Ipinapakita sa iyo ng artikulong ito kung paano papamahalaan ang mga user at level ng access para sa manager account mo. Puwede kang magbasa pa tungkol sa mga level ng access ng user sa Tungkol sa mga level ng access para sa mga user na inimbitahan sa iyong manager account. Kung gusto mong baguhin ang pagmamay-ari para sa iyong manager account, basahin ang Tungkol sa pagmamay-ari ng mga account ng kliyente.
Mga Tagubilin
Tingnan ang level ng iyong access
- Sa iyong manager account sa Google Ads, i-click ang icon ng Admin .
- I-click ang Access at seguridad.
- Hanapin ang iyong email address at tingnan ang column na "Level ng access."
Mag-imbita ng mga user
- Sa iyong manager account sa Google Ads, i-click ang icon ng Admin .
- I-click ang Access at seguridad.
- I-click ang plus button .
- Ilagay ang email address ng bagong user.
- Pumili ng level ng access.
- I-click ang Ipadala ang imbitasyon.
Makikita mo ang inimbitahan mo sa ilalim ng “Mga nakabinbing imbitasyon” sa page na “Mga User” sa ilalim ng “Access at seguridad.” Kakailanganing tanggapin ng inimbitahan mo ang iyong imbitasyon at gumawa ng sarili niyang sign-in sa Google Ads gamit ang email address na pinadalhan mo ng imbitasyon, o iba pang gusto niya. Aabisuhan ka kapag sumagot ang inimbitahan mo.
Pamahalaan ang mga imbitasyon
Gamitin ang mga sumusunod na hakbang para makita kung sino ang inimbitahan mo sa account:
- Sa iyong manager account sa Google Ads, i-click ang icon ng Admin .
- I-click ang Access at seguridad.
- Mapapansin mo ang "Mga nakabinbing imbitasyon" sa tab na Mga User, kung mayroon.
- Para bawiin ang isang nakabinbing imbitasyon, i-click ang Bawiin sa column na "Mga Pagkilos," at sundin ang mga tagubilin.
Tingnan kung sino ang may access sa iyong account
- Sa iyong manager account sa Google Ads, i-click ang icon ng Admin .
- I-click ang Access at seguridad.
- Sa tab na “Mga User,” may mapapansin kang listahan ng mga user kasama ng kanilang level ng access, mga paraan ng pag-authenticate, at iba pang detalye.
Baguhin ang mga level ng access ng mga user
- Sa iyong manager account sa Google Ads, i-click ang icon ng Admin .
- I-click ang Access at seguridad.
- Sa ibaba ng "Mga nakabinbing imbitasyon" (kung mayroon ka nito), may mapapansin kang listahan ng mga user na may access at seguridad. Hanapin ang user na gusto mong baguhin ang level ng access.
- Sa column na "Antas ng access," ilagay ang iyong cursor sa kasalukuyang antas ng access para sa user. I-click ang drop-down na arrow at pumili ng bagong antas ng access.
Mag-alis ng mga user sa iyong manager account
- Sa iyong manager account sa Google Ads, i-click ang icon ng Admin .
- I-click ang Access at seguridad.
- Sa ibaba ng "Mga nakabinbing imbitasyon" (kung mayroon ka nito), may makikita kang listahan ng mga user na may access at seguridad. Hanapin ang user na gusto mong alisin sa iyong manager account.
- Sa column na "Mga Pagkilos," i-click ang Alisin ang access.