Magsimula sa pagtawag sa Google Meet

Mahalaga: Ang artikulong ito ay tungkol sa legacy na pagtawag sa Google Meet (na dating tinatawag na Duo). Matuto pa tungkol sa pagtawag sa Meet at mga alok sa meeting.

Para magamit ang legacy na pagtawag sa Meet (na dating tinatawag na Duo), dapat kang magdagdag ng account at, bilang opsyon, numero ng telepono.

  • Kung account mo lang ang idaragdag mo pero walang numero ng telepono: Puwede kang gumawa at makatanggap ng mga legacy na tawag sa pamamagitan ng iyong email pero hindi ka makakaugnayan sa pamamagitan ng numero ng telepono mo.

Mga Tip:

  • Magagawa ng mga taong nakakaalam sa numero ng telepono mo na makipag-ugnayan sa iyo sa mga serbisyo ng Google. Puwede mong pamahalaan ang mga numero ng teleponong nauugnay sa iyong Google Account sa mga setting ng Google Account mo.
  • Para sa mga user ng Business at EDU:

Piliin ang iyong account sa pagtawag (para sa legacy na pagtawag)

Kung magpi-preload ang iyong device ng mga Google Account, piliin ang Account na gusto mong gamitin sa pagtawag.

Puwede mong payagan ang Meet na i-access ang:

  • Iyong mikropono at camera
  • Iyong mga contact para sa pagtawag
  • Mga notification ng iyong device

Kung gusto mong makaugnayan ka ng iba sa pamamagitan ng iyong numero ng telepono, ilagay at i-verify ang numero ng telepono mo.

  • Para magdagdag ng Google account sa dati nang account sa pagtawag ng numero ng telepono, i-tap ang Menu at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Account sa pagtawag at pagkatapos ay Magdagdag ng account.
    • Kung pipiliin mong magdagdag ng Google account sa hinaharap, magagawa ng mga taong makipag-ugnayan sa iyo sa mga serbisyo ng Google gamit ang numero ng telepono at Google account mo.

I-verify ang numero ng iyong telepono

Mahalaga:

  • Para magamit ang Meet sa isang mobile device na may SIM, dapat mong i-verify ang numero ng iyong telepono.
  • Kung gagamit ka ng tablet o mobile device na walang SIM at pipiliin mong hindi magdagdag ng numero ng telepono, puwede kang tumawag at tumanggap ng mga tawag sa iyong Google Account.

Para ma-verify ang isang numero ng telepono:

  1. Sa iyong iOS device, ilagay ang numero ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Sumasang-ayon.
    • Kung nauugnay na sa isang Google Account ang numerong ilalagay mo, awtomatiko itong mave-verify.
    • Kung hindi, magte-text ang Google Meet ng code sa numerong ilalagay mo. Posibleng may mga nalalapat na singil sa text message ang carrier.
  3. Ilagay ang code na matatanggap mo sa text message.
    • Kung wala kang matatanggap na text message, i-tap ang Ipadala Ulit ang SMS.
    • Kung mayroon kang cellular na koneksyon pero hindi mo natatanggap ang SMS, i-tap ang Tawagan ako.
    • Kung nagkakaproblema ka pa rin, bisitahin ang artikulo sa pag-troubleshoot ng pag-verify.

Baguhin ang account na ginagamit mo para sa mga legacy na tawag

Para i-delete ang iyong account sa pagtawag:

  1. Sa iyong iOS device, buksan ang Google Meet app .
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu .
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Mga setting ng pagtawag (Legacy) at pagkatapos ay Account sa pagtawag at pagkatapos ay I-delete ang account sa pagtawag.
    • Ide-delete ng pagkilos na ito ang iyong (legacy na) history ng tawag sa Meet.
  4. I-tap ang I-delete.

Para magdagdag ng bagong account sa pagtawag:

  1. Sa iyong iOS device, buksan ang Google Meet app .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong avatar
  3. I-tap ang account na gusto mong gamitin sa paggawa ng mga legacy na tawag.
  4. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu .
  5. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Magdagdag ng account sa pagtawag.
  6. Idagdag at i-verify ang numero ng iyong telepono.

Gumawa ng mga legacy na tawag gamit ang iyong Business o EDU account

Mahalaga:

Para sa mga user ng Business at EDU:

  1. Sa iyong iOS device, buksan ang Google Meet app .
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu .
  3. I-tap ang Mga Setting .
  4. Sa tabi ng iyong Business o EDU account, i-tap ang Link sa (legacy na) account sa pagtawag.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
105441436823488327
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false