Mapo-pause ang pag-monetize sa iyong channel kapag walang naka-link na aktibo at inaprubahang AdSense account sa channel mo. Nire-require ng Partner Program ng YouTube na magkaroon ang lahat ng partner ng aktibo, inaprubahan, at naka-link na AdSense account.
Tandaang kapag walang aktibo, naaprubahan, at naka-link na AdSense account para sa iyong channel, hindi ka puwedeng kumita mula sa YouTube at hindi tatakbo ang mga ad sa mga video mo. Kasama rito ang kita mula sa pag-advertise, mga subscription sa YouTube Premium, at iba pang source ng kita gaya ng mga channel membership.
Habang naka-pause ang iyong pag-monetize, magagawa mo pa ring mag-upload ng orihinal na content at paramihin ang iyong audience sa YouTube. Kung kabilang ka sa Partner Program ng YouTube at na-pause ang iyong pag-monetize, huwag mag-alala – nasa programa ka pa rin. Magpapatuloy ang pag-monetize pagkatapos mag-link ng aktibo at naaprubahang AdSense account.
Kung dati ka nang may AdSense account, tiyakin lang na na-verify ang address na nasa file. Para makatulong na mapanatiling secure ang iyong account, hihilingin sa iyo ng AdSense na i-verify ang address mo bago kami magpadala sa iyo ng anumang pagbabayad. Matuto pa tungkol sa kung ano ang nire-require dito.
Mag-link ng AdSense account
Kung kabilang ka sa Partner Program ng YouTube at gusto mong palitan ang AdSense account na nauugnay sa iyong channel, magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito: Palitan ang naka-link mong AdSense account.