Sulitin ang tabletop mode sa iyong Pixel Fold

Puwede mong gamitin ang tabletop mode sa iyong Pixel Fold para kumuha ng mga larawan ng grupo, manood ng mga video nang hands-free, at kumuha ng mga larawan ng langit sa gabi nang walang tripod.

Gamitin ang tabletop mode para manood ng mga video nang hands-free

  1. Piliin kung ano ang gusto mong panoorin.
  2. I-fold ang iyong telepono sa hugis L.
  3. Ilapag ito sa isang surface nang nasa ilalim ang cover screen.
  4. Para umalis sa tabletop mode, i-unfold nang tuluyan ang iyong telepono o i-fold pasara ang device.

Kumuha ng larawan ng grupo gamit ang tabletop mode

Mahalaga: Sa ilang piling app lang available ang feature na ito.

  1. Sa iyong Pixel Fold, buksan ang Camera app Google Camera.
  2. I-fold ang iyong telepono sa hugis L.
  3. Ilapag ito sa isang surface nang nakaharap sa iyo ang screen at nakaharap sa subject mo ang mga camera sa likod.
  4. Para kumuha ng larawan gamit ang timer, itakda ang timer at pumasok sa frame.
    • I-tap ang 3 segundo o 10 segundo .
    • Pindutin ang shutter button at pumasok sa larawan.

Tip: Kapag nakapili ka na ng setting ng timer, puwede mo ring i-trigger ang shutter button sa pamamagitan ng pagtaas ng iyong kamay. Matuto pa tungkol sa palm timer.

Kumuha ng hands-free na larawan gamit ang iyong boses

Mahalaga: Na-set up mo na dapat ang Google Assistant. Alamin kung paano i-set up ang Google Assistant dito.

  1. Sa iyong Pixel Fold, buksan ang Camera app Google Camera.
  2. Ilagay ang iyong device sa stable na surface o stand.
  3. Pumasok sa frame ng camera.

Para magsimula ng timer ng camera gamit ang iyong boses, sabihin ang "OK, Google, take a picture (OK, Google, kumuha ng larawan)." Pagkatapos ng 3 segundong pagkaantala, kukuha ng larawan ang iyong telepono.

Tip: Para magamit ang feature na ito, naka-enable dapat sa Mga Setting ang "Mga Quick Phrase."

Mga Kaugnay na Resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9326631063038176488
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false