Mag-set up at magkonekta ng mga 360 camera

Mga camera na ginagamit ang Street View app para mag-publish: Sa kasalukuyan, ito ang mga 360 camera na gumagana sa Street View app. Para mag-set up at magkonekta ng 360 camera, pumili ng camera sa ibaba.

Ricoh Theta S
  1. I-on ang camera sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa power button sa gilid.
  2. Tiyaking puno ang charge ng camera. Iilaw nang asul ang power button kapag mahina na ang baterya.
  3. I-on ang Wi-Fi. Dapat kang makakita ng asul na icon ng Wi-Fi sa harap ng camera. Kung hindi mo makita ang icon, pindutin ang button ng Wi-Fi sa gilid.
  4. Piliin ang photo mode. Dapat kang makakita ng asul na icon ng photo camera sa harap ng camera. Kung icon ng video camera ang nakikita mo, lumipat sa photo mode gamit ang button sa gilid ng camera.
  5. Tiyaking puno ang charge ng iyong telepono.
  6. Sa iyong telepono, buksan ang app na Settings.
  7. Ikonekta ang iyong telepono sa Wi-Fi network ng 360 camera (na magtatapos sa ".OSC"). Ang default na password ay ang hanay ng 8 numero pagkatapos ng "XS" sa ibaba ng camera.
  8. Buksan ang Google Street View app Street View.
  9. Kapag nakakonekta na ang telepono sa camera, may makikita kang asul na naka-link na camera Street View camera.

Tip: Manood ng video tungkol sa pag-set up at pagkonekta ng Ricoh Theta S.

Matuto pa tungkol sa Ricoh Theta S

YI 360 VR Camera
  1. I-on ang camera sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa power button sa gilid.
  2. Tiyaking puno ang charge ng camera sa pamamagitan ng pagtingin sa kanang sulok sa itaas ng LED screen nito.
  3. Mag-navigate sa menu ng camera at piliin ang setting ng Wi-Fi. Pindutin ang button sa gilid ng camera upang i-on ang Wi-Fi. Dapat kang makakita ng icon ng Wi-Fi sa kanang sulok sa itaas ng LED screen.
  4. Piliin ang photo mode sa pamamagitan ng pag-navigate sa menu ng camera at pagpili sa Photo.
  5. Tiyaking puno ang charge ng iyong telepono.
  6. Sa iyong telepono, buksan ang app na Settings.
  7. Ikonekta ang iyong telepono sa Wi-Fi network ng 360 camera (na magtatapos sa ".OSC").
  8. Buksan ang Google Street View app Street View.
  9. Kapag nakakonekta na ang telepono sa camera, may makikita kang asul na naka-link na camera Street View camera.
Ricoh Theta V

Tandaan: Tiyaking na-update sa 1.10.1 o mas bago ang firmware sa Theta V. Kung na-prompt, sundin ang mga tagubilin ng manufacturer para i-update ang firmware ng iyong camera.

  1. Para i-on ang camera, i-tap ang power button sa gilid.
  2. Tiyaking puno ang charge ng camera.
  3. I-on ang Wi-Fi. Dapat kang makakita ng asul na icon ng Wi-Fi sa harap ng camera. Kung hindi mo makita ang icon, pindutin ang button ng Wi-Fi sa gilid ng camera.
  4. Tiyaking puno ang charge ng iyong telepono.
  5. Sa iyong telepono, buksan ang app na Settings.
  6. Ikonekta ang iyong telepono sa Wi-Fi network ng 360 camera (na magtatapos sa ".OSC"). Ang default na password ay ang buong hanay ng mga numero pagkatapos ng malalaking titik sa network.
  7. Buksan ang Google Street View app Street View.
  8. Sa Street View app, piliin ang capture mode (Interval o Auto).
  9. Kapag nakakonekta na ang telepono sa camera, may makikita kang asul na naka-link na camera Street View camera.
Samsung Gear 360
  1. Tiyaking may nakapasok na micro SD card.
  2. I-on ang camera sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa power button sa gilid.
  3. Tiyaking puno ang charge ng camera. Makikita mo ang antas ng charge ng baterya sa screen ng camera.
  4. Pindutin nang matagal ang button ng Menu hanggang sa makita mo ang "Gear 360 Manager."
  5. Pindutin nang dalawang beses ang button ng Menu hanggang sa makita mo ang "Google Street View."
  6. Pindutin ang button sa itaas ng camera upang piliin ang mode na ito at i-on ang Wi-Fi.
  7. Tiyaking puno ang charge ng iyong telepono.
  8. Sa iyong telepono, buksan ang app na Settings.
  9. Ikonekta ang iyong telepono sa Wi-Fi network ng 360 camera (na magtatapos sa ".OSC"). Ang default na password ay ang hanay ng 8 numerong ipinapakita sa ikalawang linya ng display ng camera.
  10. Buksan ang Google Street View app Street View.
  11. Kapag nakakonekta na ang telepono sa camera, may makikita kang asul na naka-link na camera Street View camera.

Tip: Manood ng video tungkol sa pag-set up at pagkonekta ng Samsung Gear 360.

Matuto pa tungkol sa Samsung Gear 360

 

Iba pang camera

Narito ang ilang direktang link sa content ng tulong mula sa mga manufacturer ng camera na gumagamit ng sarili nilang application para mag-publish sa Street View. Para sa anumang camera na handa para sa Street View na hindi nakalista rito, tingnan ang website ng manufacturer ng camera para sa higit pang impormasyon.

Kapaki-pakinabang ba ang artikulong ito?
Paano namin mapapaganda ito?