Tungkol sa mga awtomatikong ginawang segment ng data

Para magbigay ng komprehensibo at pinag-isang view ng iyong Mga Audience at gawing mas simple ang pamamahala at pag-optimize ng audience, makikita mo ang mga sumusunod na pagpapahusay sa Google Ads:

  • Bagong pag-uulat ng audience
    Pinagsama-sama na ngayon sa iisang lugar ang detalyadong pag-uulat tungkol sa demograpiko ng audience, mga segment, at mga pagbubukod. I-click ang icon na Mga Campaign Campaigns Icon at buksan ang tab na “Mga audience, mga keyword at content” tab at i-click ang Mga Audience. Madali mo ring mapapamahalaan ang iyong Mga Audience mula sa page ng ulat na ito. Matuto pa Tungkol sa Pag-uulat ng audience.
  • Mga bagong termino
    Gumagamit kami ng mga bagong termino sa iyong ulat tungkol sa audience at sa buong Google Ads. Halimbawa, tinutukoy na ngayon ang “mga uri ng audience” (kabilang dito ang custom, in-market, at affinity) bilang “mga segment ng audience,” at tinutukoy na ngayon ang “remarketing” bilang “iyong data.” Matuto pa tungkol sa Mga update sa mga Termino at parirala ng audience

Kung nakapag-set up ka na ng pangkalahatang tag ng site sa iyong website para subaybayan ang mga bisita sa website at mga user ng app mo, awtomatiko kang igagawa ng Google Ads ng mga default na segment ng data gaya ng “Lahat ng bisita” o "Mga nang-iwan ng shopping cart." Masisimulan mong i-target agad ang mga segment na ito sa iyong mga ad group. Makakatulong sa iyo ang artikulong ito na maunawaan ang mga awtomatikong ginawang segment ng data at kung paano gumagana ang mga ito.

Bago ka magsimula

Magbasa tungkol sa iyong mga segment ng data para maunawaan kung paano gumagana ang mga ito. Para sa pangkalahatang-ideya tungkol sa paglalagay ng mga custom parameter sa code ng iyong pangkalahatang tag ng site, magbasa tungkol sa paggamit ng mga custom parameter.

Paano ito gumagana

Idinaragdag ng pangkalahatang tag ng site na inilagay mo sa iyong website ang mga bisita sa website mo sa iyong mga segment ng data batay sa mga panuntunan at kundisyon ng mga segment ng data mo. Para sa dynamic na remarketing, ginagamit din ng Google Ads ang mga custom parameter sa iyong tag para gumawa ng mga mas partikular na segment ng data batay sa mga pagkilos na ginagawa sa iyong site.

Sinasabi sa Google Ads ng bahaging pagetype ng custom parameter kung anong uri ng website ang ina-advertise mo. Pagkatapos, puwede kang magdagdag ng mga partikular na value para sa bawat pagkilos sa page. Halimbawa, para gumawa ng segment ng data ng mga taong bumisita sa iyong homepage, puwede mong gamitin ang value na 'home' bilang iyong custom parameter, at puwede mong ilagay ang tag sa iyong home page.

Tandaan

Direktang nauugnay ang iyong mga pangkalahatang tag ng site sa kung sino ang napupunta sa mga segment ng data mo. Kaya naman mahalagang sundin ang mga eksaktong pangalan at value ng custom parameter kapag na-set up mo ang iyong pangkalahatang tag ng site. Puwede mong idagdag ang mga default na segment ng data na ito sa pag-target ng iyong ad group, o puwede kang gumawa ng sarili mong mga segment ng data batay sa mga panuntunan. Gayunpaman, hindi puwedeng i-delete ang iyong mga default na segment ng data.

How to Create Effective Remarketing Lists

Learn how to create effective remarketing lists on the Google Display Network. In this video, we'll uncover how to create different lists based on each customer’s journey through your website so that you can target them with different bids or ads.

Mahalaga

Kapag idinagdag mo ang iyong tag sa website mo, huwag i-translate ang mga pangalan o value ng custom parameter mula sa mga template. Ang mga default na segment ng data ay awtomatikong ginagawa batay sa mga pangalan ng parameter sa English. Halimbawa, ang parameter na pagetype para sa mga page na may shopping cart ay dapat may value na cart, hindi basket (UK English), o carrinho (Portuguese).

