I-link at i-unlink ang iyong Google Ads account at Skillshop account

Ang pag-link ng iyong Google Ads account at Skillshop account ay ang tanging paraan para mabilang sa mga kinakailangan sa Google Partner ng kumpanya mo ang iyong mga indibidwal na certification sa Skillshop. Ang mga certification ay isa sa mga kinakailangan para sa Google Partner badge, kaya mahalagang i-link ang iyong Google Ads account at Skillshop account.

Matuto pa tungkol sa kung paano mabibilang ang iyong mga certification sa kinakailangan sa Mga Certification

Bago ka magsimula

Tandaan:

  • Kakailanganin mong mag-set up ng account sa Skillshop. Alamin kung paano i-set up ang iyong Skillshop account
  • Inirerekomenda naming mag-link ng isang Skillshop account sa isang account ng user ng Google Ads.
    • Kung may isa pang user ng Skillshop na susubok na i-link ang email address ng account ng parehong user ng Google Ads, makakatanggap siya ng error at hindi siya makakapag-link hanggang sa ma-unlink ang email address ng orihinal na naka-link na user.
    • Bagama't puwedeng ma-link ang iisang Skillshop account sa mga email address ng mga account ng maraming Google Ads user (na lalabas bilang "nakabahagi sa N pang user" sa UI), isang hanay ng mga certification lang ang bibilangin.
    • Kung may mahigit sa isang Skillshop account, kakailanganin ng user na mag-link mula sa account kung saan mayroon siyang mga certification sa Google Ads. Kung nag-link ang isang user mula sa isa sa kanyang mga Skillshop account na hindi naglalaman ng kanyang mga certification sa Google Ads, kakailanganin ng user na i-unlink ang Skillshop account na iyon, pumunta sa kanyang Skillshop account na naglalaman ng mga certification niya sa Google Ads, at mag-link mula sa account na iyon. Suriin ang mga seksyong “Pagtingin sa iyong status ng pag-link” at “I-unlink ang iyong Google Ads account at Skillshop account” sa ibaba para sa mga detalye tungkol sa mga hakbang sa pag-link at pag-unlink.
  • Inirerekomenda namin ang paggamit ng iyong personal na email para sa Skillshop account mo at pag-link sa isang pangkumpanyang email sa Google Ads. Sa ganoong paraan, nakapangalan pa rin sa iyo ang mga certification mo habang lumilipat ka ng kumpanya.

Mga Tagubilin

I-link ang iyong Google Ads account at Skillshop account

  1. Una, kakailanganin mong pumunta sa page na "I-edit ang profile" ng iyong Skillshop account. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng isa sa dalawang paraan.
  2. Puwede kang pumunta sa Skillshop at mag-log in. Tiyaking magla-log in ka gamit ang iyong personal na Skillshop account (o ang account na ginagamit mo para makakuha ng mga certification sa Google Ads).
  3. Piliin ang button ng menu sa kaliwang sulok sa itaas, pagkatapos ay piliin ang Edit icon.
  4. Para ibahagi ang impormasyon ng iyong Skillshop account sa kumpanya mo o sa Google, mag-scroll pababa at piliin ang Connect Your Google Ads Account o Connect Your Google Account. Tanggapin ang Kasunduan sa Pagbabahagi ng Data, pagkatapos ay piliin ang email na nauugnay sa iyong Google Ads account para matiyak na make-credit sa Google Ads account mo ang iyong mga certification sa Google Ads. Puwedeng abutin nang hanggang 48 na oras bago mag-sync sa Google Ads Account ang profile sa Skillshop.

Pagkatapos ng 48 oras, mag-log in ulit sa iyong Google Ads account para tingnan ang na-update na status ng pag-link mo sa pamamagitan ng pagpunta sa Talahanayan ng mga certification ng user sa tab na "Partners program."

Tingnan ang iyong status ng pag-link

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Mag-log in sa iyong Google Ads manager account.
  2. I-click ang icon ng Admin Admin Icon, pagkatapos ay i-click ang dropdown na Partners program sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang link na Tingnan ang Mga Detalye sa card na "Mga certification ng user."
  4. Kapag nasa page na "Mga certification ng user" ka na, may makikita kang listahan ng mga user at status ng pag-link nila. Kung naka-log in ka sa iyong manager account sa Ads, ang email na nakikita mo sa loob ng mga panaklong sa talahanayang ito ay ang Skillshop user account na ni-link mo sa iyong Ads account. May toggle sa itaas ng column na "Naka-link sa Skillshop." Kapag nakapababa ang arrow, ipapakita muna ang mga naka-link na user.

I-unlink ang iyong Google Ads account at Skillshop account

  1. Mag-log in sa iyong personal na Skillshop account.
  2. Piliin ang button ng menu sa kaliwang sulok sa itaas, pagkatapos ay piliin ang Edit icon.
  3. Para i-unlink ang impormasyon ng iyong Skillshop account sa kumpanya mo o sa Google, mag-scroll pababa at piliin ang email address na gusto mong i-unlink.
  4. Sa ilalim ng "button na Connect to Google Ads Account," makikita mo ang ‘Google Ads,’ na sinusundan ng iyong email address.
  5. I-click ang x [icon], para i-unlink ang iyong account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17009175844935150692
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false