Puwede mong i-review ang mga bagay na hinanap mo sa Google, tulad ng:
- Mga pelikula
- Mga palabas sa TV
- Mga aklat
- Mga video game
- Mga produkto
- Mga music album
Bago ka magdagdag ng review, pumunta sa mga patakaran ng Google para sa content na pino-post sa Search. Posibleng hindi ipakita ang mga review na hindi sumusunod sa mga patakaran.
Mahalaga: Available ang mga review tungkol sa produkto sa English (United States at India) at available ang mga review tungkol sa media sa English, Portuguese, French, German, at Spanish.
Ang makikita ng iba
Pampubliko ang iyong mga review, kaya makikita ng kahit sino ang isusulat mo. Mapipili ng kahit sino ang iyong larawan sa profile para makita ang mga kontribusyon mo sa Google Search. Lumalabas kasama ng iyong mga review ang pangalang nasa page mo ng Tungkol sa akin. Hindi ka makakapagdagdag ng anonymous na review.
Mag-iwan ng review o rating
- Pumunta sa Google.com o buksan ang Google app .
- Maghanap ng pelikula, palabas sa TV, aklat, video game, produkto, o music album.
- Sa ilalim ng "Mga review ng audience," pumili ng star rating .
- I-tap o i-click ang Ano ang masasabi mo tungkol dito…?
- Ilagay ang iyong review, at pagkatapos ay i-tap o i-click ang I-post.
Maghanap, mag-edit, o mag-delete ng review
- Pumunta sa google.com o buksan ang Google app .
- Hanapin ang pelikula, palabas sa TV, aklat, video game, produkto, o album ng musika na na-review mo.
- Pumunta sa "Mga review ng audience."
- Para mag-edit o mag-delete ng review, sa tabi nito, i-tap o i-click ang Higit pa I-edit o I-delete
Mag-ulat ng review
- Pumunta sa Google.com o buksan ang Google app .
- Hanapin ang review na lumalabag sa mga patakaran para sa content na pino-post ng mga user sa Search.
- Sa tabi ng review, i-tap o i-click ang Higit pa I-flag bilang hindi naaangkop.