Mga karaniwang default na segment

Default na segment ng data Paglalarawan Impormasyon ng tag
Lahat ng bisita Sinumang bumisita sa iyong website o app Napo-populate ang segment na ito gamit ang lahat ng value sa lahat ng parameter sa tag na ginagamit sa iyong website at app.
Lahat ng nag-convert Sinumang nag-convert sa iyong website Awtomatikong napo-populate ang segment na ito gamit ang iyong tag ng pagsubaybay sa conversion. Kung hindi mo pa nase-set up ang pagsubaybay sa conversion, magiging blangko ang segment na ito.
Segment na na-optimize ng Google Ads Isa itong segment ng kumbinasyon, na binubuo ng maraming segment mula sa mga available na source ng audience sa isang segment ng data. Para magawa ang segment na ito, kakailanganin mong magkonekta ng kahit 1 data source sa page na Mga source ng audience, o gawin ang daloy ng pagbuo ng segment ng data ng Google Ads.

Mga default na segment ng data para sa mga partikular na uri ng negosyo

Edukasyon

Idinisenyo ang mga segment ng data na ito para gumana nang pinakamahusay para sa mga pang-edukasyong website. Kung nag-a-advertise ka ng mga programang pang-edukasyon, siguraduhing nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang parameter na edu_pagetype. Inuuri nito ang page bilang "Edukasyon." Nasa ibaba ang mga value ng custom parameter para sa bawat uri ng segment, gaya ng edu_pagetype='home'.

Default na segment ng data Paglalarawan Impormasyon ng tag
Mga pangkalahatang bisita Mga taong bumisita sa iyong website o app pero hindi tumingin ng mga partikular na kurso o programa. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa iba pang segment: mga naghahanap ng programa, tumitingin ng programa, nang-iwan ng conversion, at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa Google Ads tag ang tag na edu_pagetype sa lahat ng page ng iyong site. Kung walang nakatakdang value (gaya ng 'home') ang ilan sa iyong mga page, hayaang walang laman ang value.
Mga naghahanap ng programa Mga taong naghanap ng mga kurso o programa sa iyong site. Hindi na kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment ng mga tumitingin ng programa, conversion abandoner, at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng resulta ng paghahanap ang: edu_pagetype = 'searchresults'
Mga tumitingin ng programa Mga taong tumingin ng mga partikular na page ng kurso o programa sa iyong site. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga conversion abandoner at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng kurso o programa ang: edu_pagetype = 'program'
Mga conversion abandoner Mga taong nagsimulang sumagot ng form para sa higit pang impormasyon pero hindi ito isinumite. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa segment na mga dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng form ang: edu_pagetype = 'lead'
Mga dating nag-convert Mga taong nagsumite na ng isang form dati Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng conversion ang: edu_pagetype = 'complete'
Mga Flight

Idinisenyo ang mga segment ng data na ito para gumana nang pinakamahusay para sa mga website para sa pag-book ng flight. Kung nag-a-advertise ka ng website na nagbu-book ng mga flight, siguraduhing nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang parameter na flight_pagetype. Inuuri nito ang page bilang "Mga Flight." Nasa ibaba ang mga value ng custom parameter para sa bawat uri ng segment, gaya ng flight_pagetype='home'.

Default na segment ng data Paglalarawan Impormasyon ng tag
Mga pangkalahatang bisita Mga taong bumisita sa iyong website o app pero hindi tumingin ng mga partikular na flight. Hindi na kasama sa segment na ito ang mga taong nasa iba pang segment: mga naghahanap ng flight, tumitingin ng flight, conversion abandoner, at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang tag na flight_pagetype sa lahat ng page ng site mo. Kung walang nakatakdang value (gaya ng ='home') ang ilan sa iyong mga page, hayaang walang laman ang value.
Mga naghahanap ng flight Mga taong naghanap ng mga flight sa iyong site. Hindi na kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga tumitingin ng flight, conversion abandoner, at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng resulta ng paghahanap ang: flight_pagetype = 'searchresults'
Mga tumitingin ng flight Mga taong tumingin ng mga partikular na page ng flight sa iyong site. Hindi na kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga conversion abandoner at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng mga detalye ng flight ang: flight_pagetype = 'offerdetail'
Mga conversion abandoner Mga taong nagsimulang bumili ng ticket pero hindi nag-book ng flight. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa segment na mga dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng pag-check out ang: flight_pagetype = 'cart'
Mga dating nag-convert Mga taong nag-book sa iyo dati ng mga flight Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng kumpirmasyon ng booking ang: flight_pagetype = 'purchase'
Mga hotel at rental

