Paano dagdagan at tingnan ang iyong balanse sa Google Play

Ang iyong balanse sa Google Play ay credit na magagamit mo para bumili ng mga app, laro at digital na content sa Google Play. Narito kung paano ka makakapagdagdag ng pera para punuin ulit ang iyong balanse:

Hindi posibleng mag-share o maglipat ng content sa pagitan ng mga account sa Google Play, kahit na pagmamay-ari mo ang parehong account. Kung marami kang account sa iyong device, tiyaking naka-sign in ka sa account na gusto mong gamitin bago mo kumpletuhin ang iyong pagbili.

Hindi mare-refund o maililipat ang mga produktong ito ng Google Play maliban na lang kung nire-require ng batas (halimbawa, mga user account ng menor de edad):

  • Mga gift card ng Play
  • Prepaid na balanse sa Play
    • Mga pag-top up ng cash
  • Pampromosyong balanse sa Play

Hindi kwalipikadong magamit bilang paraan ng pagbabayad ng pamilya o mga user account ng menor de edad ang mga gift card ng Google Play.

Kung bumili ka ng app gamit ang maling account,makipag-ugnayan sa developer ng app. Puwede niyang ma-refund ang iyong binili para mabili mo ulit ito sa account na gusto mong gamitin.

Tip: Puwede kang mag-share ng mga app at digital na content sa iyong pamilya gamit ang Google Play Family Library.

Tingnan kung ano ang mabibili mo sa Google Play

 

Paano magdagdag ng pera o credit sa iyong balanse sa Google Play

Mag-redeem ng gift card

Kapag nag-redeem ka ng gift card, idaragdag ang halaga ng gift card sa iyong balanse sa Google Play.

Magdagdag ng cash sa convenience store

Puwede kang pumunta sa convenience store at magdagdag ng cash sa iyong balanse sa Google Play. Alamin kung available ito sa iyong bansa.

Tandaan: Puwedeng maningil ang convenience store ng mga karagdagang bayarin para magdagdag ng pera sa iyong balanse sa Google Play.

Mag-redeem ng Play Points para sa mga credit sa Play

Matuto pa tungkol sa kung paano i-redeem ang iyong Play Points para sa mga credit sa Play.

Alamin kung paano tingnan ang iyong balanse sa Google Play

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga pagbabayad at subscription at pagkatapos ay Mga paraan ng pagbabayad at pagkatapos ay Balanse sa Google Play.

Tingnan kung ano ang mabibili mo

Kaugnay na artikulo

Alamin kung paano baguhin ang iyong paraan ng pagbabayad.
Android Computer
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15027574072828177398
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false