Mga patakaran sa maling impormasyon sa mga halalan

Noong Hunyo 2, 2023, in-update namin kung paano nalalapat ang patakarang ito sa mga nakaraang resulta ng halalan sa US. Matuto pa sa aming blog.

Hindi pinapayagan sa YouTube ang ilang partikular na uri ng mapanlinlang o mapanlokong content na posibleng magdulot ng napakatinding pinsala. Kasama rito ang ilang partikular na uri ng maling impormasyong puwedeng magdulot ng pinsala sa totoong buhay, gaya ng ilang partikular na uri ng content na teknikal na minanipula, at content na nakakagambala sa mga demokratikong proseso.

Patakaran Laban sa Maling Impormasyon sa Halalan: Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube

Kung makakita ka ng content na lumalabag sa patakarang ito, iulat ito. Available dito ang mga tagubilin para sa pag-uulat ng mga paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Kung nakakita ka ng maraming video o komentong mula sa iisang channel na gusto mong iulat, puwede mong iulat ang channel.

Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyo

Kung nagpo-post ka ng content

Ipinagbabawal ng mga patakarang ito ang ilang partikular na uri ng content kaugnay ng mga malaya at patas na demokratikong halalan. Huwag mag-post sa YouTube ng content na nauugnay sa mga halalan kung tumutugma ito sa alinman sa mga paglalarawang nakasaad sa ibaba.

  • Pamimigil sa botante: Content na may layuning linlangin ang mga botante tungkol sa oras, lugar, pamamaraan, o mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado para sa pagboto, o mga maling pahayag na posibleng lubhang makapigil sa pagboto.
  • Pagiging kwalipikado: Content na nagsusulong ng mga maling pahayag na nauugnay sa mga teknikal na kinakailangan sa pagiging kwalipikado para sa mga kasalukuyang kandidato sa pulitika at nakaupong nahalal na opisyal ng pamahalaan para makapagsilbi sa puwesto. Nakabatay ang mga isinasaalang-alang na kinakailangan sa pagiging kwalipikado sa naaangkop na pambansang batas, kasama ang edad, pagkamamamayan, o vital status.
  • Pang-uudyok na manggambala sa mga demokratikong proseso: Content na nanghihikayat sa ibang manggambala sa mga demokratikong proseso. Kabilang dito ang paghadlang o pang-aabala sa mga pamamaraan sa pagboto.
  • Integridad ng halalan: Content na nagsusulong ng mga maling pahayag na may nangyaring malawakang panloloko, mga error, o mga glitch sa ilang partikular na nakaraang halalan para matukoy ang mga pinuno ng pamahalaan. O kaya, content na nagpapahayag na mali ang mga certified na resulta ng mga halalang iyon. Kasalukuyang nalalapat ang patakarang ito sa:
    • Halalan ng pederal na pamahalaan ng Germany noong 2021
    • Ang Pampangulong halalan ng Brazil 2014, 2018, at 2022

Tandaang hindi ito kumpletong listahan.

Mga halimbawa

Hindi pinapayagan sa YouTube ang mga sumusunod na uri ng content. Hindi ito kumpletong listahan.

