Mga patakaran sa marahas o graphic na content

Pangunahin naming priyoridad ang kaligtasan ng aming mga creator, manonood, at partner. Inaasahan naming tutulungan kami ng bawat isa sa inyo na panatilihin at protektahan ang natatangi at masiglang komunidad na ito. Mahalagang maunawaan mo ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad, at ang tungkuling ginagampanan ng mga ito sa ating pinaghahatiang responsibilidad na panatilihing ligtas ang YouTube. Maglaan ng oras para mabasa nang mabuti ang patakaran sa ibaba. Puwede mo ring tingnan ang page na ito para sa kumpletong listahan ng aming mga alituntunin.

Hindi pinapayagan sa YouTube ang marahas o madugong content na naglalayong masindak o mandiri ang mga manonood, o content na nanghihikayat sa ibang gumawa ng mga karahasan.

Kung naniniwala kang may sinumang nahaharap sa napipintong panganib, dapat kang makipag-ugnayan sa iyong lokal na ahensyang nagpapatupad ng batas para iulat kaagad ang sitwasyon.

Kung makakita ka ng content na lumalabag sa patakarang ito, iulat ito. Available dito ang mga tagubilin para sa pag-uulat ng mga paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Kung nakakita ka ng ilang video o komentong gusto mong iulat, puwede mong iulat ang channel.

Ang epekto ng patakarang ito sa iyo

Kung nagpo-post ka ng content

Huwag mag-post ng content sa YouTube kung tumutugma ito sa alinman sa mga paglalarawang nakasaad sa ibaba.

Marahas o graphic na content:

  • Nang-uudyok sa ibang gumawa ng mga karahasan laban sa mga indibidwal o sa tinukoy na grupo ng mga tao.
  • Mga paglalaban na kinasasangkutan ng mga menor de edad.
  • Footage, audio, o koleksyon ng mga imaheng may kinalaman sa mga aksidente sa kalsada, natural na kalamidad, resulta ng digmaan, resulta ng pag-atake ng terorista, labanan sa kalye, pisikal na pag-atake, pagpatay bilang alay, torture, mga bangkay, protesta o riot, pagnanakaw, medikal na pamamaraan, o iba pang naturang pangyayaring nilalayong masindak o mandiri ang mga manonood.
  • Footage o koleksyon ng imaheng nagpapakita ng mga likido ng katawan, gaya ng dugo o suka, na nilalayong masindak o mandiri ang mga manonood.
  • Footage ng mga bangkay na may malulubhang pinsala, tulad ng mga naputol na binti o braso.

Content ng pang-aabuso sa hayop:

  • Content kung saan pinipilit ng mga tao ang mga hayop na maglaban.
  • Content kung saan minamaltrato ng isang tao ang isang hayop at pinapahirapan ito labas sa tradisyonal o karaniwang kagawian. Kasama sa mga halimbawa ng tradisyonal o karaniwang kagawian ang pangangaso o paghahanda ng pagkain.
  • Content kung saan inilalagay ng isang tao ang isang hayop sa mga hindi kinakailangan at hindi magandang kalagayan labas sa tradisyonal o karaniwang kagawian. Kasama sa mga halimbawa ng tradisyonal o karaniwang kagawian ang pangangaso o paghahanda ng pagkain.
  • Content na pumupuri o nanghihikayat ng labis na pagpapabaya, pangmamaltrato, o kasamaan sa mga hayop.
  • Content na nagpapakita ng pagsagip sa hayop na pinlano at inilalagay ang hayop sa mga mapaminsalang sitwasyon.
  • Graphic na content na nagtatampok ng mga hayop at naglalayong magdulot ng pagkasindak o pandidiri.

Pagsasadula o kathang-isip na content:

  • Pagsasadula o kathang-isip na footage ng content na ipinagbabawal ng mga alituntuning ito kung saan hindi binibigyan ng sapat na konteksto ang manonood para maunawaang pagsasadula o kathang-isip ang footage.

Tandaang hindi namin pinapayagan ang mga sumusunod na uri ng content kahit mayroong ibinigay na pang-edukasyon, pandokumentaryo, pang-agham, o pansining na konteksto:

  • Mararahas na pisikal na sekswal na panghahalay (video, mga still na koleksyon ng imahe, o audio).
  • Footage na kinunan ng may kagagawan sa panahon ng isang nakakamatay o malaki at marahas na event, kung saan may makikita o maririnig na mga sandata, karahasan, o mga napinsalang biktima.

Pakitandaang hindi ito kumpletong listahan.

Tandaang nalalapat din ang patakarang ito sa mga video, paglalarawan ng video, thumbnail, komento, live stream, at anupamang produkto o feature ng YouTube. Pakitandaang nalalapat din ang mga patakarang ito sa mga external na link sa iyong content. Puwedeng kasama rito ang mga naki-click na URL, pasalitang pagdirekta ng mga user sa iba pang site sa video, at iba pang anyo.

