Gabay sa pagsubaybay sa conversion para sa Ad Grants at Stripe

Paano sumubaybay sa mga conversion na partikular sa transaksyon gamit ang mga fundraising tool ng Stripe

Para masubaybayan ang Mga Donasyon gamit ang Stripe, pinakamainam na magpadala ng “event” gamit ang Google Analytics para sa mga nakumpirmang transaksyong e-commerce.

Ang pagsukat ng ecommerce ay nagbibigay-daan sa iyo na sukatin ang bilang ng mga transaksyon at kita na nalilikom ng website mo. Sa isang karaniwang ecommerce site, kapag na-click ng isang user ang button na "bilhin" sa browser, ang impormasyon ng user sa pagbili ay ipapadala sa server sa web, na nagsasagawa ng transaksyon. Kung matagumpay, ire-redirect ng server ang user sa isang page na "Salamat" o page ng resibo na may mga detalye ng transaksyon at isang resibo ng pagbili.
 
Puwede mong gamitin ang analytics.js library para ipadala sa Google Analytics ang data ng ecommerce mula sa page na "Salamat."

Para magawa ito, kailangang sundin ang mga sumusunod na hakbang. 

Bago Ka Magsimula

Narito ang kakailanganin mo bago ka makapag-set up ng pagsubaybay sa conversion para sa mga halagang partikular sa transaksyon sa iyong website at sa Mga page ng donasyon ng Kindful:

  • Isang Ad Grants account: Wala ka pa nito? Sundin ang mga hakbang na ito para makapag-set up nito.
  • Isang Google Analytics account:   libre lang ito, at kung wala ka pa nito, sundin ang mga hakbang na ito para makapag-set up nito. Pakitiyak na makukumpleto ang huling hakbang: Kopyahin at i-paste ang iyong code ng Analytics bilang unang item sa <HEAD> ng bawat webpage sa website mo na gusto mong subaybayan.
  • Isang Stripe account: pakisuri ang Help Center ng Stripe kung kailangan mo ng tulong sa iyong form ng donasyon.

Didiretso mismo ang artikulong ito sa mga tagubilin sa pag-set up. Para matuto pa tungkol sa kung paano gumagana ang pagsubaybay sa conversion at kung bakit ito dapat gamitin, basahin ang: Tungkol sa pagsubaybay sa conversion.

 


Hakbang 1: I-link ang Iyong Google Analytics Account sa Google Ads Account mo

Puwedeng gumamit ang iyong Ad Grants account ng impormasyon mula sa Google Analytics account mo para makatulong na pahusayin ang performance ng iyong mga ad. Para i-link ang iyong account, sundin ang mga tagubiling ito

Mga Hakbang para I-link ang Google Ads at Google Analytics

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.

  2. I-click ang tools icon sa kanang sulok sa itaas ng iyong account. Sa ilalim ng "Setup," i-click ang Mga naka-link na account.

  3. Sa ilalim ng "Google Analytics," i-click ang Mga Detalye. 

  4. Makakakita ka ng listahan ng mga property sa Google Analytics kung saan mayroon kang access. Ipinapakita ng column na “Status” kung naka-link ang isang property sa Google Ads. (Kung wala kang makita ritong property sa Analytics, tiyaking mayroong kang mga pahintulot na "Mag-edit" sa property na iyon.)

  5. Sa column na “Mga Pagkilos,” i-click ang I-link sa tabi ng mga property na gusto mong i-link sa Google Ads. Maaari kang mag-link ng maraming property hangga't gusto mo.

  6. Makikita mo na ngayon ang isa sa dalawang screen na inilalarawan sa ibaba:

    • Kung isa lang ang view ng napili mong property, ang pangalan lang ng view na iyon ang makikita mo. Piliin ang I-import ang mga sukatan ng site upang makita ang data ng Google Analytics sa mga ulat sa Google Ads.

    • Kung maraming view ang property, makakakita ka ng listahan ng mga view na maaari mong i-link. Para sa bawat view, magagawa mo ang mga sumusunod:

      • Mag-link: Gagawin nitong available sa Analytics ang data ng pag-click at gastos sa Google Ads, at gagawin nitong available para ma-import sa Google Ads ang mga layunin at transaksyon sa Analytics. Mag-link ng maraming view hangga't gusto mo. 

