Kumuha at mag-publish nang nasa Video mode

Gawin nang awtomatiko ang sarili mong Street View kapag dala mo ang iyong camera habang nagmamaneho, nakasakay, o naglalakad. Sa Video mode, magre-record ng video na iko-convert sa Street View kapag na-publish mo ito. Gagamitin ang data tungkol sa iyong lokasyon upang ma-geotag at maposisyon ang recording mo sa mapa.

Mga Paalala:

  • Available lang ang feature na ito sa mga pinagkakatiwalaang photographer ng Street View at Mga Local Guide level 6 at mas mataas.
  • Available lang ang Video mode para sa mga camera ng Street View na pang-mobile o pansasakyan  na compatible din sa bersyon ng Street View app sa Android.
  • Mga video lang na kinunan sa labas ang maaaring i-convert sa Street View. Ito ay dahil karaniwang hindi nairerehistro ng mga video na kinunan sa loob ang tamang impormasyon ng GPS.
  • Kapag na-publish mo ang iyong recording, kokopyahin muna ito sa telepono mo. Maaaring abutin ang pag-download nang kasingtagal ng isa hanggang dalawang beses ng haba ng video.
  • Tiyakin na may sapat kang storage sa iyong telepono (humigit-kumulang 2.5GB na espasyo ang gagamitin ng limang minutong recording).

Gamitin ang Video mode upang gumawa ng mga larawan sa Street View

  1. I-set up at ikonekta ang iyong telepono at 360 camera.
  2. I-tap ang asul na naka-link na camera Street View camera.
  3. Mag-swipe pakaliwa upang piliin ang Video mode at i-tap ang Video camera Video camera.
  4. I-tap ang Video camera Video camera kapag gusto mong huminto sa pag-record.
  5. May makikita kang notification na tapos na ang Pag-record, at buod ng mga istatistika ng pag-record. Magkakaroon ka ng opsyong I-delete ang recording na ito sa camera pagkatapos ng pag-download.
  6. I-tap ang I-download Ngayon.
  7. May makikita kang progress circle at notification na nagsimula na ang pag-download. Ililipat nito ang koleksyon ng imahe sa iyong telepono at sa Street View app.
  8. Mag-tap sa tab na Pribado upang makita ang iyong recording.
  9. I-tap ang I-upload I-upload.
  10. I-tap ang I-publish. Depende sa laki ng file, maaaring matagalan ito. Maaaring isa hanggang tatlong beses ng haba ng video ang tagal ng pag-publish. Tandaan: Makakaapekto rin ang bandwidth ng iyong network sa tagal ng pagproseso. Inirerekomenda namin ang pag-upload kapag nakakonekta sa Wi-Fi network.
  11. Kakailanganin ng ilang sandali upang maproseso ang mga larawan at magiging available agad ang mga ito sa iyong profile pagkatapos ma-publish. Ang mga koneksyon sa pagitan ng mga indibidwal na 360 na larawan ay lalabas sa loob ng 24 na oras pagkatapos makumpleto ang pag-publish.

Mga Tip:

  • Malaking bahagi ng storage ang nagagamit ng mga 360 na video. Isang paraan upang mag-clear ng storage ay ang pagpili sa checkbox na 'I-delete pagkatapos i-download' kapag nagda-download ng video sa pamamagitan ng Street View app.
  • Upang mag-delete ng mga larawan sa Ricoh Theta V camera, i-download ang Ricoh Theta S app.
  • Kung hindi mo piniling i-delete ang video sa iyong telepono, lalabas ito sa gallery ng telepono mo. Maaari mo itong i-publish sa YouTube.
  • Kapag tinitingnan mo ang isang koleksyon sa Street View app, sampung 360 na larawan lang ang makikita sa isang pagkakataon: mag-zoom in upang makita ang higit pa.
  • Hahatiin sa magkakahiwalay na bahagi ang mahahabang recording. Magbibigay-daan ito sa iyong kopyahin ang mga bahagi ng recording sa telepono mo para sa pag-publish kahit na wala kang sapat na storage na paglalagyan ng buong bersyon.
  • Kung magpa-publish ka ng mga karagdagang Street View kung saan mayroon nang ilan, awtomatiko naming tutukuyin ang default na koleksyon para sa isang kalye batay sa kalidad, resolution, at pagiging bago. Maaari mo ring i-access ang iyong Street View sa pamamagitan ng direktang link na makukuha mo mula sa button na Ibahagi sa Street View app, o maaari mong gamitin ang feature na Time Machine sa Google Maps upang makahanap ng koleksyon mula sa isang partikular na petsa.
Kapaki-pakinabang ba ang artikulong ito?
Paano namin mapapaganda ito?