Pang-edukasyong content

Sa ilang sitwasyon, posibleng payagan namin ang mga uri ng marahas o graphic na content na nabanggit sa itaas sa pang-edukasyon, pandokumentaryo, pang-agham, o pansining na content. Hindi ito pahintulot na mag-upload ng content na naglalayong magdulot ng pagkasindak o pandidiri, o manghikayat ng ibang taong gumawa ng mga karahasan, at hindi namin ginagawa ang mga exception na ito para sa ilang uri ng content, tulad ng footage ng marahas na pisikal na sekswal na panghahalay. Para sa pang-edukasyong content na naglalaman ng mga uri ng marahas o graphic na content na nabanggit sa itaas, dapat lumabas ang kontekstong ito sa mga larawan o audio ng mismong video. Hindi sapat na nakalagay lang ito sa pamagat o paglalarawan.

Para sa pang-edukasyon, pandokumentaryo, pansiyentipiko, o pansining na content na naglalaman ng materyal para sa nasa hustong gulang o graphic na karahasan, puwede naming isaalang-alang ang mga opisyal na third-party na rating sa industriya para magpasya kung puwedeng manatili ang content sa YouTube. Ang content na sumusunod sa aming mga patakaran pero hindi naaangkop para sa lahat ng audience ay paghihigpitan ayon sa edad. Hindi mapapanood ng sinumang naka-sign out o wala pang 18 taong gulang ang content na pinaghihigpitan ayon sa edad.

Content na pinaghihigpitan ayon sa edad

Posibleng maglapat kami ng paghihigpit sa edad sa halip na mag-alis ng marahas o graphic na content kung nagbibigay ang content na iyon ng sapat na konteksto para maunawaan ito. Halimbawa, posibleng alisin ang content na nagpapakita ng mga pinsala ng mga biktima sa isang aksidente sa kalsada, pero posibleng lagyan namin ng paghihigpit sa edad ang mismong content na iyon kung may kasama itong balita na nagpapaliwanag ng sitwasyon at konteksto. Para sa pang-edukasyong paggamit ng marahas o graphic na content, lumalabas dapat ang kontekstong ito sa mga larawan o audio ng mismong video. Puwede ka pang matuto tungkol sa kahalagahan ng konteksto rito.

Isinasaalang-alang din namin ang interes ng publiko kapag nagpapasya kung dapat alisin o paghigpitan ayon sa edad ang content. Halimbawa, posibleng paghigpitan namin ayon sa edad ang graphic o marahas na content na nagdodokumento sa mga warzone.

Posible ring maglapat kami ng paghihigpit ayon sa edad sa mga kathang-isip na karahasan kapag naglalaman ito ng mga graphic na eksena, tulad ng mga taong pinuputulan ng mga braso at binti o pinupugutan ng ulo, o nagpapakita ng mga bangkay na may ganitong malulubhang pinsala. Sa pangkalahatan, pinapayagan namin ang mga pagsasadula ng karahasan kapag ipinapaalam ng content o metadata na kathang-isip lang ang content, o kapag malinaw itong nakikita sa mismong content, tulad ng animated na content o mga video game.

Isinasaalang-alang namin ang mga sumusunod kapag nagpapasya kung dapat paghigpitan ayon sa edad o alisin ang content. Tandaang hindi ito kumpletong listahan:

  • Kung marahas o madugong koleksyon ng imahe ang pinagtutuunan ng video. Halimbawa, pinagtutuunan lang ng video ang pinakamarahas na graphic na bahagi ng pelikula o video game.
  • Kung ang pamagat, paglalarawan, mga tag, o iba pang data ay nagpapakita ng layuning masindak o mandiri ang mga manonood.
  • Kung naka-blur, nakatakip, o nakatago ang marahas na koleksyon ng imahe o audio.
  • Ang tagal ng oras na nasa content ang mararahas na larawan o audio.
  • Kung may kontekstong nagpapaalam sa mga manonood na pagsasadula o kathang-isip ang koleksyon ng imahe. Halimbawa, sa pamamagitan ng impormasyon sa video, pamagat, o paglalarawan.
  • Kung bahagi ng panrelihiyon o pangkulturang kagawian ang karahasan, at ibinibigay ng uploader sa mga manonood ang kontekstong iyon.
  • Kung nagpapakita ang content ng pagpatay ng hayop sa pamamagitan ng mga tradisyonal o karaniwang kagawian para sa pangangaso, panrelihiyong kagawian, o paghahanda ng pagkain.

Nalalapat ang patakarang ito sa mga video, paglalarawan ng video, komento, live stream, at anupamang produkto o feature ng YouTube.

Mga Halimbawa

Narito ang ilang halimbawa ng content na hindi pinapayagan sa YouTube.

  • Nanghihikayat sa ibang pumunta sa isang partikular na lugar para gumawa ng karahasan, para gumawa ng karahasan sa isang partikular na oras, o para gawan ng karahasan ang mga indibidwal o grupo.
  • Mga aktwal na paglalaban ng mga menor de edad sa bakuran ng paaralan. Puwede naming payagan ang content kung larong paglalaban lang ang ginagawa ng mga menor de edad at ganoon ang nakikita ng mga manonood.
  • Mga bugbugan o suntukang wala sa konteksto ng mga propesyonal o propesyonal na pinapangasiwaang sporting event.

