Paano ayusin ang mga problema sa koneksyon sa Wi-Fi

Kung nagkakaproblema ka sa koneksyon sa Wi-Fi o may nakikita kang tandang padamdam sa icon ng Wi-Fi Problema sa Wi-Fi, subukan ang mga solusyon sa ibaba. Pagkatapos ng bawat solusyon, subukang magbukas ng webpage sa iyong telepono para tingnan kung ayos na ang isyu.

Tandaan: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 8.1 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
Tip: Para sa higit pang suporta, i-activate ang Google Assistant sa iyong Pixel 8 at Pixel 8 Pro at magtanong ng kahit ano tungkol sa Pixel mo. Matuto pa tungkol sa suporta sa Pixel sa Assistant Pamahalaan ang mga setting ng Wi-Fi

Paano tingnan ang iyong mga setting at mag-restart

  1. Tiyaking naka-on ang Wi-Fi. Pagkatapos ay i-off at i-on ito para kumonekta ulit. Alamin kung paano kumonekta sa mga Wi-Fi network
  2. Tiyaking naka-off ang Airplane mode. Pagkatapos ay i-on at i-off ito para kumonekta ulit. Matutunan kung paano i-enable at i-disable ang airplane mode.
  3. Pindutin ang power button ng iyong telepono sa loob ng ilang segundo. Pagkatapos, sa iyong screen, i-tap ang I-restart I-restart.

Paano matukoy ang isyu sa koneksyon

  • Telepono: Subukang kumonekta sa Wi-Fi network gamit ang ibang device, tulad ng laptop computer o telepono ng kaibigan. Kung nagagamit ng iba pang device ang network, malamang na ang iyong telepono ang may problema.
  • Network: Tingnan kung nakakakonekta ang iyong telepono sa ibang Wi-Fi network, tulad ng Wi-Fi network sa bahay ng kaibigan o sa pampublikong network. Kung nakakakonekta sa ibang network ang iyong telepono, malamang na may problema sa network.
  • Internet: Kung nakakonekta ang iyong telepono sa Wi-Fi network pero wala ka pa ring internet, pinakamalamang na ang iyong koneksyon sa internet ang may problema.

Paano i-troubleshoot ang iyong isyu sa koneksyon

Paano ayusin ang mga isyu sa telepono

Paano mag-delete at magdagdag ulit ng network
Mag-delete ng Wi-Fi network sa iyong telepono
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet At pagkatapos Internet.
  3. Kung kinakailangan, i-on ang Wi-Fi.
  4. Sa ibaba, i-tap ang Mga naka-save na network.
  5. Sa listahan, i-tap ang naka-save na network na gusto mong i-delete.
  6. I-tap ang Kalimutan.
Idagdag ulit ang Wi-Fi network
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet At pagkatapos Internet.
  3. Sa dulo ng listahan, i-tap ang Magdagdag ng network.
  4. Kung kailangan, ilagay ang pangalan ng network (SSID) at iba pang detalye ng seguridad.
  5. I-tap ang I-save. Kung kinakailangan, maglagay ng password.
Paano maghanap ng mga app na may problema

Posibleng mula sa app na na-download mo ang problema. Para malaman, i-restart ang iyong telepono sa safe mode.

  1. I-on ang safe mode. Alamin kung paano i-on ang safe mode.
  2. Subukang kumonekta ulit sa Wi-Fi network.
    • Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
    • I-tap ang Network at internet At pagkatapos Internet At pagkatapos ang pangalan ng network.
  3. Tingnan kung gumagana sa safe mode ang koneksyon sa Wi-Fi.
    • Kung gumagana ang koneksyon sa Wi-Fi sa safe mode, malamang na isang na-download na app ang nagdudulot ng isyu.
      • Para lumabas sa safe mode, i-restart ang iyong telepono.
      • Paisa-isang i-uninstall ang mga kamakailang na-download na app. Tingnan kung gumagana ang koneksyon.
      • Pagkatapos mong alisin ang app na nagdudulot ng problema, i-install ulit ang iba pang app.
    • Kung hindi gumagana ang koneksyon sa Wi-Fi sa safe mode, malamang na may problema sa Wi-Fi network o koneksyon sa internet.
Tip: Awtomatikong nao-on ang airplane mode kapag nag-safe mode ka. Inirerekomenda naming i-off ang airplane mode para patuloy na magamit ang mga feature gaya ng GPS, Wi-Fi, at pagtawag.
Paano i-on ang mga awtomatikong setting ng petsa

Posibleng magdulot ng mga problema sa koneksyon sa Wi-Fi ang maling petsa at oras sa iyong telepono. Tiyaking itakda ang iyong telepono para awtomatikong sundin ang petsa at oras ng network mo. Para i-on ang mga awtomatikong setting ng petsa:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang System At pagkatapos Petsa at oras.
  3. I-on ang Awtomatikong itakda ang oras.

