Magdagdag o mag-edit ng gawain

Kapag gumawa ka ng gawain, magagawa mong:

  • Magdagdag ng mga detalye.
  • Magtakda ng petsa at oras.
  • Gawin itong umuulit sa ilang partikular na araw.
  • Magdagdag ng mga subtask.

Mahalaga: 

  • Sa lahat ng iyong listahan, puwede kang gumawa ng hanggang 100,000 gawain. 
  • Para sa anumang listahan, puwede kang gumawa ng hanggang 20,000 hindi pa nakukumpletong gawain.

Gumawa ng gawain

Magdagdag ng gawain gamit ang Google Tasks app
  1. Buksan ang Google Tasks app Tasks.
  2. I-tap ang Magdagdag ng bagong gawain .
  3. Maglagay ng gawain.
  4. Opsyonal: Para magdagdag ng petsa at oras o para ulitin ang isang gawain, i-tap ang Magdagdag ng petsa/oras Petsa/oras at pagkatapos ay Tapos na.
  5. I-tap ang I-save.
Magdagdag ng gawain mula sa email
  1. Buksan ang Gmail app .
  2. Buksan ang email na gusto mong i-save bilang gawain.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pang opsyon Higit pa at pagkatapos ay Idagdag sa Tasks.
Magdagdag ng gawain sa Google Calendar

Puwede ka ring mag-edit, mag-delete, at tumapos ng mga gawain mula sa Google Calendar. Alamin kung paano gumawa at tumingin ng mga gawain sa Calendar apps.

  1. Buksan ang Google Calendar app Calendar.
  2. Pumili ng opsyon:
    • Mag-tap ng walang lamang slot sa iyong kalendaryo at pagkatapos ay Gawain.
    • I-tap ang Magdagdag at pagkatapos ay Gawain .
  3. Ilagay ang pangalan at mga detalye ng gawain.
  4. I-tap ang I-save.

Mga Tip:

  • Makikita sa Google Calendar ang anumang gawaing may mga petsa na gagawin mo sa Tasks app.
  • Available sa iyong kasalukuyang araw sa Google Calendar ang isang listahan ng lahat ng hindi tapos na gawain sa nakalipas na 365 araw.
  • Kapag ginawa mong “Event” ang kategorya mula sa “Gawain” sa kalagitnaan ng proseso ng paggawa, ire-retain ng Calendar app ang lahat ng data na posibleng ma-retain.
Magdagdag ng gawain mula sa Google Chat

Puwede kang gumawa ng personal na gawain mula sa Google Chat. 

  1. Buksan ang Google Chat app .
  2. Pindutin nang matagal ang mensahe sa chat na gusto mong idagdag bilang gawain.
  3. I-tap ang Idagdag sa Tasks.
  4. Tapusin ang iyong draft na gawain sa Tasks app.

Mga Tip: 

  • Kung magdaragdag ka ng petsa sa iyong gawain sa Google Tasks, lalabas din ang gawain sa Google Calendar.
  • Kung ie-edit mo ang gawain sa Google Tasks, hindi magbabago ang mensahe sa Chat. 
  • Para mag-navigate pabalik sa iyong mensahe sa Chat mula sa Google Tasks, sa ibaba ng gawain, i-click ang pangalan ng chat. 
 

Magdagdag ng gawain gamit ang Google Assistant

Puwede mong hilingin sa Google Assistant na gumawa ng gawain. Halimbawa, puwede mong sabihin ang:

  • "Ok Google, create a task (Ok Google, gumawa ng gawain)."
  • "Ok Google, remind me to call Mom at noon tomorrow (Ok Google, ipaalala sa aking tawagan si Mama bukas nang tanghali)."

Alamin kung paano gumawa ng mga gawain gamit ang Google Assistant

Baguhin ang isang gawain 

Magagawa mong:

  • Baguhin ang pangalan ng gawain
  • Magdagdag ng mga detalye
  • Maglagay ng takdang petsa
  • Magdagdag ng mga subtask
  1. Buksan ang Google Tasks app Tasks.
  2. I-tap ang gawaing gusto mong i-edit.
  3. Baguhin ang impormasyon ng gawain.
  4. I-tap ang Bumalik .

Mga Tip:

  • Kung gusto mong baguhin ang petsa at oras ng susunod na umuulit na gawain sa isang serye, i-tap ang petsa.
  • Para i-edit ang petsa at oras para sa lahat ng gawain, sa ibaba, i-tap ang impormasyon ng pag-uulit.

Markahan ang gawain bilang tapos na

  1. Buksan ang Google Tasks app Tasks.
  2. Sa kaliwa ng isang gawain, i-tap ang Tapos na Markahang tapos na.

Mag-delete ng gawain 

  1. Buksan ang Google Tasks app Tasks.
  2. I-tap ang gawaing gusto mong i-delete at pagkatapos ay I-delete .

Mag-delete ng gawain sa isang umuulit na serye

  1. Buksan ang Google Calendar app Calendar.
  2. I-tap ang gawaing gusto mong i-delete.
  3. I-tap ang I-delete at pagkatapos ay Ang gawaing ito.

Matuto tungkol sa mga notification sa gawain  

  • Kung magdaragdag ka ng petsa at oras sa iyong gawain, makakatanggap ka ng mga notification sa nakaiskedyul na petsa at oras.
  • Lalabas din sa Calendar app ang mga gawaing may petsa.
  • Para sa mga gawaing walang oras, lalabas ang mga notification nang 9 AM.

Matuto tungkol sa mga umuulit na gawain

  • Para ulitin ang isang gawain, pumili ng petsa at oras at pagkatapos ay Ulitin
  • Hindi puwedeng umulit ang mga gawaing may mga subtask.
  • Sa Calendar, may lalabas sa grid ng kalendaryo na isang partikular na bilang ng mga nalalapit na paglitaw ng isang umuulit na gawain, at sa paglipas ng panahon, awtomatikong magdaragdag ng mga bago.

Mga kaugnay na resource

true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15448875853015055080
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5030525
false
false