Ang average na halagang siningil sa iyo para sa isang conversion mula sa iyong ad. Kinakalkula ang average na cost per action (CPA) sa pamamagitan ng paghahati sa kabuuang gastusin sa mga conversion ayon sa kabuuang dami ng mga conversion.
- Halimbawa, kung nakatanggap ng 2 conversion ang iyong ad, ang isa ay nagkakahalaga ng Php100.00 at ang isa naman ay nagkakahalaga ng Php200.00, ang iyong average na CPA para sa mga conversion na iyon ay Php150.00.
- Nakabatay ang average na CPA sa iyong aktwal na CPA (ang aktwal na halagang sinisingil sa iyo para sa isang conversion mula sa iyong ad), na maaaring iba kaysa sa iyong target na CPA (ang halagang itinakda mo bilang iyong piniling average na CPA kung gumagamit ng Target na pagbi-bid na CPA).
- Gumamit ng mga target na performance upang magtakda ng target na average na CPA para sa lahat ng campaign na nasa isang pangkat ng campaign.