Para maikonekta ang mga produkto ng Nest kasama ang mga Nest thermostat, camera, doorbell, at system na panseguridad kapag nakatago ang pangalan ng iyong Wi-Fi network, kailangan mo itong manual na i-type sa app na ginagamit mo para sa pag-set up (Nest app o Home app). Kailangan ay alam mo rin ang password at ang uri ng seguridad (WEP, WPA, o WPA2) ng network. Tingnan ang mga setting ng iyong router para malaman ang mga ito. Sumangguni sa manual ng router para sa mga partikular na tagubilin.
Bago ka magsimula
- Kung hindi kokonekta ang iyong produkto ng Nest sa unang pagkakataon, tandaang case-sensitive ang mga pangalan at password ng mga Wi-Fi network. I-double check ang pangalan, password, at uri ng seguridad ng network, pagkatapos ay i-type ulit ang impormasyon.
- Para mabilisang makapagkonekta ng maraming device, pansamantalang ipakita ang pangalan ng iyong nakatagong network. Tingnan ang manual ng iyong router para sa mga tagubilin.
- Puwedeng mag-iba ang mga tagubilin depende sa produkto at app na ginagamit mo (Nest o Google Home), kaya piliin ang iyong produkto sa ibaba.
Mga Nest camera at doorbell
Home app
Kumonekta sa isang nakatagong network sa panahon ng pag-set up
- Sundin ang mga tagubilin sa pag-set up para maikonekta ang iyong Google Nest camera o doorbell sa app.
- Kapag nasa screen ka na para sa pagpili ng Wi-Fi network, piliin ang Iba pang Wi-Fi network sa ibaba ng listahan ng network. Posibleng kailanganin mong mag-scroll pababa para makita ang opsyong ito.
- I-type ang pangalan, password, at uri ng seguridad (WEP, WPA, o WPA2) ng iyong nakatagong Wi-Fi network.
Kumonekta sa isang nakatagong network pagkatapos ng pag-set up
Kung nakakonekta ang iyong camera o doorbell sa isang dati nang Wi-Fi network, pero gusto mo itong ikonekta sa isang bagong network, sundin ang mga hakbang sa ibaba:
- Buksan ang Google Home app
.
- I-tap ang Mga Paborito
o Mga Device
.
- I-tap ang Home
Lahat
, pagkatapos ay pindutin nang matagal ang tile ng iyong device.
- Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang Mga Setting
Alisin ang device.
- Ibabalik ka sa home screen ng Home app.
Tandaan: Kapag pinili mong i-unpair ang iyong device, ide-delete nito ang lahat ng history ng video mo. - Sundin ang mga hakbang ng mga tagubilin sa pag-set up sa app. Sa screen para sa pag-set up ng Wi-Fi, piliin ang Iba pang Wi-Fi network. Posibleng kailanganin mong mag-scroll pababa para makita ang opsyong ito.
- I-type ang pangalan, password, at uri ng seguridad (WEP, WPA, o WPA2) ng iyong nakatagong Wi-Fi network.
Nest app
Kumonekta sa isang nakatagong network sa panahon ng pag-set up
- Sundin ang mga tagubilin para maikonekta ang iyong Google Nest camera o doorbell sa app.
- Kapag nasa screen ka na para sa pagpili ng Wi-Fi network, piliin ang Iba pang Wi-Fi network sa ibaba ng listahan ng network. Posibleng kailanganin mong mag-scroll pababa para makita ang opsyong ito.
- I-type ang pangalan ng iyong nakatagong Wi-Fi network.
- Piliin ang seguridad ng iyong Wi-Fi network: WEP, WPA, o WPA2, pagkatapos ay i-type ang password mo.
Kumonekta sa isang nakatagong network pagkatapos ng pag-set up
Kung gusto mong lumipat sa isang nakatagong network mula sa iyong kasalukuyang Wi-Fi network, o kung binago mo ang mga setting ng iyong nakatagong network kamakailan, i-update ang impormasyon ng Wi-Fi sa Nest app.
- Sa home screen ng Nest app, i-tap ang Mga Setting
.
- I-tap ang Impormasyon ng bahay.
- Piliin ang Tulong sa Wi-Fi sa bahay.
- Piliin ang camera o doorbell na gusto mong i-update.
- I-tap ang Magsimula.
- Para magpatuloy, i-scan ang QR code na nasa iyong camera o doorbell.
- Sa ibaba ng listahan ng network, piliin ang Iba pang Wi-Fi network. Posibleng kailanganin mong mag-scroll pababa para makita ang opsyong ito.
