Hindi pinapayagan ng YouTube ang spam, mga scam, o iba pang mapanlinlang na kagawiang nananamantala sa komunidad ng YouTube. Hindi rin namin pinapayagan ang content na may pangunahing layuning manloko ng ibang tao para umalis sila sa YouTube at pumunta sa ibang site.
Kung makakita ka ng content na lumalabag sa patakarang ito, iulat ito. Available dito ang mga tagubilin para sa pag-uulat ng mga paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Kung nakakita ka ng ilang video o komentong gusto mong iulat, puwede mong iulat ang channel.
Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyo
Kung nagpo-post ka ng content
Huwag mag-post ng content sa YouTube kung tumutugma ito sa alinman sa mga paglalarawang nakasaad sa ibaba.
- Spam na Video: Content na maraming beses na pino-post, paulit-ulit, o walang pinagtutuunan, at gumagawa ng isa o higit pa sa mga sumusunod:
- Nangangako sa mga manonood na may makikita silang isang bagay pero sa halip ay idinidirekta sila palabas ng site.
- Kumukuha ng mga pag-click, panonood, o trapiko palabas ng YouTube sa pamamagitan ng pangangako sa mga manonood na mabilis silang kikita ng pera.
- Nagdidirekta sa mga audience sa mga site na nagpapakalat ng mapaminsalang software, sumusubok na kumalap ng personal na impormasyon, o iba pang site na may negatibong epekto.
- Nakakalinlang na Metadata o Mga Thumbnail: Paggamit sa pamagat, mga thumbnail, o paglalarawan para lokohin ang mga user at papaniwalain sila sa content na naiiba sa kung ano talaga ito. Kasama rito ang mga pamagat, thumbnail, o paglalarawang nagpapaniwala sa mga manonood na may makikita silang isang bagay sa video, pero hindi ito kasama sa mismong video content.
- Mga Scam: Content na nag-aalok ng mga regalong cash, mga scheme sa “mabilis na pagyaman,” o mga pyramid scheme (pagpapadala ng pera nang walang pisikal na produkto sa isang pyramid na istruktura).
- Spam tungkol sa Pagbibigay ng Insentibo: Content na nagbebenta ng mga sukatan ng engagement gaya ng mga panonood, like, komento, o anupamang sukatan sa YouTube. Kabilang sa uri ng spam na ito ang content na naglalayon lang na magparami ng mga subscriber, panonood, o iba pang sukatan. Halimbawa, ang pag-aalok na mag-subscribe sa channel ng ibang creator kapalit lang ng pag-subscribe niya sa iyong channel, na kilala rin bilang "Sub4Sub" na content.
- Mga Spam na Komento: Mga komentong naglalayon lang na mangalap ng personal na impormasyon mula sa mga manonood, at mapanlinlang na nagdidirekta sa mga manonood palabas ng YouTube, o nagsasagawa ng alinman sa mga ipinagbabawal na gawi na nakasaad sa itaas.
- Mga paulit-ulit na komento: Pag-iiwan ng napakaraming magkakapareho, walang pinagtutuunan, o paulit-ulit na komento.
- Content ng 3rd party: Mga live stream na may kasamang hindi awtorisadong content ng 3rd party na hindi naitama pagkatapos ng mga paulit-ulit na babala tungkol sa posibleng pang-aabuso. Dapat ay aktibong subaybayan ng mga may-ari ng channel ang kanilang mga live stream at dapat nilang itama kaagad ang anumang potensyal na isyu.
Nalalapat ang patakarang ito sa mga video, paglalarawan ng video, komento, live stream, at anupamang produkto o feature ng YouTube. Tandaang hindi ito kumpletong listahan. Pakitandaang nalalapat din ang mga patakarang ito sa mga external na link sa iyong content. Puwedeng kasama rito ang mga naki-click na URL, pasalitang pagdirekta sa mga user papunta sa iba pang site sa video, at iba pang anyo.
Spam na Video
Hindi pinapayagan sa YouTube ang mga sumusunod na uri ng content. Tandaang hindi kumpleto ang listahang ito.
- Content na nangangako sa mga manonood na makakanood sila ng isang bagay pero sa halip ay idinidirekta sila palabas ng site para manood.
- Paulit-ulit na pag-post ng parehong content sa isa o higit pang channel.
- Maramihang pag-upload ng content na kinopya mo mula sa iba pang creator.
- Pagtatangkang lokohin ang mga manonood para mag-install sila ng mapaminsalang software, o pagdidirekta sa kanila sa mga site na puwedeng makakompromiso sa kanilang privacy.
- Content na awtomatikong nabuo na pino-post ng mga computer nang walang pagsasaalang-alang sa kalidad o experience ng manonood.
