Gamitin ang Mga Anotasyon sa Google Meet

Para mag-highlight at gumawa ng mga anotasyon sa Google Meet, puwedeng gamitin ng mga presenter at itinalagang co-annotator ang mga tool para sa anotasyon.

Mahalaga: Malapit nang ilunsad ang Mga Anotasyon para sa iOS.

Alamin kung aling mga edisyon ng Google Workspace ang puwedeng gumamit ng Mga Anotasyon

Mahalaga: Puwede mong gamitin ang Mga Anotasyon sa Google Meet kung mayroon ka ng mga ganitong edisyon ng Google Workspace:

  • Business Starter
  • Business Standard
  • Business Plus
  • Enterprise Starter
  • Enterprise Standard
  • Enterprise Plus
  • Essentials
  • Enterprise Essentials
  • Enterprise Essentials Plus
  • Workspace Individual
  • Education Teaching and Learning Upgrade
  • Education Standard
  • Education Plus
  • Frontline Starter
  • Frontline Standard

Tip: Nag-iiba ang mga feature ng Google Meet batay sa iyong subscription sa Google Workspace o Google One. Matuto tungkol sa mga Premium feature ng Meet.

Alamin kung aling mga browser ang sinusuportahan

Puwede mong gamitin ang Mga Anotasyon sa bersyon M124 at/o mas bago ng Chrome. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong browser.

Paano gamitin ang Mga Anotasyon sa Google Meet

Mahalaga: Walang kontrol ng admin para sa Mga Anotasyon.

Habang nasa meeting:

  1. Sa iyong computer, sumali sa isang video meeting sa Meet.
  2. Sa ibaba, i-click ang Mag-present ngayon Ibahagi ang screen.
  3. Piliin ang Iyong window, Tab, o Buong screen.
    • Kung magpe-present ka ng tab sa Chrome, ibabahagi nito ang audio ng tab na iyon bilang default.
    • Para mag-present ng ibang tab:
      1. I-click ang tab na gusto mong i-present.
      2. I-click ang Ang tab na ito na lang ang ibahagi.
    • Kung magpe-present ka ng presentation sa Slides sa pamamagitan ng isang tab, Alamin kung paano kontrolin ang mga presentation sa Slides sa Google Meet.
  4. Bilang presenter, makukuha mo ang notification na “Puwede ka nang mag-annotate sa screen. Makikita ng lahat ang iyong mga anotasyon.”
  5. Para pumili ng opsyon sa anotasyon, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang .
    • Pumili ng isa sa mga sumusunod:
      • Mga Sticker
      • Pen
      • Naglalahong tinta (naka-on bilang default)
      • Text box
      • Sticky note
      • Mga linya at hugis
      • Kulay

Tip: Puwede mo ring piliin ang opsyong Ihinto ang pag-annotate. Para alisin ang mga kasalukuyang anotasyon, piliin ang Burahin o I-clear lahat.

Magdagdag ng mga co-annotator

Para magawa ng iba na mag-annotate:

  • Sa isang meeting, buksan ang listahan ng Mga Kalahok People Tab.
    1. Hanapin ang user na gusto mong maging co-annotator.
    2. Sa tabi ng kanyang pangalan, i-click ang Higit pang pagkilos at pagkatapos ay Idagdag bilang co-annotator Gumuhit ng emoji.
  • Mag-hover sa tile ng video ng isang user.
    • I-click ang Higit pang pagkilos at pagkatapos ay Idagdag bilang co-annotator Gumuhit ng emoji.

Alamin ang kailangan mo para makapag-annotate ng presentation

Para ma-annotate ang isang presentation, tiyaking:

  • Tugma ang iyong browser.
  • Ikaw ang kasalukuyang presenter.
  • Na-pin mo ang iyong presentation.
  • Nagpe-present ka sa isang tab o window (gamit ang full screen sa isang pangalawang monitor).

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15278525378895318870
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false