Pamimigil sa botante
  • Pagsasabi sa mga manonood na puwede silang bumoto sa pamamagitan ng mga hindi tumpak na pamamaraan tulad ng pag-text ng kanilang boto sa isang partikular na numero.
  • Pagbibigay ng gawa-gawang mga requirement sa pagiging kwalipikado bilang botante tulad ng pagsasabing ang isang partikular na halalan ay bukas lang para sa mga botanteng mahigit 50 taong gulang.
  • Pagsasabi sa mga manonood ng maling petsa ng pagboto.
  • Pagpapahayag na nakikita sa sobre ng pagboto sa pamamagitan ng mail ang kaugnayan sa pampulitikang partido ng botante.
  • Mga maling pahayag na ang kinalabasan ng mga nakaraang halalan ay resulta ng pagboto ng mga hindi mamamayan.
  • Mga maling pahayag na na-hack noon ang mga elektronikong voting machine ng Brazil para mapalitan ang boto ng isang indbidwal.
Pagiging kwalipikado ng kandidato
  • Mga pahayag na nagsasabing hindi kwalipikadong umupo sa puwesto ang isang kandidato o nakaupong opisyal ng pamahalaan batay sa maling impormasyon tungkol sa kinakailangang edad para makaupo sa puwesto sa bansa/rehiyong iyon.
  • Mga pahayag na nagsasabing hindi kwalipikadong umupo sa puwesto ang isang kandidato o nakaupong opisyal ng pamahalaan batay sa maling impormasyon tungkol sa katayuan ng pagkamamamayan para makaupo sa puwesto sa bansa/rehiyong iyon.
  • Mga pahayag na nagsasabing hindi kwalipikadong tumakbo ang isang kandidato o nakaupong opisyal ng pamahalaan batay sa mga maling pahayag na sila ay patay na, wala pa sa hustong gulang, o kung hindi man ay hindi natutugunan ang mga requirement sa pagiging kwalipikado.
Pag-uudyok na makagambala sa mga demokratikong proseso
  • Pagsasabi sa mga manonood na gumawa ng mahahabang pila sa pagboto na naglalayong gawing mahirap para sa iba ang pagboto.
  • Pagsasabi sa mga manonood na i-hack ang mga website ng pamahalaan para maantala ang paglabas ng mga resulta ng mga halalan.
  • Pagsasabi sa mga manonood na mag-udyok ng pisikal na alitan sa mga opisyal ng halalan, botante, kandidato, o iba pang indibidwal sa mga presinto para mapigilan ang botohan.
Integridad ng halalan
  • Content na nagsusulong ng mga maling pahayag na binago ng malawakang panloloko, error, o mga glitch ang resulta ng parliyamentaryong (Bundestag) halalan ng Germany, na naninira sa pagkalehitimo ng pagkakabuo ng bagong pamahalaan o pagkakahalal at pagkakatalaga sa sumunod na German Chancellor.
  • Mga maling pahayag na nagbago ang kinalabasan ng pampangulong halalan sa Brazil noong 2018 dahil sa malawakang panloloko, error, o mga glitch.  

Content na pang-edukasyon, dokumentaryo, siyentipiko, o artistiko

Kung minsan, pinapayagang manatili sa YouTube ang content na lumalabag sana sa patakarang ito kapag mayroon itong kontekstong Pang-edukasyon, Dokumentaryo, Siyentipiko, o Artistiko (Educational, Documentary, Scientific, or Artistic, o EDSA) sa video, audio, pamagat, o paglalarawan. Hindi ito pahintulot na magsulong ng maling impormasyon. Puwedeng kasama sa karagdagang konteksto ang mga sumasalungat na opinyon, o kung tinutuligsa, kinokontra, o nililibak ng content ang maling impormasyong lumalabag sa aming mga patakaran. Alamin kung paano sinusuri ng YouTube ang content na EDSA.

Mga nauugnay na patakaran

Napapailalim din ang content na nauugnay sa mga halalan sa iba pang Alituntunin ng Komunidad. Halimbawa, puwedeng kasama rito ang mga sumusunod:

