Kung nagkakaproblema ka sa pagpapadala o pagtanggap ng code sa pag-verify sa SMS, subukang sundin ang mga sumusunod na hakbang para tapusin ang pag-verify ng numero ng iyong telepono para sa paggamit sa Google Meet app:
Hakbang 1: Suriin ang numero ng iyong telepono
Tiyaking nailagay nang tama ang numero ng iyong telepono nang may tamang country code.
Hakbang 2: Tingnan kung maganda ang koneksyon ng Wi-Fi o mobile data
- Tingnan ang iyong mga setting:
- Kailangang naka-on ang Wi-Fi o mobile data.
- Kailangang naka-off ang airplane mode.
- Lumipat kung saan mas maganda ang iyong koneksyon. Dapat ay may kahit 1 bar man lang ang icon ng iyong Wi-Fi o mobile data.
- Para subukan ang iyong koneksyon, magbukas ng browser, tulad ng Chrome o Safari. Pumunta sa isang website at tingnan kung maglo-load ito.
Hakbang 3: Tingnan kung nakakatanggap ka ng mga SMS text
- Tingnan ang iyong mga setting:
- Kailangang naka-on ang cell signal.
- Kailangang naka-off ang airplane mode.
- Hilingin sa kaibigan na i-text ka para matiyak na gumagana ang iyong telepono.
Hakbang 4: Humiling ng bagong code sa pag-verify
Sa screen ng code sa pag-verify, puwede mong hingin ulit ang code.
- Kung wala kang matatanggap na text message, i-tap ang Ipadala ulit ang SMS.
- Kung mayroon kang koneksyon sa cell at hindi mo natatanggap ang SMS, humiling ng tawag sa pamamagitan ng pag-tap sa Tawagan ako.
Hakbang 5: Subukang ayusin ang app
Umalis at i-restart ang iyong device
- Buksan ang Mga Setting ng iyong Android device.
- I-tap ang Mga App Meet Sapilitang Ihinto.
- Buksan ulit ang Meet.
I-uninstall at i-install ulit ang app
- I-uninstall ang Meet .
- I-download ulit ang Meet.
- Buksan ang Meet app .
I-restart ang iyong device
- I-off ang iyong device.
- I-on ulit ito.
- Buksan ang Meet app .