- I-type ang pangalan, password, at uri ng seguridad (WEP, WPA, o WPA2) ng iyong nakatagong Wi-Fi network.
- I-tap ang Susunod.
- Kapag naikonekta na ang iyong camera o doorbell, piliin ang Tapos na.
Nest thermostat
Nakadepende ang mga tagubilin sa modelo ng iyong thermostat.
| Piliin ang thermostat na mayroon ka: | |||
|
|
|
|
|
| Paano matutukoy kung aling thermostat ang mayroon ka | |||
Nest Learning Thermostat (4th gen) at Nest Thermostat
Kumonekta sa isang nakatagong network sa panahon ng pag-set up
- Sundin ang mga tagubilin para i-install ang iyong Nest thermostat at i-set up ito sa app.
- Kapag nasa hakbang na Kumonekta sa Wi-Fi ka na, piliin ang Iba pang Wi-Fi network. Pagkatapos ay manual na ilagay ang pangalan at password ng nakatagong network.
Kumonekta sa isang nakatagong network pagkatapos ng pag-set up
- Buksan ang Google Home app
- I-tap ang Mga Paborito
o Mga Device
.
- Piliin ang iyong thermostat.
- I-tap ang Mga Setting
Impormasyon ng device
Wi-Fi.
- Para kumonekta sa isang nakatagong network, piliin ang Iba pang Wi-Fi network. Manual mong mailalagay ang pangalan, password, at uri ng seguridad ng network.
Nest Thermostat E o Nest Learning Thermostat (3rd gen o mas luma)
Kumonekta sa isang nakatagong network sa panahon ng pag-set up
Habang sine-set up mo ang iyong Google Nest thermostat, puwede nitong i-request sa iyo na kumonekta sa isang Wi-Fi network. Kapag pinili mong kumonekta, may lalabas sa thermostat na listahan ng mga wireless network sa malapit.
- Sundin ang mga tagubilin para i-install ang iyong Nest thermostat.
- Kapag na-install at na-on mo na ito at sisimulan mo na ang pag-set up, piliin ang I-type ang Pangalan ng Network sa hakbang para sa koneksyon sa Wi-Fi. Posibleng kailanganin mong mag-scroll pababa sa listahan ng mga Wi-Fi network para makita ang opsyong ito.
- Pihitin ang ring ng thermostat para mag-highlight ng isang titik, numero, o simbolo, at pindutin ito para ilagay ang pangalan ng iyong Wi-Fi network.
- Para magpalipat-lipat sa maliliit at malalaking titik, i-tap ang Shift. Para magpalipat-lipat sa mga numero, simbolo, at accent, i-tap ang 123. Para bumalik sa mga titik, i-tap ang ABC.
- Kung mapipili mo ang isang character nang hindi sinasadya, gamitin ang Backspace
para i-delete ang huling nailagay na character.
- Kung gusto mong bumalik at pumili ng ibang network, piliin ang Bumalik
.
- Kapag na-type mo na ang pangalan ng iyong network, piliin ang check mark
.
- Ilagay ang password ng Wi-Fi network.
Kumonekta sa isang nakatagong network pagkatapos ng pag-set up
Kung gusto mong lumipat sa isang nakatagong network mula sa iyong kasalukuyang Wi-Fi network, alisin ang impormasyon ng kasalukuyang Wi-Fi sa thermostat mo:
- Pindutin ang ring ng thermostat.
- Piliin ang Mga Setting
.
- Piliin ang I-reset.
- Piliin ang Network.
- Para kumpirmahin, piliin ang I-reset.
- Sundin ang mga hakbang sa seksyon sa ibaba para makakonekta sa nakatagong network.
Kung hindi mo naikonekta ang iyong thermostat sa isang Wi-Fi network sa panahon ng pag-set up, o kung inalis mo ang impormasyon ng Wi-Fi ng iyong thermostat, gamitin ang thermostat para kumonekta sa isang nakatagong network.
- Pindutin ang ring ng thermostat para palabasin ang menu na Mabilisang View.
- Piliin ang Mga Setting
.
- Piliin ang Network.
- Piliin ang I-type ang Pangalan ng Network. Posibleng kailanganin mong pihitin ang ring nang lampas sa listahan ng mga Wi-Fi network sa malapit para makita ang opsyong ito.
- Pihitin ang ring para mag-highlight ng isang titik, numero, o simbolo, at pindutin ito para ilagay ang pangalan ng iyong Wi-Fi network.
- I-tap ang Shift para magpalipat-lipat sa maliliit at malalaking titik. I-tap ang 123 para magpalipat-lipat sa mga numero, simbolo, at accent. I-tap ang ABC para bumalik sa mga titik.