  • Hindi pinapayagan sa ilalim ng aming Mga patakaran sa panliligalig at cyberbullying ang content na nagbabanta sa mga indibidwal gaya ng mga nagtatrabaho para sa halalan, kandidato, o botante.
  • Hindi pinapayagan sa ilalim ng aming Mga patakaran sa maling impormasyon ang content na teknikal na minanipula o pinalsipika sa isang paraang nanlilinlang sa mga user - karaniwang bukod pa sa mga clip na wala sa konteksto - at posibleng magdulot ng napakalalang pinsala. Halimbawa, footage na teknikal na minanipula para magmukhang sinasabi ng isang kandidato para sa pampublikong katungkulan na hindi na siya tatakbo kahit hindi naman ito totoo.
  • Hindi pinapayagan sa ilalim ng aming Mga patakaran sa maling impormasyon ang content na posibleng magdulot ng napakalalang pinsala sa pamamagitan ng maling pagsasabing mula sa isang kasalukuyang pangyayari ang lumang footage mula sa isang nakalipas nang pangyayari. Halimbawa, isang video na nagpapakitang kinukunsinti ng isang pangulo ang isang marahas na sigalot na hindi naman talaga niya kailanman kinunsinti.
  • Hindi pinapayagan sa ilalim ng aming Mga patakaran sa marahas o graphic na content ang content na nanghihikayat sa ibang gumawa ng mga karahasan, kabilang ang mga pagkilos na tina-target ang mga nagtatrabaho para sa halalan, kandidato, o botante.
  • Hindi pinapayagan sa ilalim ng aming Mga patakaran sa mapoot na salita ang content na nagsusulong ng karahasan o pagkapoot laban sa mga indibidwal o grupo batay sa ilang partikular na katangian. Kabilang dito, halimbawa, ang content na nagpapakita ng attendee ng isang politikal na rally na inaalisan ng mga katangiang pantao o makatao ang isang grupo batay sa isang pinoprotektahang katangian, tulad ng lahi, relihiyon, o sekswal na oryentasyon.
  • Hindi pinapayagan sa ilalim ng aming Patakaran sa pagpapanggap ang content na nilalayong magpanggap bilang isang tao o channel, gaya ng isang kandidato sa politika o kanyang partido sa politika.
  • Content na naglalaman ng mga external na link sa materyal na lalabag sa aming mga patakaran at posibleng magdulot ng napakalalang pinsala, tulad ng mapanlinlang o mapanlokong content na nauugnay sa isang halalan, mapoot na salitang tina-target ang mga protektadong grupo, o panliligalig na tina-target ang mga nagtatrabaho para sa halalan, kandidato, o botante. Puwedeng kasama rito ang mga naki-click na URL, pasalitang pagdirekta sa mga user sa iba pang site sa isang video, at iba pang paraan ng pag-share ng link.

Tandaang ilang halimbawa lang ang mga ito, at huwag mag-post ng content kung sa tingin mo ay posibleng labag ito sa mga patakarang ito. Nalalapat din ang mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser. Pakitandaang nalalapat din ang mga patakarang ito sa mga external na link sa iyong content. Puwede itong kabilangan ng mga naki-click na URL, pasalitang pagdirekta sa mga user papunta sa iba pang site sa video, at iba pang anyo.

Ano ang mangyayari kung lumalabag sa patakarang ito ang content

Kung lumalabag sa patakarang ito ang iyong content, aalisin namin ang content at papadalhan ka namin ng email para ipaalam ito sa iyo. Kung hindi namin mave-verify na ligtas ang link na na-post mo, puwede naming alisin ang link. Tandaan na ang mga lumalabag na URL na na-post sa loob mismo ng video o sa metadata ng video ay posibleng magresulta sa pag-aalis ng video.

Kung ito ang iyong unang paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, malamang na makakatanggap ka ng babala nang walang penalty sa channel mo. Magkakaroon ka ng pagkakataong sumailalim sa isang pagsasanay sa patakaran para hayaang mag-expire ang babala pagkalipas ng 90 araw. Gayunpaman, kung malalabag ang parehong patakaran sa loob ng 90 araw na palugit na iyon, hindi mag-e-expire ang babala at bibigyan ng strike ang iyong channel. Kung lalabag ka sa ibang patakaran pagkatapos mong makumpleto ang pagsasanay, makakatanggap ka ng isa pang babala.

Kung makakakuha ka ng 3 strike sa loob ng 90 araw, wawakasan ang iyong channel. Matuto pa tungkol sa aming system ng mga strike.

Puwede naming wakasan ang iyong channel o account dahil sa mga paulit-ulit na paglabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad o Mga Tuntunin ng Serbisyo. Puwede rin naming wakasan ang iyong channel o account pagkatapos ng isang matinding pang-aabuso, o kapag nakalaan ang channel sa isang paglabag sa patakaran. Puwede naming pigilang sumailalim sa mga pagsasanay sa patakaran sa hinaharap ang mga paulit-ulit na lumalabag. Matuto pa tungkol sa mga pagwawakas ng channel o account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12217487779980629325
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false