Puwede ka ring magdagdag ng mga kulang na lugar sa mapa. Ipapakita ang lugar sa publiko kapag naidagdag na ito. Kasama sa mga lugar na puwede mong idagdag ang mga palatandaan, coffee shop, o iba pang lokal na negosyo.
Alamin kung paano mag-ayos ng nawawalang address o lokasyon ng pin.
Magdagdag ng nawawalang lugar
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app .
- I-tap ang Mag-ambag Magdagdag ng lugar .
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Magdagdag ng impormasyon tungkol sa iyong negosyo
Mag-set up ng Profile ng Negosyo nang libre. Gamit ang isang Profile ng Negosyo, mabilis mong mapapamahalaan ang mga detalyeng tulad ng mga oras ng negosyo, address, at mga larawan. I-claim at i-verify ang negosyo mo sa iyong computer, telepono, o tablet. Kapag na-verify na ang iyong negosyo, alamin kung paano i-update ang impormasyon ng negosyo mo.