Mag-ayos ng mga problema sa Drive para sa desktop

Kung hindi nagsi-sync ang ilan o lahat ng iyong file sa pagitan ng computer mo at Aking Drive, sundin ang mga hakbang sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Basic na pag-troubleshoot

Posible mong maranasan ang mga karaniwang problemang ito sa Drive para sa desktop:

  • Hindi nagsi-sync ang mga file sa pagitan ng iyong computer at Aking Drive.
  • Biglang humihinto o nagsasara ang Drive para sa desktop.

Subukang ayusin ang mga isyu sa pamamagitan ng mga basic na hakbang na ito:

  • Suriin ang koneksyon sa internet ng iyong computer.
  • Pag-restart ng Drive para sa desktop.
  • Pag-restart ng iyong computer.
  • Pagdiskonekta at pagkonekta ulit ng iyong account.
  • Pag-install ulit ng Drive para sa desktop
Suriin ang iyong koneksyon sa internet
Tiyaking stable ang iyong koneksyon sa internet. Posibleng makaabala sa operasyon ng Drive para sa desktop ang ilang partikular na firewall, proxy, at iba pang setting ng network. Matuto pa tungkol sa mga setting ng firewall at proxy ng Drive.
I-restart ang Drive para sa desktop
  1. Sa iyong computer, buksan ang Drive para sa desktop.
    1. Mac: Sa menu bar sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Lumabas.
    2. Windows: Sa taskbar sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Lumabas.
  2. Buksan ulit ang Drive para sa desktop
Idiskonekta at ikonekta ulit ang iyong account
Mahalaga: Ang anumang file na hindi nag-sync dati ay posibleng nailipat sa iyong folder na Lost & Found, na ide-delete kapag nadiskonekta ang account mo. Bago mo idiskonekta ang iyong account, kopyahin sa ligtas na lokasyon ang mga file na iyon.
  1. Sa iyong computer, buksan ang Drive para sa desktop.
  2. I-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Mga Preference at pagkatapos ay Mga Advanced na Setting Mga setting.
  3. Hanapin ang account na gusto mong idiskonekta.
  4. I-click ang Idiskonekta ang account.
    • Kung hindi magtatagumpay ang pag-sync ng file, iaalok ng Drive para sa desktop na ilipat sa Desktop ang mga naka-unsync na file para maiwasan ang pagkawala ng data.
  5. Mag-sign in ulit.
  6. Pumili ng bagong lokasyon para sa folder ng Google Drive.
I-install ulit ang Drive sa desktop
  1. Sa iyong computer, pumunta sa page ng pag-download ng Drive.
  2. I-download ang pinakabagong bersyon ng drive para sa desktop.
  3. I-install ang application.