- Pangangako ng libreng pera, mga produkto, software, o mga perk sa gaming kung mag-i-install ng software, magda-download ng app, o magsasagawa ng iba pang gawain ang mga manonood.
- Maramihang pag-post ng content ng affiliate sa mga nakalaang account.
- Paulit-ulit na pag-upload ng content na hindi mo pag-aari at hindi EDSA.
Nakakalinlang na metadata o mga thumbnail
- Isang thumbnail na may larawan ng isang sikat na celebrity na walang kaugnayan sa video content.
- Paggamit sa pamagat, thumbnail, o paglalarawan para papaniwalain ang manonood na makakakita siya ng genre ng content na wala naman talaga sa video. Halimbawa, pagpapaniwala sa manonood na makakakita siya ng pagsusuri mula sa kilalang tagapagbalita pero sa halip ay naglalaman ng music video ang video.
- Mga pamagat, thumbnail, o paglalarawang nagpapaniwala sa mga manonood na may makikita silang isang bagay sa video, pero hindi ito kasama sa mismong video content.
- Paggamit sa pamagat, thumbnail, o paglalarawan para isaad na kamakailang nangyari o nangyayari ang isang kabali-balitang event, pero hindi pinag-uusapan ang event na iyon sa video content.
Mga Scam
- Paggawa ng mga labis na pangako, gaya ng mga claim na mabilis na yayaman ang mga manonood o makakagamot ng malulubhang sakit gaya ng cancer ang isang mahimalang gamot.
- Pag-promote ng pagreregalo ng cash o iba pang pyramid scheme.
- Mga account na nakalaan sa mga scheme ng pagreregalo ng cash.
- Mga video na nangangakong "Magkakaroon ka ng $50,000 bukas sa pamamagitan ng planong ito!"
Spam sa Pagbibigay ng Insentibo
- Mga video na may layuning hikayatin ang mga manonood na mag-subscribe.
- Mga video na "Subs 4 Subs."
- Mga video na nag-aalok ng mga ibinebentang "pag-like."
- Isang video na nag-aalok na ibibigay ang channel sa ika-100,000 subscriber nang walang anupamang ibang content.
Spam sa Mga Komento
- Mga komento tungkol sa mga survey o giveaway na nagpo-promote ng mga pyramid scheme.
- Mga referral link ng "Pay Per Click" sa mga komento.
- Mga komentong hindi totoong nagke-claim na mag-aalok ng kumpletong video content. Ang uri ng content na ito ay posibleng:
- Mga Pelikula
- Mga palabas sa TV
- Mga Concert
- Pag-post ng mga link papunta sa site ng mapaminsalang software o phishing sa mga komento: "wow nakakuha ako ng napakaraming pera mula rito! - [xyz phishing site].com"
- Mga komentong may mga link papunta sa mga store ng pekeng produkto.
- "Kumusta, panoorin ninyo ang aking channel/video rito!” kapag walang kaugnayan ang channel/video sa video kung saan ito na-post.
- Paulit-ulit na pag-post ng parehong komento na may link papunta sa iyong channel.
Content ng 3rd party
- Paggamit ng iyong telepono para mag-stream ng palabas sa TV.
- Paggamit ng 3rd party software para mag-live stream ng mga kanta mula sa isang album.
Tandaang ilang halimbawa lang ang mga ito, at huwag mag-post ng content kung sa tingin mo ay posibleng labag ito sa patakarang ito.
Ano ang mangyayari kung lumalabag sa patakarang ito ang content
Kung nilalabag ng iyong content ang patakarang ito, puwede naming suspindihin ang pag-monetize mo o wakasan ang iyong channel o account. Matuto pa tungkol sa mga patakaran sa pag-monetize at mga pagwawakas ng channel o account.
Para sa ilang paglabag, posibleng alisin namin ang content at magbigay kami ng babala o strike laban sa iyong channel. Kung mangyayari ito, papadalhan ka namin ng email para ipaalam ito sa iyo.
Puwede kang sumailalim sa isang pagsasanay sa patakaran para hayaang mag-expire ang babala pagkalipas ng 90 araw. Gayunpaman, kung lalabag ang iyong content sa parehong patakaran sa loob ng 90 araw na palugit na iyon, hindi mag-e-expire ang babala at bibigyan ng strike ang iyong channel. Kung lalabag ka sa ibang patakaran pagkatapos mong makumpleto ang pagsasanay, makakatanggap ka ng isa pang babala. Puwede naming pigilang sumailalim sa mga pagsasanay sa patakaran sa hinaharap ang mga paulit-ulit na lumalabag.
Kung makakakuha ka ng 3 strike sa loob ng 90 araw, wawakasan ang iyong channel. Matuto pa tungkol sa aming system ng strike.