      • Mag-import ng mga sukatan ng site: (Inirerekomenda) Pumili ng isang view kung saan mo gustong mag-import ng mga sukatan ng engagement sa site. Gagamitin ang view na ito para ipakita ang mga sukatan ng engagement sa site sa mga column ng pag-uulat sa Google Analytics ng iyong account. Tandaan na kakailanganin mong magdagdag ng mga column ng Google Analytics sa iyong mga ulat sa Google Ads. Kadalasan, hindi aabutin nang isang oras ang pag-import ng data ng Google Analytics, pero posibleng mas tumagal ang proseso para sa mas malalaking account. Kapag na-import na ang data, makakapagdagdag ka na ng mga column ng Google Analytics sa iyong mga ulat sa Google Ads.

  7. I-click ang I-save.

Hakbang 2: I-enable ang Ecommerce sa Google Analytics

Pagkatapos ng pagpapatupad, kakailanganin naming tiyaking i-enable ang feature na Ecommerce sa iyong analytics account.

Mga hakbang para I-enable ang Ecommerce

  1. Mag-sign in sa Google Analytics.
  2. I-click ang Admin, at sa dulong kanang bahagi, kumpirmahin na ang column na view ay tumutugma sa iyong fundraising website. 

  3. Sa column na VIEW, i-click ang Mga Setting ng Ecommerce.

  4. I-ON ang I-enable ang Ecommerce. [Hindi na kailangang i-enable ang “Pinahusay na eCommerce.]

  5. I-click ang Susunod na hakbang.

  6. I-click ang Isumite.

  7. Para sa higit pang detalye tungkol sa feature na ito, humingi ng tulong dito.

Hakbang 3: Ibalik ang customer sa iyong website pagkatapos ng pag-checkout

Gamitin ang stripe.redirectToCheckout para i-redirect ang iyong mga customer sa Checkout, isang page na hino-host ng Stripe para secure na mangolekta ng impormasyon ng pagbabayad. Kapag nakumpleto ng customer ang kanyang pagbili, mare-redirect siya pabalik sa iyong website. May available na higit pang impormasyon tungkol sa kung anong impormasyon ang kokolektahin sa pag-checkout sa gabay ng Stipe dito.

Ang success URL ay ang lugar kung saan mo gustong ipadala ng Stripe ang mga customer kapag kumpleto na ang pagbabayad. 

Halimbawa ng isang redirectToCheckout na tawag:

stripe
  .redirectToCheckout({
    items: [
      // Replace with the ID of your SKU
      {sku: 'sku_123', quantity: 1},
    ],
    successUrl: 'https://your-website.com/success',
    cancelUrl: 'https://your-website.com/canceled',
  })
  .then(function(result) {
    // If `redirectToCheckout` fails due to a browser or network
    // error, display the localized error message to your customer
    // using `result.error.message`.
  }); 

Kung gusto mo ng access sa Session ng Pag-checkout para sa matagumpay na pagbabayad, magbasa pa tungkol dito sa gabay ng Stripe sa pagkumpleto ng mga pagbabayad mo gamit ang mga webhook.

Hakbang 4: Subaybayan ang mga event sa Analytics sa iyong Page na Salamat

Kapag matagumpay na nakumpleto ng iyong customer ang kanyang pagbabayad o nagsimula siya ng isang subscription gamit ang Checkout, ire-redirect siya ng Stripe sa URL na natukoy mo sa parameter na successURL. Karaniwan, isa itong page sa iyong website na nagpapaalam sa customer mo na naging matagumpay ang kanyang pagbabayad.

Para masubaybayan ang mga transaksyong E-Commerce, kailangang ibalik sa [www.your-site.com] ang mga detalye ng pagbabayad at ang customer kapag nakumpleto na ang transaksyon gamit ang Stripe Checkout. Pagkatapos nito, puwedeng i-execute ang Ecommerce Tracking code ng Google Analytics nang ginagamit ang mga kaugnay na detalye ng pagbabayad bilang mga value.

Para magawa ito, kailangang sundin ang sumusunod na Mga Hakbang.

Mga hakbang para i-edit ang iyong E-Commerce Tracking Code ng Analytics

Dapat ipatupad ang Tracking Code ng Google Analytics sa webpage ng pagkumpirma [https://example.com/success] kasama ang E-Commerce tracking code ng Google Analytics. Magbibigay-daan ito sa iyong negosyo na tukuyin ang bilang ng transaksyong nakumpleto kasama ang mga detalye ng bawat transaksyon. Pakikumpleto ang mga sumusunod na sub-step para magawa ang pagpapatupad na ito.

