Kung hindi nasi-sync ang iyong mga larawan at video sa Google Account mo, tingnan ang status ng iyong pag-back up.
Ang pag-back up ay serbisyo ng storage na awtomatikong nagse-save ng iyong mga larawan at video sa Google Account mo. Maa-access ang mga larawan at video na ito sa anumang device kung saan naka-sign in ka sa iyong account. Matuto pa tungkol sa mga pakinabang ng pag-back up.
Suriin ang laki o uri ng file
Tingnan kung aling mga larawan ang na-back up
Ang pag-back up ay serbisyo ng storage na awtomatikong nagse-save ng iyong mga larawan at video sa Google Account mo. Maa-access ang mga larawan at video na ito sa anumang device kung saan naka-sign in ka sa iyong account. Matuto pa tungkol sa mga pakinabang ng pag-back up.
Tingnan ang status ng iyong pag-back up
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app .
- Sa itaas, i-tap ang larawan o inisyal sa profile ng iyong account. Makikita mo ang isa sa mga sumusunod na mensahe ng status:
- Tapos na ang pag-back up: Wala ka nang item na naghihintay na ma-back up.
- Naka-off ang pag-back up: Naka-off ang "Pag-back Up." Para i-on ang pag-back up, i-tap ang I-on ang pag-back up.
- Nagba-back up: Kasalukuyang bina-back up ang iyong mga larawan at video. Makikita mo rin ang dami ng mga natitirang item.
- Inihahanda ang pag-back up o Naghahandang mag-back up: Ihinahanda ang iyong mga larawan at video para ma-back up.
- Naghihintay ng koneksyon o Naghihintay ng Wi-Fi: Baguhin ang iyong mga setting o kumonekta sa Wi-Fi o mobile network.
Kung may ilang item na hindi na-back up, susubukan ulit ng Google Photos na i-back up ang mga ito. Kung may larawan o video na hindi ma-back up, posibleng hindi sinusuportahan ang format nito.
I-troubleshoot ang iyong pag-back up
Suriin ang mga setting ng iyong pag-back up- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app .
- Sa itaas, i-tap ang larawan sa profile o inisyal ng iyong account Mga setting ng Google Photos Pag-back Up.
- Kung naka-on ang "Pag-back Up," dapat mong makita ang mga opsyong ito:
- Backup na account: Tiyaking ang nakalistang account ay ang account na tinitingnan mo sa Google Photos app. Para makita kung aling account ang tinitingnan mo sa Google Photos app, buksan ang pangunahing menu ng Google Photos at hanapin ang iyong email address sa itaas.
- Kalidad ng backup: I-tap para baguhin ang kalidad ng backup ng iyong mga larawan at video. Alamin kung paano baguhin ang iyong kalidad ng backup.
- Gumamit ng cellular data para mag-back up ng mga larawan: Puwede mong i-back up ang iyong mga larawan gamit ang mobile network mo sa halip na Wi-Fi. Posibleng magkaroon ng mga singil mula sa iyong service provider.
- Gumamit ng cellular data para mag-back up ng mga video: Puwede mong i-back up ang iyong mga video gamit ang mobile network mo sa halip na Wi-Fi. Posibleng magkaroon ng mga singil mula sa iyong service provider.
Posibleng hindi ma-upload ang isang larawan o video dahil hindi nito natutugunan ang mga kinakailangan:
- Hindi puwedeng lumampas ang mga larawan sa 200 MB o 200 megapixel
- Hindi puwedeng lumampas ang mga video sa 10 GB
Habang umuusad ang iyong pag-back up, makikita mo sa itaas kung ilang larawan ang natitira at ang mga thumbnail ng mga ito.
Tip: Para makita ang lahat ng naka-back up mong larawan at video, sa iyong computer, pumunta sa photos.google.com. Naka-back up ang lahat ng larawan at video na makikita mo rito.
Kung nagkakaproblema ka pa rin, magpadala ng feedback sa Google Photos.
Tingnan kung aling larawan ang hindi na-back up
- Pumili ng larawan.
- Kung hindi na-back up ang isang larawan, makikita mo sa itaas ang I-back up .