Kumonekta sa mga mobile network sa isang Pixel phone

Puwede mong isaayos kung paano gumagamit ng data ang iyong telepono sa pamamagitan ng pagbago sa mga setting ng iyong mobile network.

Depende sa iyong carrier at plan ng serbisyo, posibleng awtomatikong kumonekta ang telepono mo sa pinakamabilis na available na data network ng iyong carrier. O baka kailangan mong magdagdag ng SIM o pumili ng mga setting para sa isang partikular na carrier.

Gumagana ang Pixel 4a (5G) at mga mas bagong telepono sa serbisyo ng 5G.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 11 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Baguhin ang mga setting ng mobile network

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Network at internet At pagkatapos Mga SIM.
  3. Mag-tap ng setting.

Tip: Para i-reset ang lahat ng iyong network setting, sa app na Mga Setting ng telepono mo, i-tap ang SystemAt pagkatapos Mga opsyon sa pag-reset At pagkatapos I-reset ang Mga Setting ng Mobile Network.

Mga available na setting ng mobile network

Nag-iiba-iba ang mga sumusunod na opsyon ayon sa telepono at bersyon ng Android:

Mga setting sa maraming SIM at mobile network

Kung hindi lang isa ang SIM ng iyong telepono, para baguhin ang impormasyon ng mobile network ng bawat SIM, gamitin ang mga tab sa itaas ng "Mga setting ng mobile network."

Matuto pa tungkol sa Dual SIM Dual Standby (DSDS) sa mga Pixel phone.

Itakda ang default na SIM para sa data, mga tawag, at mga text message

  1. Buksan ang iyong app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Mga SIM at pagkatapos ay iyong network.
  3. Para sa bawat network, itakda ang iyong mga kagustuhan:
    • Data: I-on ang Mobile data.
      Mahalaga: Isang SIM lang ang puwedeng maging default para sa data. Kung may na-set up ka na, makakatanggap ka ng notification.
    • Mga tawag: I-tap ang Kagustuhan sa Tawag. Pagkatapos, piliin ang iyong mga default na carrier, o i-tap ang Tanungin ako palagi.
    • Mga text: I-tap ang Kagustuhan sa SMS. Pagkatapos, piliin ang iyong mga default na carrier, o i-tap ang Tanungin ako palagi.

Gumamit ng ibang SIM sa mga tawag

Mga tawag: Kung nasa tawag ka, hindi ka makakatanggap ng tawag sa kabilang SIM sa parehong pagkakataon. Mapupunta sa voicemail ang mga tawag sa kabilang SIM.
Data: Karamihan ng data ay mapupunta sa default na SIM para sa uri ng paggamit na iyon. Exception: Habang nasa isang tawag, ang lahat ng data ay mapupunta sa SIM na nagsasagawa ng tawag.
Para gumamit ng data habang tumatawag sa isang SIM na hindi karaniwang ginagamit para sa data:
  1. Buksan ang iyong app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Network at internet at pagkatapos ay Mga SIM.
  3. I-on ang Data habang tumatawag.

Ayusin ang mga isyu sa koneksyon sa mobile network

Puwedeng mag-iba-iba ang bilis at lakas ng koneksyon. Kasama sa mga salik ang iyong network type, ang trapiko nito, at ang layo mo sa mga antenna nito.

Kung nasa nasasaklawang lugar ka ng iyong network, pero hindi maganda ang koneksyon mo o hindi ka makakonekta, subukan ang mga hakbang na ito:

Tingnan ang mga error, setting, at update
  1. Kung mayroon kang mensahe ng error tungkol sa iyong SIM, makipag-ugnayan sa carrier mo.
    • Kung gumagamit ka ng 2 SIM, puwedeng “Voice unavailable (Hindi available ang boses)” o “Voice interruptions (May mga pagkaantala sa boses)” ang nakalagay sa mensahe ng error sa SIM. Matuto pa tungkol sa mga dual SIM.
  2. Siguraduhing naka-off ang Airplane Mode.
    1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
    2. I-tap ang Network at Internet.
    3. I-off ang Airplane mode Airplane mode.
  3. I-reset ang iyong mga network setting.
    1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
    2. I-tap ang System at pagkatapos ay Mga opsyon sa pag-reset.
    3. I-tap ang I-reset ang Mga Setting ng Mobile Network.
  4. Tingnan kung may mga pag-update ng system. Alamin kung paano tingnan kung may mga update.
Kumpirmahing tama ang uri ng SIM mo para sa iyong telepono at carrier. Matuto pa tungkol sa mga SIM card at eSIM.
Suriin ang mabagal na pagkakakonekta sa 5G

May lalabas na icon ng 5G sa iyong status bar kapag nasa lugar na may available na serbisyo ng 5G ang telepono mo. Hindi iyon nangangahulugan na nakakakuha ng serbisyo ng 5G ang telepono mo sa oras na iyon.

