strike sa loob ng 90 araw, wawakasan ang iyong channel. Matuto pa tungkol sa aming system ng mga strike.
Puwede naming wakasan ang iyong channel o account dahil sa mga paulit-ulit na paglabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad o Mga Tuntunin ng Serbisyo. Puwede rin naming wakasan ang iyong channel o account pagkatapos ng isang matinding pang-aabuso, o kapag nakalaan ang channel sa isang paglabag sa patakaran. Puwede naming pigilang sumailalim sa mga pagsasanay sa patakaran sa hinaharap ang mga paulit-ulit na lumalabag. Matuto pa tungkol sa mga pagwawakas ng channel o account.
Panghuli, puwede rin naming limitahan ang iyong access sa live streaming kung magmumungkahi kang magla-live stream ka ng content na lalabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Matuto pa tungkol sa mga paghihigpit sa live streaming.
Mga babala at pansuportang resource
Posibleng magpakita ang YouTube ng mga feature o resource sa mga user kapag naglalaman ang content ng mga paksa ng pagpapatiwakal o pananakit sa sarili. Halimbawa:
- Babala sa iyong video bago ito magsimulang mag-play na nagsasaad na naglalaman ito ng content na nauugnay sa pagpapatiwakal at pananakit sa sarili
- Panel sa ilalim ng video na naglalaman ng mga pansuportang resource gaya ng mga numero ng telepono ng mga organisasyon sa pag-iwas sa pagpapatiwakal