Higit pang halimbawa

Marahas o graphic na content
Hindi pinapayagan sa YouTube ang mga sumusunod na uri ng content. Hindi ito kumpletong listahan.
  • Footage ng medikal na pamamaraan kung saan nakatuon ang content sa mga bukas na sugat at walang ibinibigay na kaalaman o paliwanag sa mga manonood.
  • Footage ng mga krimen tulad ng mararahas na pagnanakaw na walang ibinibigay na kaalaman o paliwanag sa mga manonood.
  • Footage sa cell phone, dash cam, o closed circuit TV na nagpapakita ng taong napinsala o nasawi sa isang aksidente sa kalsadang may mga pamagat tulad ng “Nakakagimbal na aksidente” o “Babala: Maraming makikitang dugo.”
  • Mga video ng mga pamumugot ng ulo.
  • Mga one-sided na pag-atake na may mga pamagat tulad ng "Panoorin ang pambubugbog sa lalaking ito!".
Content ng pang-aabuso sa hayop
Tumutukoy ang pang-aabuso sa hayop sa content na nagpapakita ng nakakapinsala at labis na pisikal o sikolohikal na pananakit na nagpapahirap sa isang hayop. Posibleng gumawa kami ng mga exception para sa content na nagpapakita ng mga kagawiang tinatanggap ng marami, tulad ng pangangaso, paglalagay ng patibong, pagkontrol sa peste, paghahanda ng pagkain, medikal na panggagamot, o pagkatay ng hayop na nagpapakita ng pananakit sa isang hayop o grupo ng mga hayop.

Narito ang higit pang halimbawa ng content na hindi pinapayagan sa YouTube:

  • Paglalaban ng aso, pagsasabong, o iba pang sapilitang paglalaban ng hayop kung saan pinipilit ng mga taong atakihin ng mga hayop ang isa't isa. Pinapayagan namin ang content na nagpapakita ng mga hayop na naglalaban sa wild, tulad sa isang dokumentaryo sa kalikasan.
  • Content na nagpapakita ng pagpapahirap, pagpapabaya, o pangmamaltrato sa hayop para masindak ang manonood o purihin ang pang-aabuso, at hindi nagbibigay ng sapat na pang-edukasyon, pandokumentaryo, pang-agham, o pansining na konteksto.
  • Paglalaban ng mga toro kung saan napipinsala ang mga ito, tulad ng mga espada sa toro.
  • Pangangaso gamit ang mga hindi karaniwang kagawian, tulad ng bomba o lason.
  • Ang pinlanong pagsagip sa mga hayop kung saan sinasadyang saktan o ilagay sa mga mapanganib na sitwasyon ang mga hayop para sa dramatic na effect.

Hindi kumpleto ang listahan sa itaas.

Tandaang ilang halimbawa lang ang mga halimbawang ito, at huwag mag-post ng content kung sa tingin mo ay posibleng labag ito sa patakarang ito.

Ano ang mangyayari kung lumalabag sa patakarang ito ang content

Kung lumalabag sa patakarang ito ang iyong content, aalisin namin ang content at papadalhan ka namin ng email para ipaalam ito sa iyo. Kung hindi namin mave-verify na ligtas ang link na na-post mo, puwede naming alisin ang link. Tandaan na ang mga lumalabag na URL na na-post sa loob mismo ng video o sa metadata ng video ay posibleng magresulta sa pag-aalis ng video.

Kung ito ang iyong unang paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, malamang na makakatanggap ka ng babala nang walang penalty sa channel mo. Magkakaroon ka ng pagkakataong sumailalim sa isang pagsasanay sa patakaran para hayaang mag-expire ang babala pagkalipas ng 90 araw. Gayunpaman, kung malalabag ang parehong patakaran sa loob ng 90 araw na palugit na iyon, hindi mag-e-expire ang babala at bibigyan ng strike ang iyong channel. Kung lalabag ka sa ibang patakaran pagkatapos mong makumpleto ang pagsasanay, makakatanggap ka ng isa pang babala.

Kung makakakuha ka ng 3 strike sa loob ng 90 araw, wawakasan ang iyong channel. Matuto pa tungkol sa aming system ng mga strike.

Puwede naming wakasan ang iyong channel o account dahil sa mga paulit-ulit na paglabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad o Mga Tuntunin ng Serbisyo. Puwede rin naming wakasan ang iyong channel o account pagkatapos ng isang matinding pang-aabuso, o kapag nakalaan ang channel sa isang paglabag sa patakaran. Puwede naming pigilang sumailalim sa mga pagsasanay sa patakaran sa hinaharap ang mga paulit-ulit na lumalabag. Matuto pa tungkol sa mga pagwawakas ng channel o account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17908706671541965287
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false