Mag-back up o mag-restore ng data sa iyong Android device

Puwede kang mag-back up ng content, data, at mga setting mula sa iyong telepono sa Google Account mo. Puwede mong i-restore ang iyong naka-back up na impormasyon sa orihinal na telepono o sa iba pang Android phone. Hindi mo magagamit ang pag-back up kapag nag-set up ka ng personal na device gamit ang isang profile sa trabaho o para lang sa trabaho, o kapag nag-set up ka ng device na pagmamay-ari ng kumpanya.

Magkakaiba ang pag-restore ng data ayon sa telepono at bersyon ng Android. Hindi ka puwedeng mag-restore ng backup mula sa mas bagong bersyon ng Android sa teleponong gumagamit ng mas lumang bersyon ng Android.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 9 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Saan naka-store ang data ng iyong telepono

Ina-upload sa Google ang mga backup mo. End-to-end na naka-encrypt gamit ang PIN, pattern, o password ng lock ng screen ng iyong device ang ilan sa data mo.

Paano pinoprotektahan ang iyong data

Para makatulong na mapanatiling ligtas at secure ang iyong data, ine-encrypt ito.

  • Ine-encrypt ang lahat ng data, kabilang ang mga larawan at video, mensahe, at higit pa habang lumilipat ang mga ito sa pagitan ng iyong device, mga serbisyo ng Google, at aming mga data center.
  • May ilang data na mas ine-encrypt pa gamit ang lock ng screen ng iyong device. Ang mga larawan at video sa Google Photos, at MMS media na natatanggap mula sa iyong carrier ay hindi ine-encrypt ng lock ng screen ng device mo.
Tip: Para magtago ng mga sensitibong larawan at video gamit ang iyong lock ng screen, puwede mong i-save ang mga ito sa isang espesyal na folder sa Google Photos app. Alamin kung paano itago ang iyong mga sensitibong larawan at video.

Awtomatikong i-back up ang iyong device

Mahalaga: Para matulungang protektahan ang iyong naka-back up na data, gumamit ng PIN, pattern, o password lock ng screen, sa halip na pag-swipe o Smart Lock.

Puwede mong i-set up ang iyong device para awtomatikong i-back up ang mga file mo.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. Piliin ang Google at pagkatapos ay Backup.
    Mga Tip:
    • Kung ito ang unang beses na gagawin mo ito, i-on ang I-back up ang iyong device sa Google One at sundin ang mga tagubilin sa screen.
    • Piliin ang data na gusto mong i-back up: Mga larawan at video, Data ng device, o pareho.
  1. I-tap ang I-back up ngayon.

Posibleng abutin nang hanggang 24 na oras ang iyong pag-back up sa Google One. Kapag na-save ang iyong data, may lalabas na “Naka-on” sa ibaba ng mga uri ng data na pinili mo.

Manual na mag-back up ng data at mga setting

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Google At pagkatapos I-back up.
    Kung hindi tumutugma ang mga hakbang na ito sa mga setting ng iyong telepono, subukang hanapin ang backup sa app mo ng mga setting, o humingi ng tulong mula sa manufacturer ng iyong device.
  3. I-tap ang I-back up ngayon.

Magbura pagkatapos mag-back up

Pagkatapos mong mag-back up, puwede mong i-reset ang iyong device sa pamamagitan ng pagbura sa lahat ng naroon. Alamin kung paano i-reset sa mga factory setting ang iyong device.

Ilipat ang iyong data sa bagong device

Kapag idinagdag mo ang iyong Google Account sa na-set up nang telepono, mailalagay sa telepono ang dati mong na-back up para sa Google Account na iyon.

Para mag-restore ng naka-back up na account sa isang na-reset na telepono, sundin ang mga hakbang sa screen. Para sa higit pang impormasyon, humingi ng tulong mula sa manufacturer ng iyong device.

Available na ngayon sa Google Photos ang iyong mga larawan at video. Pero mare-restore mo ang natitirang data na na-back up mo habang sine-set up mo ang iyong bagong telepono sa unang pagkakataon o pagkatapos mag-factory reset. Sa pag-set up, para i-restore ang iyong data, sundin ang mga hakbang sa screen.

Puwedeng abutin nang hanggang 24 na oras ang proseso.

Mahalaga: Nasa iisang bersyon ng Android dapat ang magkabilang device o dapat gumagamit ng mas bagong bersyon ng Android ang bago mong device. Kung gumagamit ang bago mong device ng mas lumang bersyon ng Android kaysa sa dati mong device, posibleng maging hindi kumpleto ang paglilipat ng data. Matutunan kung paano alamin at i-update ang bersyon ng iyong Android.

Paano pinapangasiwaan ng Backup ang iyong data

Mahalaga: Ang data na kinokolekta ng backup ay naka-encrypt habang inililipat.

Ipinapadala ng backup ang data mo sa mga server ng backup ng Google at nakakatulong ito sa iyo na maglipat ng data sa pagitan ng mga device. Nangongolekta ang backup ng ilang partikular na impormasyon para magkapagsagawa ng mga serbisyo sa iyong device. Gumagamit ang ilang bahagi ng functionality na ito ng mga serbisyo ng Google Play. Halimbawa, kinokolekta ng backup ang:

  • Kinokolekta ang mga mensahe, contact, setting ng app, at kagustuhan bilang bahagi ng iyong personal na backup.
  • Kinokolekta ang mga personal na pagkakakilanlan para tiyaking nauugnay sa iyo at sa account mo ang iyong mga backup.
  • Kinokolekta ang mga log ng pag-crash at diagnostic para sa mga layunin ng analytics at pag-troubleshoot.

I-off ang backup

  • Para i-disable ang iyong backup, pumunta sa Mga Setting at pagkatapos ay System at pagkatapos ay Backup at pagkatapos ay Backup by Google One.
  • Para i-delete ang iyong backup, puwede mo ring gamitin ang Drive app sa Android.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

1232271380793092505
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
false
false