Mag-ayos ng mga problema sa paggamit ng Google Play Books

Gamitin ang page na ito para mag-troubleshoot kung:
  • May hindi ka mahanap na e-book o audiobook sa iyong library
  • Nagkakaproblema sa pagbabasa o pakikinig ng e-book o audiobook
  • Nagkakaproblema sa pagbabasa sa dilaw na display ng screen
Kung ayaw mag-load o magbukas ng iyong libro, subukan ang mga hakbang sa pag-troubleshoot sa Mag-ayos ng mga problema sa pag-load ng libro.
Mahalaga: Kung gagamit ka ng Google account na nauugnay sa isang institusyon tulad ng trabaho o paaralan, posibleng hindi gumana ang ilang feature. Makipag-ugnayan sa teknikal na kawani ng iyong organisasyon para sa higit pang impormasyon. Matuto kung paano i-on ang mga serbisyo ng Google.

Maghanap ng aklat sa iyong library

Kung hindi mo makita ang ebook o audiobook na binili mo sa iyong library, sundin ang mga hakbang na ito.

Hakbang 1: Tiyaking naka-sign in ka sa tamang account

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Para mahanap ang account na ginagamit mo, sa ibaba at pagkatapos ay i-tap ang Home Profile.
  3. Piliin ang account na ginamit mo para bilhin ang e-book o audiobook. Kung hindi mo makita ang iyong account, kakailanganin mong idagdag ito sa device mo.

Hakbang 2: Tingnan kung binili mo ang aklat

  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa Play Store.
  2. Hanapin ang ebook o audiobook.
  3. I-tap ang pabalat.
  4. Hanapin ang asul na button.
    • Kung ang nakalagay ay "Basahin," pagmamay-ari mo na ito.
    • Kung ang nakalagay ay "Bilhin," kakailanganin mong bilhin ang ebook o audiobook para mabasa o mapakinggan ito.

Mag-ayos ng mga problema sa mga rental ng textbook

Kung hindi lumabas sa iyong library ang textbook na nirentahan mo:

  1. Tiyaking naka-sign in ka sa ginamit mong Google Account sa pagrenta ng aklat.
  2. Tiyaking na-update mo ang Google Play Books app sa pinakabagong bersyon.

Kung hindi naayos ng alinman sa mga ito ang problema, subukan ang mga hakbang na ito sa pag-troubleshoot.

Ayusin ang problemang "naabot na ang limitasyon sa device"

May limitasyon ang karamihan ng libro sa dami ng mga device kung saan mo puwedeng i-download ang mga ito nang sabay-sabay. Alisin ang e-book o audiobook sa isa sa iyong mga device at i-download ito sa ibang device, o i-off ang pag-sync ng Books sa mga device na hindi mo madalas gamitin.

Mag-alis ng na-download na aklat

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Hanapin ang ebook o audiobook na gusto mong alisin.
  3. I-tap ang Offline Offlineat pagkatapos ay Alisin.

I-off ang pag-sync para sa Books sa Android

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Mga Account at pagkatapos ay Google.
  3. I-off ang "Google Play Books." 

Mag-ayos ng mga problema sa pag-play ng mga audiobook

Hakbang 1: Suriin ang mga setting ng tunog sa iyong device

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Mga Tunog.
  3. Tiyaking hindi naka-mute ang volume ng media. 

Hakbang 2: Suriin ang storage ng iyong device

 Kung biglang hihinto sa pag-play ang iyong audiobook, baka wala kang sapat na espasyo sa device mo. 

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Storage at pagkatapos ay Magbakante ng Espasyo.
  3. I-download ulit ang audiobook.

Hakbang 3:  Magdiskonekta sa Bluetooth o Cast device

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Mga nakakonektang device at pumili ng opsyon:
    • Para magdiskonekta sa Bluetooth device, i-tap ang Bluetooth, pagkatapos ay magdiskonekta sa nakapares na device.
    • Para magdiskonekta sa Chromecast device, i-tap ang Mag-cast, pagkatapos ay magdiskonekta sa nakapares na device.

 Mag-ayos ng mga nawawala o maling numero ng page

Nag-a-adjust ang karamihan ng ebook sa Google Play Books para magkasya sa iyong screen kapag nagbago ka ng mga feature sa page tulad ng laki ng font o espasyo sa pagitan ng mga linya. Ibig sabihin:

  • Maaaring lumabas sa mahigit sa isang page ang parehong numero ng page
  • Ang nakikita mong bilang ng page ay baka naiiba sa bilang ng page na nasa page ng mga detalye ng aklat.

Mag-ayos ng mga problema sa mga nawawalang page

  1. Baka hindi na-download nang maayos ang ebook. Puwede mong alisin at i-download ulit ang ebook.
  2. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books appPlay Books .
  3. Sa pabalat ng ebook na hindi gumagana, i-tap ang MoreAnd thenAlisin ang download And then OK.
  4. Tiyaking nakakonekta ka sa Wi-Fi o mobile network.
  5. I-tap ang pabalat ng e-book para i-download ito ulit.

Ayusin ang mga problema sa dilaw na display ng screen

I-off ang Night Light sa Pagbabasa ng Play Books:

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books appPlay Books .
  2. Magbukas ng libro.
  3. I-tap ang itaas ng screen And then Mga opsyon sa display Mga opsyon sa display And then Liwanag.
  4. I-off ang Night Light sa Pagbabasa.

Kung naka-on ang Night Light o Madilim na tema ng iyong Android phone o tablet, subukang i-off ito:

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Display.
  3. I-off ang Night Light o Madilim na tema.

Kung may Samsung device ka, puwedeng magmukhang dilaw ang display ng screen ng Play Books. Para tingnan kung naka-enable ang Night Light:

  1. Buksan ang panel ng Mga mabilisang setting.
  2. Mula sa itaas ng screen, mag-swipe pababa gamit ang 2 daliri.
  3. I-tap ang icon ng Madilim na tema o Night mode.
    • Kapag naka-enable ang mode, magliliwanag ang icon.
  4. Para i-off ang mode, i-tap ulit ang icon.

Kung hindi gagana iyon, hanapin ang Filter ng asul na ilaw, Adaptive na display, o Reading mode at tingnan kung naka-enable ito sa mga setting ng system ng Samsung device.

  1. Sa iyong Samsung phone o tablet, buksan ang app na Settings.
  2. I-tap ang Display.
  • Para sa Filter ng asul na ilaw: I-toggle para i-off.
    Tip: Kung gusto mong panatilihing naka-on ito, baguhin ang opacity.
  • Para sa Reading mode: Sa ilalim ng “Display,” alisin ang “Play Books” bilang application.
  • Para sa Adaptive na display: Palitan ng “Natural” ang mga setting ng display mula sa “Vivid.”
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18088582225388373437
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false