Idinisenyo ang mga segment na ito para gumana nang pinakamahusay para sa mga website para sa pag-book ng hotel at rental. Kung nag-a-advertise ka ng website na nagbu-book ng mga kuwarto o bahay, siguraduhing nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang parameter na hrental_pagetype. Inuuri nito ang page bilang "Mga hotel at rental." Nasa ibaba ang mga value ng custom parameter para sa bawat uri ng segment, gaya ng hrental_pagetype= 'home'.

Default na segment ng data Paglalarawan Impormasyon ng tag
Mga pangkalahatang bisita Mga taong bumisita sa iyong website o app pero hindi tumingin ng mga partikular na hotel o rental. Hindi na kasama sa segment na ito ang mga taong nasa iba pang segment: mga naghahanap ng property, tumitingin ng property, conversion abandoner, at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang tag na hrental_pagetype sa lahat ng page ng site mo. Kung walang nakatakdang value (gaya ng 'home') ang ilan sa iyong mga page, hayaang walang laman ang value.
Mga naghahanap ng property Mga taong naghanap ng mga hotel o rental sa iyong site. Hindi na kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga tumitingin ng property, conversion abandoner, at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng resulta ng paghahanap ang: hrental_pagetype = 'searchresults'
Mga tumitingin ng property Mga taong tumingin ng mga partikular na page ng hotel at rental sa iyong site. Hindi na kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga conversion abandoner at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng hotel at rental ang: hrental_pagetype = 'offerdetail'
Mga conversion abandoner Mga taong nagsimulang mag-book ng hotel o rental pero hindi kumumpleto ng pag-book nila. Hindi na kasama sa segment na ito ang mga taong nasa segment na mga dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page para sa pag-book ang: hrental_pagetype = 'conversionintent'
Mga dating nag-convert Mga taong nag-book sa iyo dati ng isang hotel o rental Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng kumpirmasyon ang: hrental_pagetype = 'conversion'
Mga Trabaho

Idinisenyo ang mga segment ito para gumana nang pinakamahusay para sa mga website ng mga listing ng trabaho. Kung nag-a-advertise ka ng website na nagpapakita ng mga available na trabaho, siguraduhing nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang parameter na job_pagetype. Inuuri nito ang page bilang "Mga Trabaho." Nasa ibaba ang mga value ng custom parameter para sa bawat uri ng segment, gaya ng job_pagetype = 'home'.

Default na segment ng data Paglalarawan Impormasyon ng tag
Mga pangkalahatang bisita Mga taong bumisita sa iyong website o app pero hindi tumingin ng mga partikular na trabaho. Hindi na kasama sa segment na ito ang mga taong nasa iba pang segment: mga naghahanap ng trabaho, tumitingin ng trabaho, conversion abandoner, at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang tag na job_pagetype sa lahat ng page ng site mo. Kung walang nakatakdang value (gaya ng 'home') ang ilan sa iyong mga page, hayaang walang laman ang value.
Mga naghahanap ng trabaho Mga taong naghanap ng mga trabaho sa iyong site. Hindi na kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga tumitingin ng trabaho, conversion abandoner, at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng resulta ng paghahanap ang: job_pagetype = 'searchresults'
Mga tumitingin ng trabaho Mga taong tumingin ng mga partikular na page ng trabaho sa iyong site. Hindi na kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga conversion abandoner at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng paglalarawan ng trabaho ang: job_pagetype = 'offerdetail'
Mga conversion abandoner Mga taong nagsimulang sumagot ng form o kahilingang makipag-ugnayan sa recruiter pero hindi ito isinumite. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa segment na mga dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng form ang: job_pagetype = 'conversionintent'
Mga dating nag-convert Mga taong dati nang nagsumite ng form o nakipag-ugnayan sa recruiter Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng kumpirmasyon ng form ang: job_pagetype = 'conversion'
Mga lokal na deal

Idinisenyo ang mga segment na ito para gumana nang pinakamahusay para sa mga website ng mga listing ng lokal na deal. Kung nag-a-advertise ka ng website na nagpapakita ng mga deal na iniaalok ng mga lokal na negosyo, siguraduhing nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang parameter na local_pagetype. Inuuri nito ang page bilang "Mga lokal na deal." Nasa ibaba ang mga value ng custom parameter para sa bawat uri ng segment, gaya ng local_pagetype = 'home' .

