Alisin ang impormasyon mula sa Google
Nalalapat sa lahat ang mga patakaran sa content at produkto ng Google Search. Kung may makita kang content kung saan ikaw o ang taong kinakatawan mo ang paksa at gusto mo itong ipatanggal, tingnan ang aming mga patakaran sa personal na content sa ibaba para malaman kung natutugunan ng content ang mga requirement sa pag-aalis. Puwede kang gumawa ng request sa pag-aalis ayon sa sinasabi sa artikulo. Puwede mo ring sagutin ang mga tanong sa seksyong Mag-ulat ng Problema ng aming Help Center. Susuriin namin ang content na iuulat mo sa amin para makita kung dapat ba itong alisin mula sa mga resulta ng paghahanap sa Google.
- Alisin ang mga explicit o maselang personal na larawan sa mga resulta sa Google Search
- Alisin ang koleksyon ng explicit, di-konsensuwal, at pekeng koleksyon ng imahe sa mga resulta sa Google Search
- Alisin ang pagkakaugnay sa walang katuturang sekswal na content sa mga resulta ng paghahanap sa Google para sa aking pangalan
- Alisin ang impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan (personally identifiable information o PII) o doxxing na content sa mga resulta sa Google Search
- Alisin ang content tungkol sa akin sa mga site na may mga mapagsamantalang gawi sa pag-aalis sa mga resulta sa Google Search
- Content na nauugnay sa mga indibidwal na wala pang 18 taong gulang
Kung inalis na ng may-ari ng website ang impormasyon, aalisin ito sa Google Search bilang bahagi ng aming regular na proseso ng pag-update. Gayunpaman, puwede mo ring i-request na i-refresh ang luma nang content gamit ang tool sa Pag-refresh ng luma nang content.
Kung hindi kwalipikado para sa pag-aalis ang iyong content sa ilalim ng mga patakaran sa personal na content na nakalista sa itaas, posibleng mayroon ka pa ring iba pang opsyon o tingnan ang Legal Help Center.
Posibleng alisin ang content dahil sa mga partikular na legal na dahilan, kabilang ang, pero hindi limitado sa:
- Paglabag sa copyright
- Mga paglabag sa patakaran sa pamemeke
- Utos ng hukuman
Kung naging paksa ka ng explicit na content na shine-share nang walang pahintulot mo o shine-share sa mga paraang hindi ka sumang-ayon, available ang mga serbisyo sa suporta.