Gumamit ng mga galaw sa iyong Pixel phone

Puwede kang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng iyong telepono gamit ang mga galaw. Puwede mong i-on o i-off ang ilang galaw.

Mahalaga:

I-on o i-off ang mga galaw

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang System At pagkatapos Mga Galaw.
  3. I-tap ang galaw na gusto mong baguhin.
Tip: Para sa mga galaw para sa pagiging accessible, alamin ang tungkol sa mga galaw sa TalkBack o pag-magnify

Tingnan ang mga notification

  • I-swipe ang fingerprint para sa mga notification
    Kung may sensor para sa fingerprint ang Pixel phone mo, kapag naka-unlock ang iyong telepono, makikita mo ang iyong mga notification sa pamamagitan ng pag-swipe pababa sa sensor.
  • Mag-tap para tingnan ang telepono
    Kapag naka-lock ang iyong telepono, puwede mong tingnan ang mga notification mo sa pamamagitan ng pag-tap sa iyong screen.
  • Iangat para tingnan ang telepono
    Kapag naka-lock ang iyong telepono, puwede mong tingnan ang iyong mga notification sa pamamagitan ng pag-angat dito.
    Tingnan kung paano iangat para tingnan ang iyong telepono

    Kunin upang suriin ang telepono

Tip: Alamin kung paano kontrolin ang iyong mga notification.

Hanapin ang iyong mga app

Mag-Quick Tap para magbukas ng isang app o kumumpleto ng isang gawain

Mahalaga: Gumagana lang ang feature na ito sa mga Pixel 4a (5G) at mas bagong telepono.

Puwede kang kumuha ng screenshot o mag-play at mag-pause ng media gamit ang 2 tap sa likod ng iyong telepono. Puwede ka ring magpakita ng mga notification o magbukas ng app. Para baguhin ang iyong mga setting:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. Pumunta sa Systemat pagkatapos ayMga Galawat pagkatapos ayQuick tap.
  3. I-on ang Gamitin ang Quick tap.
  4. Pumili ng aksyon.
    • Para magbukas ng app, piliin ang Buksan ang app. Sa tabi ng "Buksan ang app," i-tap ang Mga Setting Mga Setting. Pagkatapos, pumili ng app.

Para kumpletuhin ang pagkilos, sa likod ng iyong telepono, mag-tap nang dalawang beses.

Buksan o magpalipat-lipat ng camera

  • Pumunta sa camera
    Puwede mong buksan ang iyong camera mula sa anumang screen sa pamamagitan ng pagpindot nang dalawang beses sa power button ng telepono mo.
  • I-flip ang camera
    Kapag nakabukas ang iyong camera, puwede kang magpalipat-lipat sa camera sa harap at likod sa pamamagitan ng pag-twist sa telepono mo nang dalawang beses.
    Tingnan kung paano magpalipat-lipat ng camera

    I-double twist para sa selfie mode

Mabilis na patahimikin ang iyong telepono

Makinig ng musika (Pixel 4 lang)

Para laktawan ang isang kanta, o bumalik sa isang kantang kaka-play mo lang, kumaway sa iyong telepono. Alamin kung paano i-on ang quick gestures.

Tingnan kung paano lumaktaw ng mga kanta

Lumaktaw ng mga kanta

Makipag-usap sa iyong Assistant

  • Mag-swipe mula sa sulok
    Kung gumagamit ka ng navigation gamit ang galaw, para buksan ang iyong Google Assistant, mag-swipe mula sa kanan o kaliwang sulok ng iyong screen. Alamin kung paano maglibot sa iyong telepono.
  • I-squeeze ang iyong telepono (Pixel 2-4)
    Para magamit ang iyong Google Assistant, puwede mong i-squeeze ang ibabang kalahati ng iyong telepono. Sa Pixel 1 at 4a, sa halip na mag-squeeze, sabihin ang "Hey Google." Alamin kung paano makipag-usap sa iyong Assistant.
    Tip: Para baguhin kung gaano kadiin dapat mag-squeeze, buksan ang iyong app na Mga Setting At pagkatapos System At pagkatapos Mga Galaw At pagkatapos Active Edge.
  • Pindutin nang matagal ang power button

    Sa Pixel 6 at mas bago, para gamitin ang iyong Google Assistant, pindutin nang matagal ang Power button.

    Sa Pixel 3 hanggang Pixel 5a (5G), baguhin ang iyong mga setting para magamit ang Power button para kausapin ang Assistant mo:

    1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Mga Setting.
    2. I-tap ang System > Mga Galaw.
    3. Pindutin nang matagal ang Power button.
    4. I-on ang Pindutin nang Matagal para sa Assistant.
    Tip: Para baguhin kung gaano katagal na pipindot, buksan ang iyong app na Mga Setting. I-tap ang System At pagkatapos Mga Galaw At pagkatapos Pindutin nang matagal ang power button.
Tingnan kung paano i-squeeze ang iyong telepono

I-squeeze ang iyong telepono

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10167749884031203096
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false