Paano ayusin ang mga isyu sa internet at network

Paano i-restart ang router at modem

Kung sa iyo ang router at modem ng Wi-Fi, subukang i-off at pagkatapos ay i-on ulit ang mga ito.

  1. Bunutin sa saksakan ang mga power cord ng router at modem at maghintay nang 15 segundo.
  2. Isaksak ulit ang mga power cord.
  3. Tingnan kung nakasaksak mabuti ang magkabilang dulo ng lahat ng cord at cable.
  4. Maghintay ng ilang minuto, hanggang sa gumana nang tama ang mga ilaw sa modem at router (Tingnan ang manual ng device o site ng suporta ng manufacturer).

Kung hindi gumagana nang tama ang mga ilaw, posibleng may isyu ka sa modem, router, o koneksyon sa internet.

Makipag-ugnayan sa administrator ng network o sa iyong Internet Service Provider. Halimbawa, baka nawala ang serbisyo, o baka kailangan nilang i-reset ang iyong koneksyon.

Paano mag-sign in sa pampublikong network

Mahalaga: Madalas na may webpage ang mga pampublikong network, tulad sa mga cafe o airport, na kailangan mong kumpletuhin. Kung magsa-sign in ka o tatanggapin mo ang mga tuntunin, dapat gumana ang pampublikong koneksyon.

Kung wala kang makitang page ng pahintulot pagkatapos mong kumonekta sa pampublikong network:

  • Tingnan kung may notification na humihiling sa iyong mag-sign in.
  • Magbukas ng bagong page sa bagong window.

Kung hindi gumagana ang mga hakbang na iyon, subukang i-restart ang iyong koneksyon sa network:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet At pagkatapos Internet.
  3. Pindutin nang matagal ang pangalan ng network. I-tap ang Kalimutan.
  4. I-off ang Wi-Fi at pagkatapos ay i-on ulit.
  5. Sa listahan, i-tap ang pangalan ng network.
  6. Makakatanggap ka ng notification para mag-sign in. I-tap ang notification.
  7. Para kumonekta sa network, sumang-ayon sa mga tuntunin.
Paano i-reset ang lahat ng setting ng network
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang System At pagkatapos I-reset ang mga opsyon At pagkatapos I-reset ang Wi-Fi, mobile, at Bluetooth.
  3. Sa ibaba, i-tap ang I-reset ang mga setting.

Paano ayusin ang mga isyu sa Wi-Fi hotspot

Paano tingnan kung naka-on ang hotspot
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet At pagkatapos Hotspot at pag-tether.
  3. I-tap ang Wi-Fi hotspot.
  4. I-on ang Gamitin ang Wi-Fi hotspot.
    • Kung naka-on na ito, i-off ito at pagkatapos ay i-on ulit.
    • Kung hindi pa kailanman nagkaroon ng hotspot ang iyong telepono, i-tap muna ang Mag-set up ng Wi-Fi hotspot.

Tip: Para sa higit pang impormasyon, matuto pa tungkol sa mga hotspot at pag-tether.

Paano makipag-ugnayan sa iyong mobile carrier
Mahalaga: Hindi lahat ng service provider sa mobile ay gumagana sa mga mobile hotspot.

Kung mayroon kang mga isyu, makipag-ugnayan sa iyong carrier. Tanungin kung makakakonekta ang iyong telepono sa mga mobile hotspot at kung kasama ito sa iyong data plan.

Ano ang dapat gawin kung nag-o-off ang iyong Wi-Fi kapag naka-on ang hotspot
May ilang device, tulad ng Pixel 7a, na hindi sinusuportahan ang hotspot at Wi-Fi nang magkasabay. Kapag naka-on ang hotspot, awtomatikong nag-o-off ang Wi-Fi.
Ano ang gagawin kapag awtomatikong nag-o-off ang iyong hotspot

Kapag 10 minuto nang walang device na nakakonekta sa hotspot, awtomatikong mag-o-off ang hotspot.

Sa mga device na hindi sinusuportahan ang hotspot at Wi-Fi nang magkasabay, awtomatiko ring mag-o-on ang Wi-Fi at susubukan nitong kumonekta sa huling alam na network.

Ano ang dapat gawin kapag kumonekta ka ulit

Kapag kumonekta ka ulit, tingnan kung may pinakabagong update sa system. Puwedeng magbigay ng mga pagpapahusay ang mga update na makakatulong sa pag-aayos ng mga isyu. Alamin kung kailan ka makakakuha ng mga update sa software sa mga Google Pixel phone.

Hindi pa rin makakonekta?

Kung hindi ka pa rin makakonekta, makipag-ugnayan sa iyong Internet Service Provider, manufacturer ng router, o administrator ng network.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7118038103035203437
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
1634144
false
false
false
false