Tingnan ang pagiging kwalipikado sa warranty

Posibleng saklawin sa warranty mo ang pagpapapalit, pagpapa-repair, o refund.

Kumpirmahin ang coverage ng warranty

Mahalaga:

  • May kasamang limitadong warranty ang lahat ng item sa Google na binili mula sa Google Store, tulad ng mga Pixel phone o Google Nest.
  • Puwede mong ibalik ang iyong item at puwede kang makakuha ng refund kung nasa loob ka ng karaniwang panahon ng pagsasauli. Kung isasauli mo ang iyong item, hindi ka makakakuha ng pamalit. Matuto pa tungkol sa kung paano magsauli ng item.

Bago ka magsimula ng proseso ng pagpapa-repair o pagpapapalit, dapat mong kumpirmahin ang uri ng warranty at coverage para sa iyong item. Kung mayroon kang Preferred Care ng Google Store, magsimula ng claim.

Piliin ang iyong device para kumpirmahin ang coverage ng warranty at magsimula ng proseso ng pagpapa-repair o pagpapapalit:

Ano ang nakakaapekto sa pagiging kwalipikado

Puwedeng maapektuhan ng mga detalyeng ito ang coverage ng warranty ng iyong item.

Kundisyon ng item

Mahalaga: Walang anuman sa artikulong ito ang nakakaapekto sa iyong mga legal na karapatan sa batas.

Puwede kang makakuha ng pamalit o refund kung ang iyong device ay:

  • Hindi nagcha-charge nang maayos.
  • Hindi nag-o-on.
  • Madalas mag-freeze.
  • May mga isyu sa mikropono, speaker, o button.
  • Hindi makasagap ng signal ng internet o cellular network.

Puwedeng hindi ka makakuha ng pamalit o refund para sa iyong device kung:

  • Naibagsak mo ang item at napinsala ito.
  • May duming pumasok sa USB-C port at tumigil ito sa paggana.
  • Nawala mo ang device, nanakaw ito, o wala na ito sa iyo ngayon.
  • Hindi gumagana nang maayos ang device dahil nabasa ito.

Binili mula sa isang third-party na retailer

Mahalaga: Walang anuman sa artikulong ito ang nakakaapekto sa iyong mga legal na karapatan sa batas.

Mahalaga: Hindi available sa Taiwan ang pagpapa-repair sa Google.

Kung binili mo ang iyong Made-by-Google device sa inaprubahang third-party na retailer na kinabibilangan ng mga mobile carrier, direktang makipag-ugnayan sa retailer o sa manufacturer. Para suriin ang warranty ng device mo, pumunta sa Hardware Warranty Center.

Kapag lumipat ka ng bansa, hindi mo maa-update ang iyong patakaran sa warranty. Magmumula lang ang saklaw ng warranty sa bansa kung saan ka bumili.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13256527821095911905
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false