Ayusin ang mga mensahe ng error

Paubos na ang iyong disk space o malapit nang mapuno ang storage mo
Mayroon ka dapat sapat na lokal na storage para mag-sync ng mga file sa pamamagitan ng Drive para sa desktop. Kasama sa lokal na storage ang iyong hard drive at ang anumang naaalis na device (mga USB, external na hard drive, atbp.) na ginagamit mo.
Kung makakatanggap ka ng error na paubos na ang disk space, magbakante ng space sa iyong hard drive:
  1. I-delete ang mga file sa drive na nakalista sa mensahe, halimbawa, C: drive sa Windows.
  2. Lumabas sa Drive para sa desktop.
  3. I-restart ang Drive para sa desktop.
Puwede ka ring mag-unpin ng mga file na pinapamahalaan ng Drive para sa desktop at gumamit ng mga offline na file .
Puno na ang storage sa Google Workspace
Kung wala kang sapat na storage sa Google, magbakante ng space o kumuha ng higit pang storage sa Google One.
Puwede ring magkaroon ng ganitong error kapag sinubukan mong mag-sync ng mga pagbabago sa isang file na hindi ikaw ang may-ari at walang sapat na storage ang may-ari. Para mag-sync ng mga pagbabago, makipag-ugnayan sa may-ari ng file para ilipat ang pagmamay-ari o hilingin sa kanyang pamahalaan ang kanyang storage.
Wala kang pahintulot na mag-sync ng mga file
Hindi sapat ang pahintulot mo sa Google Drive para i-sync ang mga ginawa mong pagbabago.
Para ma-sync ang mga pagbabago sa mga file na ito, makipag-ugnayan sa may-ari ng file o folder na gusto mong baguhin at mag-request ng access sa pag-edit. Kung nasa shared drive ang file o folder, makipag-ugnayan sa admin o manager ng shared drive para mag-request ng access.
Hindi ka pinapahintulutan ng iyong computer na mag-sync ng mga file
Nangangailangan ang Drive for desktop ng pahintulot mula sa iyong computer para mag-sync ng mga file.
Para ma-sync ang mga file na ito, tiyaking mayroon kang pahintulot na mag-read at mag-write sa file o folder.
  • Sa Windows:
    1. Mag-right click sa file o folder.
    2. I-click ang Properties.
    3. Tingnan ang tab na “Security”.
  • Sa macOS:
    1. Mag-right click sa file o folder.
    2. Piliin ang Get Info.
    3. Tingnan ang seksyong “Sharing and Permissions.”
Sa macOS, kailangan mong magbigay ng access sa mga partikular na Folder o sa iyong Photos collection sa Apple sa pamamagitan ng pagbabago sa mga setting mo sa “Security & Privacy” sa System Preferences. Matuto pa tungkol sa mga requirement ng macOS.
Masyadong malaki o masyadong maliit ang mga file

Hindi puwedeng i-back up sa Google Photos ang mga item na ito:

  • Mga larawang mas malaki sa 200 MB o 150 MP
  • Mga video na mas malaki sa 10 GB
  • Mga file na mas maliit sa 256 x 256 na pixel

Kung masyadong malaki ang iyong file, puwede mong:

  • Bawasan ang laki ng larawan/video.
  • I-delete ang larawan o video.
  • Ilipat ang larawan o video sa isang hindi nagsi-sync na folder.

Kung masyadong maliit ang iyong file, puwede mong:

  • I-delete ang larawan o video.
  • Ilipat ang larawan o video sa isang hindi nagsi-sync na folder
Tip: May ilang application na awtomatikong gumagawa ng mga thumbnail ng larawan o iba pang file na mas maliit sa limitasyon sa laki.
Hindi mahanap ang folder

Kung inilipat mo sa bagong lugar sa iyong computer ang folder sa Google Drive

  1. Sa iyong computer, buksan ang Drive para sa desktop.
  2. Sa notification, i-click ang Hanapin.
  3. Piliin ang ni-rename mong bersyon at pagkatapos ay i-click ang Buksan.
  4. Kokonekta ulit ang Google Drive.

Kung na-rename mo ang iyong folder sa Google Drive

  1. Sa iyong computer, buksan ang Drive para sa desktop.
  2. Sa notification, i-click ang Hanapin.
  3. Piliin ang ni-rename mong bersyon at pagkatapos ay i-click ang Buksan.
  4. Kokonekta ulit ang Google Drive.

Kung na-delete mo ang folder kung saan mo mini-mirror ang iyong Aking Drive

  1. Sa iyong computer, buksan ang Drive para sa desktop.
  2. Sa notification, i-click ang Ihinto ang pag-sync sa directory na ito.

Kung ayaw mo nang i-sync ang folder na iyon

  1. Sa iyong computer, buksan ang Drive para sa desktop.
  2. Pumunta sa Mga Kagustuhan at pagkatapos ay piliin ang folder at i-uncheck ang Drive at/o Photos.

Kapag nahanap mo na ang nawawala mong folder, medyo magtatagal bago makumpleto ang Drive para sa desktop.

Hindi mahanap ang mga file sa cloud
Hindi ma-sync ang mga pagbabago dahil ang file ay na-delete o na-unshare sa iyo sa Drive.
  • Para ma-sync ang mga pagbabago, hilingin sa may-ari na i-share ulit sa iyo ang item.
  • Kung na-delete na ang item, alisin ito sa nagsi-sync na folder at ibalik ito.
  • Kung ayaw mong i-sync ang mga pagbabago at gusto mong lutasin ang error, i-delete ang file sa iyong computer.
Hindi mahanap ang mga file sa iyong computer

Hindi ma-sync ang mga pagbabago dahil posibleng na-delete o inilipat sa trash ang file sa iyong computer.

