Maghanap ng mga web page, larawan, at higit pa mula sa Google Go app

Makakahanap ka ng mga web page, larawan, at higit pa mula sa Google Go app. Mabilis na gumagana ang Google Go sa iba't ibang device at koneksyon sa internet.
Google Go ang default na search app sa mga Android Go device.

Tingnan kung mayroon ka ng pinakabagong bersyon ng app

  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa Google Goapp Google Go.
  2. I-tap ang I-update. Kung makikita mo ang "Naka-install," mayroong ka na ng pinakabagong bersyon.

Maghanap ng mga web page, larawan, GIF, at higit pa

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Go app Google Go.

  2. Mag-tap ng kategorya tulad ng Maghanap, Mga Larawan, o Mga GIF.

  3. Maghanap ng isang bagay, pagkatapos ay i-tap ang Go.

Maghanap gamit ang iyong boses

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Go app Google Go.
  2. Mula sa search bar, i-tap ang Mikropono Mikropono.
  3. Sabihin ang iyong hinahanap.

Para gumawa ng paghahanap gamit ang boses mula sa homepage, i-tap ang Paghahanap gamit ang boses.

Magbasa, makinig, at maghanap gamit ang Lens Go

Sa pamamagitan ng feature na Lens Go ng Google Go, puwede mong gamitin ang camera ng iyong telepono para magsalin ng mga nakasulat na salita, basahin ang mga ito sa pinagmulang wika ng mga ito, at maghanap sa web ng mga kaparehong parirala.

Magsalin ng text sa isang larawan

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Go app Google Go.
  2. Sa kanan ng search bar o sa seksyong “Mga Nangungunang App,” i-tap ang Lens Google Lens.
  3. Kunan ng larawan ng mga salitang gusto mong maintindihan.
  4. Kapag naproseso na ng Lens ang larawan, i-tap ang Isalin .

Ang pagsasalin sa  ay naka-default sa wikang pinili mo sa Go.
Tip: Sa kanang bahagi sa itaas, puwede mong baguhin ang iyong wika ng pagsasalin kung ita-tap mo ang Higit paHigit paat pagkatapos ayBaguhin ang wika ng pagsasalin.

Pakinggan ang text sa isang larawan

Kapag na-interpret na ng Lens Go ang text sa larawan, puwede mo na itong ipabasa.  
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Go app Google Go
  2. Sa kanan ng search bar o sa seksyong “Mga Nangungunang App,” i-tap ang Lens Google Lens .
  3. Kunan ng larawan ang mga salitang gusto mong pakinggan.
  4. Kapag naproseso na ng lens ang larawan, sa ibaba, i-tap ang Pakinggan .
Tip: Puwede ka ring makinig sa mga pagsasalin.

Maghanap ng impormasyon tungkol sa mga bagay sa paligid mo

Kapag na-interpret na ng Lens Go ang text ng larawan, puwede ka nang magsagawa ng paghahanap sa internet gamit ang  text. 

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Go app Google Go
  2. Sa kanan ng search bar o sa seksyong "Mga Nangungunang App," i-tap ang Lens Google Lens .
  3. Kunan ng larawan ang mga salitang gusto mong hanapin.
  4. Kapag naproseso na ng lens ang larawan, sa ibaba, i-tap ang Maghanap Maghanap.
Tip: Puwede ka ring magsagawa ng paghahanap na may mga pagsasalin.

Tumuklas ng mga update tungkol sa iyong mga interes

Puwede kang makatanggap ng mga update para sa iyong mga interes, tulad ng paborito mong palabas sa TV o sports team.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Go app Google Go.
  2. Sa itaas, i-tap ang Discover Icon ng Discover, o mag-swipe pakanan sa home screen.

Baguhin ang iba pang setting

Magdagdag o mag-alis ng mga app at site

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Go app Google Go.
  2.  Magdagdag, mag-alis, o mag-ayos ulit ng app o site:
    •  Magdagdag
    1.  Sa ilalim ng "Mga App," i-tap ang Magdagdag .
    2.  Hanapin ang iyong paboritong app, pagkatapos ay pindutin ito nang matagal. Madaragdag ang app sa iyong home screen.
    •  Alisin
    1. ​ Sa home screen, hanapin ang app na gusto mong alisin.
    2.  Pindutin nang matagal ang icon ng app at pagkatapos ay Alisin.

Para maghanap ng higit pang site at app, mag-swipe pakaliwa sa home screen at mag-tap ng kategorya sa itaas ng page na "Lahat ng App."

Makakuha ng mga resulta ng paghahanap sa ibang wika

Para maghanap sa ibang wika, kailangan mo munang magdagdag ng bagong wika.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Go app Google Go.
  2. Sa itaas, i-tap ang Mga Setting Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng “Mga Wika,” i-tap ang Pumili ng pangalawang wika para sa Search.
  4. Pumili ng wika.
  5. Maghanap ng isang bagay, pagkatapos ay i-tap ang Go.
  6. Sa itaas ng search bar, i-tap ang wika kung saan mo gustong makita ang mga resulta.

Pamahalaan ang iyong mga setting ng Google Go

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Go app Google Go.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting .
  3. Pumili ng setting na ia-update:
    • Wallpaper: I-customize ang iyong wallpaper.
    • Mga Wika: Baguhin ang wika ng app o magdagdag ng pangalawang wika para sa Search.
    • Data: Gumamit ng lite mode para magpakita ng mga pangunahing web page at mag-save ng data.
    • Account: Lumipat sa ibang Google Account, pamahalaan ang iyong history ng paghahanap at iba pang aktibidad ng Google Account.
    • Mga Notification: Kung naghahanap ka offline o nagkakaproblema ka sa pagkonekta sa wifi, makatanggap ng mga notification kung nag-load na ang web page o kung handa na ang mga resulta ng paghahanap.
    • SafeSearch: Mag-filter ng mga tahasang resulta ng paghahanap.

I-delete ang iyong Aktibidad sa Web at App

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Go app Google Go.
  2. Mula sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting .
  3. Sa ilalim ng “Account,” i-tap ang Aking aktibidad.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa I-delete ang mga resulta.
  5. I-tap ang I-delete.

Matuto kung paano i-delete ang iyong aktibidad.

Mga kaugnay na artikulo