Gamitin ang Sa isang Sulyap sa iyong mga Pixel device

Makakakita ka ng mga detalye tulad ng mga nalalapit na event, gawain, at impormasyon sa lagay ng panahon sa home o lock screen gamit ang Sa isang Sulyap sa iyong mga Pixel device.

Gamitin ang Sa isang Sulyap sa Pixel 3 at mas bago

Mahalaga: Available lang ang feature na ito sa Pixel 3 at mga mas bagong device. Available ang kumpletong experience ng Sa isang Sulyap sa mga Pixel device na gumagamit ng bersyon 12 ng Android at mas bago. May mga feature na hindi available sa ilang wika o bansa.

Sa iyong lock screen, home screen, at Palaging Naka-on na Display, makikita mo ang impormasyon at mga update tulad ng:

  • Mga nalalapit na event at gawain
  • Impormasyon sa lagay ng panahon at mga babala sa matinding lagay ng panahon
  • Mga ticket sa iyong mga event

I-on o i-off ang Sa isang Sulyap

Bilang default, awtomatikong naka-on ang Sa isang Sulyap para sa Pixel 3 at mga mas bagong device. Makikita pa rin ang petsa habang naka-off ang Sa isang Sulyap. Kapag na-off ang Sa isang Sulyap, mao-off ang lahat ng card. Puwede mong i-customize ang iyong Sa isang Sulyap kung gusto mong i-off ang mga partikular na update:

  1. Sa itaas ng iyong home screen, pindutin nang matagal ang Sa isang Sulyap.
  2. I-tap ang I-customize at pagkatapos ay Sa isang Sulyap.
  3. I-tap ang I-on o I-off.

I-on o i-off ang mga feature ng Sa isang Sulyap

Mahalaga:

  • Available ang feature na ito sa Pixel 3 at mga mas bagong device.
  • Available ang kumpletong experience ng Sa isang Sulyap sa mga Pixel device na gumagamit ng bersyon 12 ng Android at mas bago. May mga feature na hindi available sa ilang wika o rehiyon.
  • Hindi available ang feature na ito sa mga iOS device tulad ng mga iPhone, iPad, at Apple watch.

Para i-on o i-off ang mga indibidwal na feature o content:

  1. Sa itaas ng iyong home screen, pindutin nang matagal ang Sa isang Sulyap.
  2. I-tap ang I-customize at pagkatapos ay Mga Setting ng Sa isang Sulyap Settings.
  3. Sa “Mga Feature,” pumili ng paksa o kategorya para i-on o i-off ito.
  4. Para sa higit pang paksa o kategorya, mag-scroll papunta sa ibaba at i-tap ang Tumingin ng higit pang feature.

I-customize ang impormasyon ng Sa isang Sulyap

Bilang default, awtomatikong nagpapakita ng content sa iyong lock screen ang Sa isang Sulyap. Sa ilang sitwasyon, puwede itong magpakita ng mahalagang content mula sa mga notification ng app, tulad ng mga event sa kalendaryo o update.

Puwede mong i-off ang sensitibong content o puwede kang makakuha ng mga update sa iyong lock screen. Alamin kung paano kontrolin ang iyong mga notification.

Para i-update ang setting ng sensitibong content:

  1. Sa itaas ng iyong home screen, pindutin nang matagal ang Sa isang Sulyap.
  2. I-tap ang I-customize at pagkatapos ay Mga Setting ng Sa isang Sulyap Settings.
  3. Sa “Pamahalaan ang Pag-personalize,” i-tap ang Sensitibong content sa lock screen.
  4. Sa "Privacy," i-on o i-off ang mga sensitibong notification.

Tip: Puwede mong i-off ang mga sensitibong notification sa profile sa trabaho para sa content ng Sa isang Sulyap mula sa iyong profile sa trabaho.

Tungkol sa iyong impormasyong nasa Sa isang Sulyap

Para maibigay ang impormasyong pinakamahalaga sa iyo, gumagamit ang Google ng data mula sa iyong device at aktibidad. Para kontrolin kung anong data ang nasa Sa isang Sulyap:

  1. Sa itaas ng iyong home screen, pindutin nang matagal ang Sa isang Sulyap.
  2. I-tap ang I-customize at pagkatapos ay Mga Setting ng Sa isang Sulyap Settings.
  3. Sa “Pamahalaan ang Pag-personalize,” i-on o i-off ang mga setting.

Kontrolin ang impormasyon ng Sa isang Sulyap

May ilang paraan para kontrolin ang impormasyong nasa Sa isang Sulyap.

Kontrolin ang data mula sa mga app

Para sa impormasyon tulad ng mga update para sa mga event sa kalendaryo, gumagamit ang Sa isang Sulyap ng data mula sa mga app sa iyong device.

Gamitin ang data mula sa iyong Google Account

Para sa karamihan ng mga feature ng Sa isang Sulyap, kailangan ng iyong telepono ng access sa aktibidad mo sa Google.

Aktibidad sa Web at App

Nakakatulong ang iyong setting ng Aktibidad sa Web at App para makapagpakita sa iyo ang Sa isang Sulyap ng impormasyon tulad ng mga gawain kapag “oras na para umalis.” Alamin kung paano pamahalaan ang iyong Aktibidad sa Web at App.

Impormasyon ng app

Kapag na-on mo ang “Mag-personalize gamit ang data ng app,” kumukuha ang Sa isang Sulyap ng impormasyon ng app mula sa mga device mo para magbigay sa iyo ng ilang gawain at notification. Alamin kung paano pamahalaan ang impormasyon ng app ng iyong device.

