Pamahalaan ang mga setting ng screen at display sa Pixel phone

Puwede mong baguhin ang brightness, laki ng font, laki ng display, mga setting ng pag-rotate ng iyong screen, at higit pa.

Mahalaga:

Baguhin ang mga setting ng display

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Display.
  3. I-tap ang setting na gusto mong baguhin. Para makakita ng higit pang setting, i-tap ang Advanced.

Tip: Puwede mo ring i-on o i-off ang lokasyon ng iyong telepono gamit ang Mga Mabilisang Setting. Alamin kung paano mabilis na baguhin ang mga karaniwang setting

Gumamit ng mga setting ng display

Mga setting ng brightness

  • Antas ng brightness
    Para itakda ang brightness ng iyong screen, i-tap ang Antas ng brightness at galawin ang slider Liwanag.
  • Adaptive brightness
    Para awtomatikong iangkop ang brightness ng iyong screen sa liwanag sa paligid mo, i-on ang Adaptive brightness. Naka-on ang opsyong ito bilang default. Puwede mong baguhin ang iyong brightness habang naka-on ang adaptive brightness. Sa paglipas ng panahon, matututunan ng iyong telepono ang mga kagustuhan mo.
    Tip: Sa mga Pixel 4 at mas bagong Pixel phone, panandaliang mapapaliwanag ng adaptive brightness ang iyong screen nang mas maliwanag kaysa sa normal na maximum para mapadali ang pagbabasa kapag ikaw ay nasa napakaliwanag na ambient na ilaw, tulad ng direktang sikat ng araw.
  • Madilim na tema
    I-tap ang Madilim na tema. Para makatipid sa baterya ng iyong telepono, padilimin ang background sa ilang screen ng telepono mo. Puwede mong itakdang awtomatikong mag-on ang Madilim na tema sa ilang partikular na oras. Alamin kung paano iiskedyul ang Madilim na tema
  • Night Light
    Mas mapapadali mo ang paggamit sa iyong telepono kapag madilim. Alamin kung paano gamitin ang Night Light.

Mga setting ng screen

  • Wallpaper
  • Mga may temang icon
    Baguhin ang mga sinusuportahang icon ng app para tumugma sa scheme ng kulay ng iyong telepono. 
  • Madilim na tema
    Puwede kang makatipid ng baterya sa pamamagitan ng paggamit ng madilim na scheme ng kulay sa ilang screen, halimbawa, sa iyong app na Mga Setting. I-tap ang Madilim na tema.
  • Timeout ng screen
    Baguhin kung gaano katagal bago dumilim ang screen ng iyong telepono kapag hindi mo ito ginagamit.
  • Atensyon sa screen (Pixel 4 at mas bago)
    Panatilihing naka-on ang iyong screen kapag nakatingin ka rito.
    Tip: Pinakamahusay na gumagana ang atensyon sa screen kapag naiilawan nang mabuti pero hindi direktang nasisinagan ng araw ang screen.
  • Ambient EQ (Pixel 4 lang)
    Awtomatikong i-adjust ang temperatura ng kulay ng iyong screen ayon sa liwanag sa paligid mo.
  • Smooth Display
    Para sa ilang content, magagawa mong awtomatikong taasan ang rate ng pag-refresh para sa:
    • Pixel 7 at 7a - hanggang 90 Hz
    • Pixel 7 Pro - hanggang 120 Hz
    Tip: Mas pinapataas nito ang paggamit ng baterya.
  • Screen saver
    Itakda ang screen saver na magpakita ng mga larawan, makukulay na background, at higit pa, habang nagcha-charge ang iyong telepono. Alamin kung paano gumamit ng mga screen saver.
  • Display ng lock screen
  • MgaKulay
    • Natural: Makita ang mga pinakatumpak na kulay.
    • Boosted: Makita ang mga tumpak na kulay na mas pinatingkad. Naka-on ito sa Pixel 2 bilang default.
    • Adaptive (Pixel 3 at mas bago): Makita ang pinakamatitingkad na kulay at panatilihin ang mga detalye ng kulay. Naka-on ito bilang default.
    • Saturated (Pixel 2 lang): Makita ang pinakamatitingkad na kulay.

Mga setting ng visibility

  • Laki ng font
    Baguhin ang laki ng mga salita sa iyong screen.
  • Laki ng display
    Paliitin o palakihin ang mga item sa iyong screen.
  • Awtomatikong i-rotate ang screen
    Iikot ang ipinapakita sa screen kapag inikot mo ang iyong telepono.
    Tip: Puwede mong i-rotate ang iyong screen habang naka-off ang Auto-rotate. I-rotate ang iyong telepono, pagkatapos ay i-tap ang I-rotate I-rotate sa sulok.
  • Kapag nasa VR mode ang telepono
    Baguhin kung babawasan ng iyong telepono ang pag-blur o pag-flicker kapag nasa VR mode.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14066937493588956311
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false