Mga patakaran sa maling impormasyon

Hindi pinapayagan sa YouTube ang ilang partikular na uri ng mapanlinlang o mapanlokong content na posibleng magdulot ng napakatinding pinsala. Kasama rito ang ilang partikular na uri ng maling impormasyong puwedeng magdulot ng pinsala sa totoong buhay, ilang partikular na uri ng content na teknikal na minanipula, o content na nakakagambala sa mga demokratikong proseso.

Kung makakita ka ng content na lumalabag sa patakarang ito, iulat ito. Available dito ang mga tagubilin para sa pag-uulat ng mga paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Kung nakakita ka ng maraming video o komentong gusto mong iulat, puwede mong iulat ang channel.

Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyo

Kung nagpo-post ka ng content

Huwag mag-post ng content sa YouTube kung tumutugma ito sa alinman sa mga paglalarawan sa ibaba.

  • Pamimigil sa paglahok sa census: Content na naglalayong linlangin ang mga kalahok ng census tungkol sa oras, lugar, pamamaraan, o mga requirement sa pagiging kwalipikado ng census, o mga maling pahayag na posibleng lubhang makapigil sa paglahok sa census.
  • Minanipulang content: Content na teknikal na minanipula o pinalsipika sa isang paraang nanlilinlang sa mga user (karaniwang bukod pa sa mga clip na wala sa konteksto) at posibleng magdulot ng napakatinding pinsala.
  • Na-misattribute na content: Content na posibleng magdulot ng napakatinding pinsala sa pamamagitan ng maling pag-claim na mula sa kasalukuyang event ang lumang footage mula sa dating event.

Mga halimbawa

Narito ang ilang halimbawa ng content na hindi pinapayagan sa YouTube.

Pamimigil sa paglahok sa census
  • Pagbibigay ng mga maling tagubilin sa kung paano lumahok sa census.
  • Pagpigil sa paglahok sa census sa pamamagitan ng maling pag-claim na iuulat sa tagapagpatupad ng batas ang status sa imigrasyon ng respondent.
Minanipulang content
  • Mga hindi tumpak na isinaling subtitle ng video na nagpapalala ng mga geopolitical na sitwasyon, na nagdudulot ng napakatinding pinsala.
  • Mga video na teknikal na minanipula (kadalasang bukod pa sa mga clip na wala sa konteksto) para pagmukhaing patay na ang isang opisyal ng pamahalaan.
  • Video content na teknikal na minanipula (kadalasang bukod pa sa mga clip na wala sa konteksto) para gumawa ng mga event na makakapagdulot ng napakatinding pinsala.
Na-misattribute na content
  • Content na hindi tumpak na ipinapakita bilang nagdodokumento ng mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa isang partikular na lokasyon na sa katunayan ay content mula sa isa pang lokasyon o event.  
  • Content na nagpapakita ng panghuhuli ng militar sa mga nagpoprotesta na may mga maling pahayag na ang content ay mula sa isang kasalukuyang event, kahit sa katunayan ay ilang taon na ang footage.

Tandaang ilang halimbawa lang ang mga ito, at huwag mag-post ng content kung sa tingin mo ay posibleng labag ito sa mga patakarang ito. Pakitandaang nalalapat din ang mga patakarang ito sa mga external na link sa iyong content. Puwede itong kabilangan ng mga naki-click na URL, pasalitang pagdirekta sa mga user papunta sa iba pang site sa video, at iba pang anyo.

Pang-edukasyon, pandokumentaryo, pansiyentipiko, o pansining na content

Puwede naming payagan ang content na lumalabag sa mga patakaran sa maling impormasyon na nakatala sa page na ito kung ang content na iyon ay may kasamang karagdagang konteksto sa video, audio, pamagat, o paglalarawan. Hindi ito pahintulot na magsulong ng maling impormasyon. Puwede kaming gumawa ng mga pagbubukod kung ang layunin ng content ay tuligsain, i-dispute, o libakin ang maling impormasyong lumalabag sa aming mga patakaran.

Pinapayagan din namin ang mga personal na paghahayag ng opinyon tungkol sa mga paksa sa itaas hangga't hindi nilalabag ng mga ito ang alinman sa mga patakarang nakabalangkas sa itaas.

Ano ang mangyayari kung lumalabag sa patakarang ito ang content

Kung lumalabag sa patakarang ito ang iyong content, aalisin namin ang content at papadalhan ka namin ng email para ipaalam ito sa iyo. Kung hindi namin mave-verify na ligtas ang link na pinost mo, puwede naming alisin ang link.

Kung ito ang iyong unang paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Kominidad, malamang na makakatanggap ka ng babala nang walang penalty sa channel mo. Kung hindi, posible kaming maghain ng strike laban sa iyong channel. Kung makakakuha ka ng 3 strike sa loob ng 90 araw, wawakasan ang iyong channel. Puwede kang matuto pa tungkol sa aming system ng mga strike dito.

Puwede naming wakasan ang iyong channel o account dahil sa mga paulit-ulit na paglabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad o Mga Tuntunin ng Serbisyo. Puwede rin naming wakasan ang iyong channel o account pagkatapos ng isang matinding pang-aabuso, o kapag nakalaan ang channel sa isang paglabag sa patakaran. Puwede kang matuto pa tungkol sa mga pagwawakas ng channel o account dito.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
2532302681980668591
true