Para i-sync ang mga pagbabago, i-restore ang item mula sa trash ng computer mo.

Lampas ang mga file sa mga limitasyon sa bandwidth, pag-upload, o pag-download
Ma ilang file na puwede lang i-download nang limitadong dami ng beses kada araw. Bukod pa rito, may pang-araw-araw na limitasyon sa pag-upload ang mga user ng Drive.
Sa mga ganitong sitwasyon, awtomatikong susubukan ulit ng Drive para sa desktop sa ibang pagkakataon, na magsi-sync ng file. Kung hindi nito ito gagawin, maghintay nang isang araw at i-restart ang Drive para sa desktop.
Hindi ma-upload ang mga Google file

Nasira ang Google file na sinusubukan mong i-sync. Dahil hindi sino-store sa iyong computer ang Google Docs (.gdocs) at iba pang content ng mga Google file, puwedeng masira ang mga ito kapag gumamit ng third-party na editor para gumawa ng mga pagbabago sa mga ito. Para malutas ang isyu, gumawa ng kopya ng orihinal na Google file sa Drive Web at i-delete ang invalid na Google file sa iyong computer. Posibleng kailanganin mong i-share ulit ang file sa mga collaborator.

Mag-ayos ng sirang directory sa Mac

Mahalaga: Kailangang administrator ka para sa iyong computer at ilagay mo ang password ng computer mo para makumpleto ang mga hakbang na ito.

Kung ginagamit mo ang Drive para sa desktop sa MacOS Mojave o High Sierra, posibleng ma-corrupt ang mga pahintulot na kinakailangan para makapag-sync ng mga file sa Drive.

Para lutasin ang isyung ito:

  1. Sa iyong computer, i-click ang Finder at pagkatapos ay Applications.
  2. Buksan ang folder na Mga Utility.
  3. I-click ang Terminal.
  4. Ilagay ang sudo kextcache -clear
  5. Pindutin ang Return.
  6. Ilagay ang sudo mv /private/var/db/KernelExtensionManagement /private/var/db/KernelExtensionManagementBackup
  7. Pindutin ang Return.
  8. Ilagay ang sudo kextutil -l /Library/Google/DriveFS/dfsfuse.kext
  9. Pindutin ang Return.
  10. Ilunsad ang Drive para sa desktop.
Hindi ma-load ang account

Kabilang sa ilang dahilan kung bakit ayaw mag-load ng iyong account ang:

  • Hindi ka nakakonekta sa internet.
  • Wala kang available na drive letter (Windows lang).
  • Hindi pinapahintulutan ng iyong mga setting ng proxy na gumana ang Drive para sa desktop.
  • Hindi pinapahintulutan ng iyong admin ang Drive for desktop para sa organisasyon mo o sa iyong device.

Para i-load ang iyong account:

