Manood ng live stream

Mahalaga:

  •  Para mapanood ang isang live stream, kapareho mo dapat ng organisasyon ang organizer ng meeting o tukuyin ka dapat ng Admin ng Workspace bilang isang Pinagkakatiwalaang sub-domain ng Workspace. Makipag-ugnayan sa iyong Mga Admin ng Workspace para ma-set up ang Cross Domain na live streaming.
  • Bilang viewer ng live stream, hindi mo puwedeng i-on o i-enable ang iyong camera o mikropono sa live stream.

Tip: Para mapanood ang event sa ibang pagkakataon, tanungin ang organizer ng meeting kung may available na recording. Mapapanood lang ang live stream habang ipinapalabas ito nang live.

Manood ng live stream na event

Para mapanood ang isang live stream na event, puwede mong gawin ang mga sumusunod:

  • I-click ang link ng live stream sa event sa Google Calendar o isang email.
  • I-click ang link ng meeting. Sa berdeng kuwarto at sa ilalim ng “Iba pang opsyon sa pagsali,” piliin ang Panoorin ang live stream 
  • Manood mula sa isang meeting room na tugma sa hardware ng Google Meet na naidagdag sa event sa Google Calendar. Alamin kung paano magdagdag ng kuwarto sa isang event

Kapag nanood ka ng live stream na event, magagawa mong:

  • Magpadala ng mga reaksyon.
  • Sumagot ng mga poll at Q&A.
  • I-adjust ang volume.
  • Magdagdag ng mga caption.
  • Itakda ang matatanggap na kalidad ng video.
  • Lumipat sa full-screen mode.

Para ipakita ang impormasyon ng live stream:

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba ng screen, i-click ang Mga detalye ng live stream .
  2. Sa kanang panel sa gilid, ipapakita ang impormasyon ng live stream.

I-enable ang mga caption sa iyong live stream

Tutukuyin ng host ang wika ng mga caption ng live stream.

Para ipakita ang mga caption:

  • Sa viewer ng live stream, sa ibaba, i-click ang I-on ang mga caption  o I-off ang mga caption .

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17646955703652947435
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false