Mga kontrol ng Smart na Feature ng Gmail

Gamit ang mga kontrol ng Smart na Feature, puwedeng magpakita sa iyo ang Sa isang Sulyap ng impormasyon nang direkta mula sa email mo, tulad ng mga boarding pass at reservation sa event. Alamin kung paano gamitin ang mga kontrol ng Smart na Feature.

Impormasyon sa lokasyon

Sa pamamagitan ng mga setting ng impormasyon sa lokasyon mo, matutulungan ka ng Sa isang Sulyap na makatanggap ng kapaki-pakinabang na impormasyon batay sa kasalukuyan mong lokasyon. Halimbawa, maaalertuhan ka nito kapag may lindol sa malapit o tungkol sa matinding lagay ng panahon sa iyong lugar. Para sa ilang feature, kailangan ng Sa isang Sulyap ng access sa iyong eksaktong lokasyon. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong mga setting ng lokasyon.

Kung io-on mo ang History ng Lokasyon, puwede ka ring makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga nabisita mong lokasyon. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong History ng Lokasyon.

Puwede kang makakuha ng real-time na impormasyon sa trapiko gamit ang Sa isang Sulyap habang bumibiyahe ka kapag itinakda mo ang address ng iyong bahay at trabaho. Alamin kung paano itakda ang lokasyon ng iyong bahay, trabaho, at iba pa.

Mga Personal na Resulta

Makakakita ka ng mga personal na resulta gamit ang Sa isang Sulyap. Alamin kung paano i-off ang mga personal na resulta.

Access sa Mga Kalendaryo

Gamit ang Sa isang Sulyap, puwede kang makakuha ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga nalalapit na event sa kalendaryo, tulad ng iyong susunod na meeting. Puwede mong makuha ang ilan sa mga event na ito mula sa mga notification ng app at sa kalendaryo ng device gamit ang Sa isang Sulyap.

Kung ayaw mong magpakita ang Sa isang Sulyap ng mga event mula sa kalendaryo ng device, alisin ang mga pahintulot sa kalendaryo mula sa Google app:

  1. Sa iyong Android device, pumunta sa Mga Setting.
  2. I-tap ang Mga App at pagkatapos ay Google at pagkatapos ay Mga Pahintulot at pagkatapos ay Kalendaryo.
  3. Piliin ang Huwag payagan.

Tip: Mapupunta sa Sa isang Sulyap ang ilang event sa kalendaryo sa pamamagitan ng mga notification ng app. Makokontrol mo ang data ng notification na nasa Sa isang Sulyap ayon sa nakasaad sa seksyong Notification sa itaas.

Access sa Google Wallet

Gamit ang Sa isang Sulyap, puwede mong ma-access ang mga pass ng nalalapit na event na naka-store sa Google Wallet.

Kung ayaw mong magpakita ang Sa isang Sulyap ng mga pass mula sa Google Wallet, puwede mong alisin ang mga pahintulot sa pagbabahagi mula sa Google Wallet:

  1. Sa iyong Android device, pumunta sa Google Wallet.
  2. I-tap ang Icon ng Profile at pagkatapos ay Iyong data sa Wallet at pagkatapos ay Pamahalaan ang data ng mga pass.
  3. I-off ang Gamitin ang mga pass sa buong Google.

Alamin kung paano pamahalaan ang mga pass sa Google Wallet.

Mga notification mula sa mga naka-install na app

Magagamit ang mga notification ng app para sa mga feature, tulad ng mga event sa kalendaryo. Kung ayaw mong gamitin ng Sa isang Sulyap ang mga notification ng app, puwede mo itong baguhin sa mga setting ng iyong telepono.

Para baguhin ang paggamit ng mga notification ng app:

  1. Sa iyong Android device, pumunta sa Mga Setting.
  2. Mag-scroll para puntahan at i-tap ang Mga Notification at pagkatapos ay Mga notification ng device at app at pagkatapos ay Android System Intelligence.

Mga kalapit na device

Para sa mga kalapit na device, puwedeng magpakita sa iyo ang Sa isang Sulyap ng mahalagang impormasyon, tulad ng baterya, kapag ikinonekta mo ang iyong telepono sa Bluetooth headphones.

Para payagan ang Sa isang Sulyap na hanapin ang at kumonekta sa iyong mga kalapit na device:

  1. Sa iyong Android device, pumunta sa Mga Setting.
  2. Mag-scroll at i-tap ang Privacy at pagkatapos ay Manager ng Pahintulot at pagkatapos ay Mga Kalapit na Device.

I-off ang mga personal na resulta

Kung ayaw mong makatanggap ng naka-personalize na content mula sa Google Assistant, puwede mong i-off ang mga personal na resulta.

Puwede pa ring magpakita ng potensyal na sensitibong content ang Sa isang Sulyap kahit in-off mo na ang mga personal na resulta mula sa Google Assistant. Puwede mong pamahalaan ang iyong content na nasa Sa isang Sulyap sa pamamagitan ng mga setting ng device mo.

Para pamahalaan ang iyong content na nasa Sa isang Sulyap:

  1. Malapit sa itaas ng iyong home screen, pindutin nang matagal ang Sa isang Sulyap.
  2. I-tap ang I-customize at pagkatapos ay Sa isang Sulyap Settings.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6446387673594982340
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false