Nagkaroon ng isyu sa iyong lokasyon ng streaming
Ginagamit na o hindi mahanap ang napili mong lokasyon ng streaming.
Kung isang titik ng drive ang napili mong lokasyon ng streaming, posibleng ginagamit ito sa ibang device. Pipiliin ng Drive para sa desktop ang susunod na available na titik ng drive. Para magamit ang titik ng drive na napili mo, idiskonekta ang device na gumagamit sa titik na iyon.
Kung isang folder ang napili mong lokasyon ng streaming, tiyaking walang laman ang folder at may pahintulot ang Drive para sa desktop na i-access ang lokasyong iyon.
Hindi ma-sync ang file o hindi ma-save ang mga pagbabago sa orihinal na file
Hindi naa-access ang iyong orihinal na file, pero may kopya ng file na may mga edit mo sa orihinal na parent folder nito. Kung hindi na naa-access ang orihinal na parent folder, inililipat ang file sa root ng Aking Drive. Sa ilang partikular na sitwasyon, posibleng ilipat ang file sa Lost & Found.
Nagkakaroon ng ganitong error kapag:
  • Hindi compatible ang iyong mga lokal na pagbabago sa mga pagbabago sa cloud.
  • Na-delete o inilipat ang orihinal na file.
  • Wala ka nang pahintulot na i-edit ang file na iyon.
  • Naglipat ka ng file sa isang na-delete na folder o folder na wala kang pahintulot na i-edit.
Para i-sync ang iyong mga pagbabago, tiyaking puwede mong i-access ang orihinal na file. Kung hindi ikaw ang may-ari ng file, mag-request ng access mula sa may-ari ng file o folder. Kung nasa shared drive ang file o folder, makipag-ugnayan sa admin o manager ng shared drive para mag-request ng access.
Hindi ma-sync ang file/ folder - inilipat sa “Lost & Found”
Sa mga bihirang sitwasyon, hindi makapag-upload ng file ang Drive para sa desktop dahil sa mga pahintulot, error sa system, o iba pang dahilan. Kinokopya ang naka-unsync na file sa isang folder na “Lost and Found” sa iyong hard drive. Kapag nangyayari ito, may ipinapakitang notification na may link para buksan ang folder na “Lost and Found.” Bilang default, matatagpuan ang folder na ito sa:
  • macOS:  /Users/<username>/Library/Application Support/Google/DriveFS/<account_token>/lost_and_found
  • Windows: C:\Users\<username>\AppData\Local\Google\DriveFS\<account_token>\lost_and_found
Mahalaga:
  • Para sa macOS: Bilang default, itinatago ng macOS ang folder na “Library”. Kung nakatago ito para sa iyo, puwede mong i-access ang folder na ito sa pamamagitan ng pagbukas sa Finder, at pagkatapos, sa kaliwang sulok sa itaas, i-click ang Go at pagkatapos ay Library.
  • Para sa Windows: Makikita mo ang folder na AppData sa pamamagitan ng pag-type ng %AppData% nang direkta sa address bar.
    • Tumutugma ang mga folder na <account_token> sa bawat isa sa mga account na naka-sign in sa Google Drive. Isang mahabang string ng mga numero ang pangalan ng folder.
      • Halimbawa, pangalan ng folder: 1245555729303
Para i-sync ang iyong mga pagbabago, suriin ang mga file sa folder na “Lost and Found.” Ibalik ang mga file na ito sa Aking Drive para subukan ulit na i-sync, o ilipat ang mga ito sa ibang lokasyon sa iyong computer.

Mahalaga: Kung ididiskonekta mo ang iyong account, mawawala ang lahat ng file na naka-store sa folder mo na “Lost and Found.”

Nagkaproblema at huminto ang Drive para sa desktop

Ang ilang partikular na pag-detect ng virus at panseguridad na software ay puwedeng makaabala sa pagpapatakbo ng Drive para sa desktop.

Kung mayroon kang software sa pag-scan ng virus sa iyong computer at paulit-ulit mong natatanggap ang error na "Nagkaproblema at huminto ang Drive para sa desktop," huwag isama ang Drive para sa desktop sa iyong pag-scan ng virus.

  • Para sa Windows: G: ang default na lokasyon ng streaming, pero posibleng ibang lokasyon ito na na-configure mo.
  • Para sa macOS: /Volumes/GoogleDrive ang default na lokasyon ng streaming, pero posibleng ibang lokasyon ito na na-configure mo.