  1. Ipatupad ang parehong tracking code sa pangkalahatang tag ng site na ginagamit sa buong [www.your-site.com] sa webpage ng pagkumpirma bago ang pansarang </head> tag (na ipinapakita sa ibaba). 

  2. Bukod sa pangkalahatang tag ng site, mahalagang magdagdag ng pagsubaybay na cross-domain para awtomatikong ma-link ng PayPal ang mga domain. Ang Cross-domain na pagsukat ay isang feature ng Google Analytics na nagbibigay-daan sa iyong tingnan ang mga session mula sa dalawang magkaugnay na site (tulad ng isang ecommerce site at isang hiwalay na shopping cart site) bilang iisang session, sa halip na dalawang hiwalay na session. Kung minsan, tinatawag itong 'pagli-link ng site,' at nagbibigay-daan ito sa iyo na mas mahusay na sukatin ang buong customer journey.

  3. Magpatupad ng isang Custom na Variable para sa bawat karagdagang bahagi ng impormasyon na malamang na kokolektahin, tulad ng transaction_id, value, at currency.

  4. Ipatupad ang E-Commerce tracking code ng Google Analytics sa loob ng mismong snippet ng code ng pangkalahatang tag ng site.

Para sukatin ang isang transaksyon, magpadala ng event ng pagbili kasama ang mga item sa transaksyon. Halimbawa:

<!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->

<script async src="https://www.googletagmanager.com/gtag/js?id=GA_MEASUREMENT_ID"></script>

<script>

  window.dataLayer = window.dataLayer || [];

  function gtag(){dataLayer.push(arguments);}

  gtag('js', new Date());

 

  gtag('config', 'GA_MEASUREMENT_ID');

</script>

 

gtag('config', 'GA_MEASUREMENT_ID', {

  'linker': {

    'domains': ['checkout.stripe.com']

  }

});

gtag('event', 'purchase', {

  "transaction_id": "24.031608523954162",

  "affiliation": "Google online store",

  "value": 23.07,

  "currency": "USD",

  "tax": 1.24,

  "shipping": 0,

  "items": [

    {

      "id": "P12345",

      "name": "Android Warhol T-Shirt",

      "list_name": "Search Results",

      "brand": "Google",

      "category": "Apparel/T-Shirts",

      "variant": "Black",

      "list_position": 1,

      "quantity": 2,

      "price": '2.0'

    },

    {

      "id": "P67890",

      "name": "Flame challenge TShirt",

      "list_name": "Search Results",

      "brand": "MyBrand",

      "category": "Apparel/T-Shirts",

      "variant": "Red",

      "list_position": 2,

      "quantity": 1,

      "price": '3.0'

    }

  ]

});

Hakbang 5: Idagdag ang iyong URL sa Listahan ng Hindi Isinama sa Referral

Kapag lumipat ang iyong donor mula sa pangunahin mong domain (yournonprofit.org) papunta sa iyong page para sa pag-checkout sa Stripe, ipagpapalagay ng Analytics na ni-refer ang donor ng pangunahin mong domain sa iyong pangalawang domain, at ituturing ang mga ito ng Analytics bilang mga hiwalay na pagbisita. Hindi nito tumpak na ipinapakita ang experience ng donor mo, kaya inirerekomenda naming mag-set up ng listahan ng hindi isinama.

Pakisunod ang mga tagubilin para sa pagpapatupad ng listahan ng hindi isinama sa referral, nang idinaragdag ang anumang subdomain na posibleng mayroon ka para sa mga donasyon, espesyal na event, o merchandise.

Mga hakbang para magdagdag ng mga source ng trapiko ng referral

  1. Mag-sign in sa iyong Analytics account.
  2. I-click ang Admin.
  3. Sa column na ACCOUNT, piliin ang Analytics account na naglalaman ng property na gusto mong gamitin.
  4. Sa column na PROPERTY, pumili ng property.
  5. I-click ang Impormasyon ng Pagsubaybay.
  6. I-click ang Listahan ng Hindi Isinama sa Referral.
  7. Para magdagdag ng domain, i-click ang +MAGDAGDAG NG PAGBUBUKOD NG REFERRAL.
  8. Ilagay ang Domain name.
  9. I-click ang Gawin para i-save.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5468690355693297098
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false