Nakakatulong sa mga manonood ang system ng paghahanap at pagtuklas ng YouTube na mahanap ang mga video na pinakamalamang na gusto nilang panoorin at ma-maximize ang pangmatagalang kasiyahan ng manonood. Makakuha ng mga sagot tungkol sa performance ng iyong video at channel sa mga sumusunod na FAQ.
Paghahanap at Pagtuklas sa YouTube: Mga FAQ tungkol sa 'Algorithm' at Performance
Mga FAQ tungkol sa Discovery
Paano pinipili ng YouTube kung anong mga video ang ipo-promote?
- Kung ano ang pinapanood nila
- Kung ano ang hindi nila pinapanood
- Kung ano ang hinahanap nila
- Mga like at dislike
- Feedback na ‘hindi interesado’
Paano ko mapo-promote ang aking mga video sa mas malaking audience?
Paano nira-rank ang mga video sa Home?
- Performance -- Kung gaano kahusay na nahikayat at nasiyahan ang mga katulad na manonood sa iyong video, bukod sa iba pang salik.
- History ng panonood at paghahanap -- Kung gaano kadalas na nanonood ang iyong audience sa isang channel o paksa at kung ilang beses na namin ipinakita ang bawat video.
Tandaang hindi lahat ng content ay kwalipikadong mairekomenda sa page na YouTube Home.
Paano pinipili ang mga video para sa Trending?
Paano nira-rank ang mga video sa Iminumungkahi sa ilalim ng ‘Susunod’?
Paano nira-rank ang mga video sa Paghahanap?
- Kung gaano kahusay na tumutugma sa paghahanap ng manonood ang pamagat, paglalarawan, at content ng video.
- Kung anong mga video ang nagdadala ng pinakamaraming pakikipag-ugnayan para sa isang paghahanap.
Kapag pinalitan ang pamagat o thumbnail ng isang video, mababago ba nito ang rank ng video sa algorithm?
Paano ko mao-optimize ang aking pamagat at thumbnail para sa pagtuklas?
Puwede mo ring gamitin ang mga tip na ito para i-optimize ang iyong pamagat at thumbnail para sa pagtuklas:
- Tiyaking sumusunod ang iyong thumbnail sa aming patakaran sa thumbnail.
- Gumamit ng mga nakakahimok na pamagat para sa iyong mga video na tumpak na kumakatawan sa content.
- Gumawa ng mga thumbnail na tumpak na kumakatawan sa iyong content.
- Iwasang gumamit ng mga pamagat at thumbnail na:
- Mapanloko, nakakalinlang, clickbait o makatawag-pansin: Hindi tumpak na kumakatawan sa content ng video
- Nakakagulat: Naglalaman ng nakakapanakit o mapangahas na salita
- Nakakasuklam: Naglalaman ng nakakapandiri o nakakarimarim na larawan
- Hindi makatuwirang karahasan: Walang katuturang pagsusulong ng karahasan o pang-aabuso
- Mahalay: Nagpapahiwatig ng gawing may sekswal na pahiwatig o malaswa
- Maingay: Gumagamit ng ALL CAPS o !!!!! para labis na mabigyang-diin ang mga pamagat
Puwedeng maitaboy ng mga pamamaraang ito ang mga potensyal na bagong manonood mula sa iyong content at sa ilang pagkakataon ay posibleng magresulta na maalis ang iyong content para sa paglabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad.
Naaapektuhan ba ng status ng pag-monetize (dilaw na icon) ang aking video discovery?
Gaano kahalaga ang Mga Tag?
Makakatulong ba sa akin ang pagtatakda ng lokasyon ng aking channel sa isang partikular na bansa/rehiyon na maabot ang mas maraming manonood sa audience na iyon? (hal. Pagpapalit ng lokasyon sa US kahit na nasa Brazil ako)
Naaapektuhan ba ng Mga Like/Dislike kung paano inirerekomenda ang aking video?
Kung mag-a-upload ako ng isang video bilang hindi nakalista at sa ibang pagkakataon ay gagawin ko itong pampubliko, maaapektuhan ba nito ang performance ng aking video?
Mga FAQ tungkol sa performance
Kung hindi mahusay ang performance ng isa sa aking mga video, maaapektuhan ba nito ang aking channel?
Kung magpapahinga ako sa pag-upload, maaapektuhan ba nito ang performance ng aking channel?
Kailangan ko bang mag-upload araw-araw o kahit isang beses lang sa isang linggo?
Kailan ang pinakamagandang oras para mag-publish ng mga video?
Ano ang mas mahalaga, ang average na porsyento ng pinapanood o average na tagal ng panonood?
Bakit mas mababa ang aking mga panonood kaysa sa bilang ng subscriber ko?
Bakit nakakakuha ng mas kaunting trapiko ang aking channel mula sa Home o Iminumungkahi?
- Mas pinapanood ng iyong audience ang iba pang video at channel sa YouTube.
- Mas kaunting oras ang iginugugol ng iyong audience sa YouTube.
- Nagkaroon ka ng ilang video na may mataas na performance o naging “viral” ang isang videro pero hindi bumalik ang mga manonood na iyon para manood pa.
- Hindi gaanong madalas ang pag-upload kaysa sa dati.
- Bumababa ang kasikatan ng paksa kung saan nakatuon ang iyong mga video.
Bakit sumikat kamakailan ang isang lumang video?
- Tumataas ang kasikatan ng paksa kung tungkol saan ang iyong video.
- Natutuklasan ng mga bagong manonood ang iyong channel at ‘nagbi-binge’ sila sa mga lumang video mo.
- Mas maraming regular na manonood ang pinipiling panoorin ang iyong video, kapag iniaalok ito sa kanila sa mga rekomendasyon.
- Naglabas ka ng bagong video sa isang serye, na nag-uudyok sa mga manonood na balikan at panoorin ang mga lumang episode.