Advanced na pag-troubleshoot

Hindi ma-back up o ma-sync ng Google Drive ang iyong folder
Kailangan mong ibigay ang mga pahintulot sa pag-read at pag-write ng napiling folder para ma-sync ng Drive ang iyong folder.
  • Para sa macOS:
  1. Piliin ang iyong folder sa Finder.
  2. Sa kaliwang sulok sa itaas, i-right click o piliin ang File.
  3. Piliin ang Get Info.
  4. Sa talahanayan sa ilalim ng “Sharing & Permissions,” tiyaking may pribilehiyo na “Read & Write” ang iyong username.
  • Para sa Windows:
  1. Piliin ang iyong folder sa File Explorer.
  2. I-right click.
  3. Piliin ang Properties.
  4. I-click ang tab na Security.
  5. Sa grupo o mga user name, i-click ang iyong username, tiyaking nakatakda sa “Allow” ang lahat ng pahintulot at walang check mark sa ilalim ng “Deny.”
  6. Para i-edit ang iyong mga pahintulot, i-click ang I-edit.
  7. I-click ang OK.
Hindi makapagsimula ang Google Drive dahil sa error sa folder ng configuration
Ginagamit ng Drive ang folder ng configuration para mag-store ng mga napakahalagang setting at data ng application; kailangan mong ibigay sa folder na ito ang kumpletong pahintulot at pagmamay-ari para makapagsimula ang Google Drive.
  • Para sa macOS:
Magbigay ng mga pahintulot sa mga folder na ito. Para magbigay ng mga pahintulot sa folder, gamitin ang mga hakbang sa Hindi ma-back up o ma-sync ng Google Drive ang iyong folder.
Mahalaga: Bilang default, nakatago ang folder na “Library” sa macOS. Kung nakatago ito para sa iyo, puwede mong buksan ang Finder, sa kaliwang sulok sa itaas, i-click ang Go at pagkatapos ay Library.
  • /Users/<username>/Library/Application Support/Google
    • Kung wala kang pahintulot sa folder na ito, hindi ka magkakaroon ng folder na DriveFS. Kapag nagbigay ka na ng pahintulot sa folder na ito, masisimulan mo ang app at gagawin ng app ang folder na DriveFS.
  • /Users/<username>/Library/Application Support/Google/DriveFS
 
  • Para sa Windows:
Magbigay ng mga pahintulot sa mga folder na ito. Para magbigay ng mga pahintulot sa folder, gamitin ang mga hakbang sa Hindi ma-back up o ma-sync ng Google Drive ang iyong folder.
  • C:\Users\<username>\AppData\Local\Google\
    • Kung wala kang pahintulot sa folder na ito, hindi ka magkakaroon ng folder na DriveFS sa ibaba. Kapag nagbigay ka na ng pahintulot sa folder na ito, masisimulan mo ang app at gagawin ng app ang folder na DriveFS
  • C:\Users\<username>\AppData\Local\Google\DriveFS
Mga Tip:
Hindi naa-access ang directory ng mga lokal na naka-cache na file
  1. Mag-navigate sa iyong directory ng mga lokal na naka-cache na file na nakasaad sa notification, o sa path na ipinapakita sa ilalim ng setting ng directory ng mga lokal na naka-cache na file.
  2. Mag-navigate sa directory ng mga lokal na naka-cache na file, tiyaking may mga pahintulot sa pag-read at pag-write ang bawat isa sa mga folder na ito.
    • Makakakita ka ng folder o mga folder na may mahabang string ng mga numero bilang pangalan ng folder
      • Halimbawa, pangalan ng folder: 1245555729303
    • Ang bawat isa sa mga folder na ito ay para sa bawat isa sa mga account na naka-sign in sa Google Drive.
  3. Mag-navigate sa mga folder ng account at maghanap ng folder na may pangalang “content_cache.”
    • Tiyaking may mga pahintulot sa pag-read at pag-write ang bawat isa sa mga folder na “content_cache” sa iyong mga folder ng account.
I-troubleshoot ang hindi pag-startup gamit ang File Provider

Hindi makakapagsimula ang Google Drive kapag naharap ito sa error sa pagsisimula ng File Provider. Ang error na ito ay isang error mula sa macOS. Kung mahaharap ka sa error na ito:

  1. I-update sa pinakabagong bersyon ang operating system ng iyong macOS
  2. I-restart ang iyong computer

Magpadala ng feedback

  1. Sa iyong computer, buksan ang Drive para sa desktop.
  2. I-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Magpadala ng feedback.
  3. I-type ang iyong feedback.
  4. Para bigyan kami ng insight sa problema, i-click ang Isama ang mga log ng diagnostic.
  5. I-click ang Isumite.

Magpadala ng ulat ng error sa Google

Alamin kung paano i-capture ang mga log ng Google Drive para sa desktop para sa suporta.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12110495111963524845
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5044059
false
false