Subukan ang mga hakbang na ito:

  • I-off ang Pantipid ng Baterya. Ino-off ng Pantipid ng Baterya ang 5G. Matuto pa tungkol sa Pantipid ng Baterya.
  • May ilang carrier network na nag-aalok ng serbisyo ng 5G sa mas maliliit na lugar kaysa sa iba pa nilang serbisyo. Itanong sa iyong carrier ang lugar na nasasaklawan ng 5G nito.
  • Puwedeng mag-alok ng iba't ibang uri ng 5G at iba't ibang network ng carrier. Nag-iiba-iba ang bilis. Itanong sa iyong carrier ang uri at bilis ng 5G nito.
  • Puwedeng makaabala sa serbisyo sa mobile, kasama na ang 5G, ang mga hadlang sa signal, gaya ng mga gusali, pader, at ilang case ng telepono. Subukang iwasan o alisin ang mga hadlang.
  • Kapag hindi available ang serbisyo ng 5G, 4G at mas mabababang network na lang ang ginagamit ng mga Pixel phone na may 5G. Hanapin ang configuration at mga kakayahan ng iyong telepono sa aming mga teknikal na detalye.

Matuto pa tungkol sa mga network type at compatibility ng 5G.

Kumpirmahin ang compatibility sa 5G

Mahalaga: Gumagana ang mga Pixel phone sa lahat ng pangunahing carrier. Pero hindi lahat ng Pixel 4a (5G) at mas bagong telepono ay gumagana sa lahat ng 5G network. Alamin sa iyong carrier para matiyak kung gumagana ang telepono mo sa 5G network nito. Tumingin ng listahan ng mga certified na carrier.

Tinutukoy ng modelo ng telepono mo at ng network ng iyong carrier ang uri ng serbisyo ng 5G na kailangan mo. Sa US, may ilang Pixel 4a (5G) phone na partikular na ginawa para gamitin sa Verizon. Alamin kung aling mga modelo ng Pixel phone ang puwedeng gumana sa kung aling mga uri ng 5G.
Tingnan kung may update sa system (Denmark, Norway, at Sweden lang)

Hindi makakonekta ang Pixel sa 5G network o nakakaranas ng mga isyu sa koneksyon

  • Para sa mga customer ng Pixel 6a, 7, at 7 Pro na gumagamit ng TDC (Denmark) at ICE (Norway) network
    • Para ikonekta ang iyong telepono sa 5G network, kakailanganin mo ang pinakabagong update sa system.
    • Para i-install ang update:
      • Buksan ang Mga Setting At pagkatapos System At pagkatapos Update sa System.
      • Pixel 7 at 7 Pro: Ipo-prompt kang i-install ang update sa system habang sine-set up ang telepono.
  • Para sa mga customer ng Pixel na gumagamit ng OneCall at MyCall (Norway) network
    • Posibleng hindi available ang mga serbisyo ng 5G sa lahat ng carrier network at nag-iiba-iba ito ayon sa bansa.
    • Posibleng nakadepende ang serbisyo, bilis, at performance ng 5G sa mga kakayahan ng operator network at lakas ng signal. Puwedeng mag-iba ang mga aktwal na resulta. Hindi sa lahat ng lugar available ang ilang feature. Posibleng may mga nalalapat na rate ng data. Matuto pa tungkol sa 5G sa mga Pixel phone.

Hindi makatawag sa Wi-Fi gamit ang Pixel ko.

  • Posibleng maging iba ang mga feature sa pagtawag gamit ang Wi-Fi sa bawat bansa at posibleng hindi ito available sa lahat ng carrier network. Nagdedepende ang kalidad at performance ng tawag sa maraming salik. Kasama sa mga salik na ito ang mga kakayahan ng Wi-Fi network at lakas ng signal.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12970783100356581747
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false