Default na segment ng data Paglalarawan Impormasyon ng tag
Mga pangkalahatang bisita Mga taong bumisita sa iyong website o app pero hindi tumingin ng mga partikular na lokal na deal o alok Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang tag na local_pagetype sa lahat ng page ng site mo. Kung walang nakatakdang value (gaya ng 'home') ang ilan sa iyong mga page, hayaang walang laman ang value.
Mga naghahanap ng deal Mga taong naghanap ng mga lokal na deal o alok sa iyong site. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga tumitingin ng deal, conversion abandoner, at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng resulta ng paghahanap ang: local_pagetype = 'searchresults'
Mga tumitingin ng deal Mga taong tumingin ng mga partikular na page ng lokal na deal at alok sa iyong site. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga conversion abandoner at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng lokal na deal at alok ang: local_pagetype = 'offerdetail'
Mga conversion abandoner Mga taong nagsimulang bumili ng lokal na deal o alok pero hindi kumumpleto ng pagbili nila. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa segment na mga dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng form ang: local_pagetype = 'conversionintent'
Mga dating nag-convert Mga taong bumili sa iyo dati ng lokal na deal o alok Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng kumpirmasyon ng pagbili ang: local_pagetype = 'conversion'
Retail

Idinisenyo ang mga segment na ito para gumana nang pinakamahusay para sa mga website ng ecommerce o retail. Kung nag-a-advertise ka ng website na nagbebenta ng mga produkto, siguraduhing nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang parameter na ecomm_pagetype. Inuuri nito ang page bilang "Retail." Nasa ibaba ang mga value ng custom parameter para sa bawat uri ng segment, gaya ng ecomm_pagetype = 'home'.

Default na segment ng data Paglalarawan Impormasyon ng tag
Mga pangkalahatang bisita Mga bisita sa site na hindi pa nakakapunta sa mga page na minarkahan ng ecomm_pagetype='product', 'cart', o 'purchase'. Idaragdag ng segment na ito ang lahat ng bisita at ibubukod nito ang mga taong nasa iba pang segment: mga tumitingin ng produkto, nang-iwan ng shopping cart, at dating bumili. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang tag na ecomm_pagetype sa lahat ng page ng site mo. Kung walang nakatakdang value (gaya ng 'home') ang ilan sa iyong mga page, hayaang walang laman ang value.
Mga tumingin ng produkto Mga taong tumingin ng mga partikular na page ng produkto sa iyong site. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga nang-iwan ng shopping cart at dating bumili. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng produkto ang: ecomm_pagetype = 'product'.
Tandaan: Puwede ring awtomatikong idagdag ng Google Ads sa segment na ito ang mga taong nakakita ng mga produkto sa iyong website.
Mga nang-iwan ng shopping cart Mga taong nagdagdag ng mga produkto sa kanilang shopping cart pero hindi kumumpleto ng pagbili. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa segment na mga dating bumili. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng cart ang: ecomm_pagetype = 'cart'
Mga dating bumili Mga taong dati nang bumili sa iyo ng mga produkto Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng kumpirmasyon ng pagbili ang: ecomm_pagetype ='purchase'
Real estate

Idinisenyo ang mga segment na ito para gumana nang pinakamahusay para sa mga website ng mga listing ng real estate o bahay. Kung nag-a-advertise ka ng website na naglilista ng mga ibinebentang bahay o property, siguraduhing nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang parameter na listing_pagetype. Inuuri nito ang page bilang "Real estate." Nasa ibaba ang mga value ng custom parameter para sa bawat uri ng segment, gaya ng listing_pagetype = 'home'.