- Kung mapipili mo ang isang character nang hindi sinasadya, gamitin ang Backspace
para i-delete ang huling nailagay na character.
- Kung gusto mong bumalik at pumili ng ibang network, piliin ang Bumalik
.
- Kapag na-type mo na ang pangalan ng iyong network, piliin ang check mark
.
- Ilagay ang password ng iyong Wi-Fi network.
Nest Protect
Kumonekta sa isang nakatagong network sa panahon ng pag-set up
- Sundin ang mga tagubilin para i-set up ang Google Nest Protect gamit ang Nest app.
- Kapag nasa screen ka na para sa pagpili ng Wi-Fi, piliin ang Iba pang network sa ibaba ng listahan ng mga pangalan ng Wi-Fi network. Posibleng kailanganin mong mag-scroll pababa para makita ang opsyong ito.
- I-type ang pangalan ng iyong Wi-Fi network.
- Piliin ang uri ng seguridad na ginagamit ng iyong Wi-Fi: WEP, WPA, o WPA2.
- I-type ang password ng iyong Wi-Fi network.
Kumonekta sa isang nakatagong network pagkatapos ng pag-set up
Kung gusto mong lumipat sa isang nakatagong network mula sa iyong kasalukuyang Wi-Fi network, o kung binago mo ang mga setting ng iyong nakatagong network kamakailan, i-update ang impormasyon ng Wi-Fi sa Nest app.
2nd gen na Nest Protect
- Sa home screen ng Nest app, i-tap ang Mga Setting
.
- I-tap ang Impormasyon ng bahay.
- Piliin ang Tulong sa Wi-Fi sa bahay.
- Piliin ang Protect na gusto mong i-update.
- I-tap ang Magsimula
Susunod.
- Piliin ang Iba pang network sa ibaba ng listahan ng mga pangalan ng Wi-Fi network. Posibleng kailanganin mong mag-scroll pababa para makita ang opsyong ito.
- I-type ang pangalan, password, at uri ng seguridad (WEP, WPA, o WPA2) ng nakatagong Wi-Fi network.
- I-tap ang Susunod.
- Kapag naikonekta na ang iyong Protect, piliin ang Tapos na.
1st gen na Nest Protect
- Alisin ang Nest Protect sa iyong account sa Nest app.
- Muling i-set up ang Protect sa Nest app.
- I-factory reset ang Nest Protect.
- Sundin ang mga tagubilin sa itaas para ikonekta ang iyong Protect sa isang nakatagong network sa panahon ng pag-set up.
Nest Connect at Nest × Yale Lock
Kumonekta sa isang nakatagong network sa panahon ng pag-set up
-
Sundin ang mga tagubilin para i-set up ang Nest × Yale Lock o Nest Connect sa app.
Mahalaga: Dapat ay mayroon kang Nest Connect sa Nest app para magawa mong i-set up ang Nest × Yale Lock at ikonekta ito sa iyong Wi-Fi network. -
Kapag nasa screen ka na para sa pagpili ng Wi-Fi, piliin ang Iba pang network sa ibaba ng listahan ng network. Posibleng kailanganin mong mag-scroll pababa para makita ang opsyong ito.
-
I-type ang pangalan ng iyong Wi-Fi network.
-
Piliin ang uri ng seguridad na ginagamit ng iyong Wi-Fi: WEP, WPA, o WPA2.
-
I-type ang password ng iyong Wi-Fi network.
Kumonekta sa isang nakatagong network pagkatapos ng pag-set up
Kung gusto mong lumipat sa isang nakatagong network mula sa iyong kasalukuyang Wi-Fi network, o kung binago mo ang mga setting ng iyong nakatagong network kamakailan, i-update ang impormasyon ng Wi-Fi sa Nest app.
- Sa home screen ng Nest app, i-tap ang Mga Setting
.
- I-tap ang Impormasyon ng bahay.
- Piliin ang Tulong sa Wi-Fi sa bahay.
- Piliin ang Connect o Guard na gusto mong i-update.
- I-tap ang Magsimula.
- Piliin ang Susunod.
- Sa ibaba ng listahan ng network, piliin ang Iba pang network. Posibleng kailanganin mong mag-scroll pababa para makita ang opsyong ito.
- I-type ang pangalan, password, at uri ng seguridad (WEP, WPA, o WPA2) ng nakatagong Wi-Fi network.
- I-tap ang Susunod.
- Kapag naikonekta na ang iyong Connect o Guard, piliin ang Tapos na.