Default na segment ng data Paglalarawan Impormasyon ng tag
Mga pangkalahatang bisita Mga taong bumisita sa iyong website o app pero hindi tumingin ng mga partikular na listing. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa iba pang segment: mga naghahanap ng listing, tumitingin ng listing, conversion abandoner, at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang tag na listing_pagetype sa lahat ng page ng site mo. Kung walang nakatakdang value (gaya ng 'home') ang ilan sa iyong mga page, hayaang walang laman ang value.
Mga naghahanap sa listahan Mga taong naghanap ng mga listing sa iyong site. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga tumitingin ng listing, conversion abandoner, at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng resulta ng paghahanap ang: listing_pagetype = 'searchresults'
Mga tumitingin ng listing Mga taong tumingin ng mga partikular na page ng listing sa iyong site. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga conversion abandoner at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng listing ang: listing_pagetype = 'offerdetail'
Mga conversion abandoner Mga taong nagsimulang sumagot ng form o kahilingan para sa appointment pero hindi ito isinumite. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa segment na mga dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng form ang: listing_pagetype = 'conversionintent'
Mga dating nag-convert Mga taong dati nang nagsumite ng form o nagpa-appointment Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng kumpirmasyon ang: listing_pagetype = 'conversion'
Paglalakbay

Idinisenyo ang mga segment ng data na ito para gumana nang pinakamahusay para sa mga website tungkol sa paglalakbay. Kung nag-a-advertise ka ng website na nagbebenta o nagbu-book ng mga deal at espesyal na alok sa paglalakbay, siguraduhing nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang parameter na travel_pagetype. Inuuri nito ang page bilang "Paglalakbay." Nasa ibaba ang mga value ng custom parameter para sa bawat uri ng segment, gaya ng travel_pagetype = 'home'.

Mga default na segment ng data Paglalarawan Impormasyon ng tag
Mga pangkalahatang bisita Mga taong bumisita sa iyong website o app pero hindi tumingin ng mga partikular na opsyon sa paglalakbay. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa iba pang segment: mga naghahanap ng listing, tumitingin ng listing, conversion abandoner, at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang tag na travel_pagetype sa lahat ng page ng site mo. Kung walang nakatakdang value (gaya ng 'home') ang ilan sa iyong mga page, hayaang walang laman ang value.
Mga naghahanap sa listahan Mga taong naghanap ng mga opsyon sa paglalakbay sa iyong site. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga tumitingin ng listing, conversion abandoner, at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng resulta ng paghahanap ang: travel_pagetype = 'searchresults'
Mga tumitingin ng listing Mga taong tumingin ng mga partikular na page ng opsyon sa paglalakbay sa iyong site. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga conversion abandoner at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng opsyon sa paglalakbay ang: travel_pagetype = 'offerdetail'
Mga conversion abandoner Mga taong nagsimulang mag-book ng opsyon sa paglalakbay pero hindi kumumpleto ng pag-book nila. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa segment na mga dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng form ng booking ang: travel_pagetype = 'conversionintent'
Mga dating nag-convert Mga taong dati nang nag-book sa iyo ng opsyon sa paglalakbay Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng kumpirmasyon ng booking ang: travel_pagetype = 'conversion'
Custom

Kung nag-a-advertise ka ng website na hindi nabibilang sa alinman sa mga kategoryang nasa itaas, puwede mong gamitin ang parameter na dynx_pagetype. Nasa ibaba ang mga value ng custom parameter para sa bawat uri ng segment, gaya ng dynx_pagetype = 'home'.

Default na segment ng data Paglalarawan Impormasyon ng tag
Mga pangkalahatang bisita Mga taong bumisita sa iyong website o app pero hindi tumingin ng mga partikular na page. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa iba pang segment: mga naghahanap, tumitingin ng produkto o serbisyo, conversion abandoner, at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa iyong pangkalahatang tag ng site ang tag na dynx_pagetype sa lahat ng page ng site mo. Kung walang nakatakdang value (gaya ng 'home') ang ilan sa iyong mga page, hayaang walang laman ang value.
Mga naghahanap Mga taong naghanap sa iyong site. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga tumitingin ng produkto o serbisyo, conversion abandoner, at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng resulta ng paghahanap ang: dynx_pagetype = 'searchresults'
Mga tumitingin ng produkto o serbisyo. Mga taong tumingin ng mga partikular na page sa iyong site. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa mga segment na mga conversion abandoner at dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng mga produkto o serbisyo ang: dynx_pagetype = 'offerdetail'
Mga conversion abandoner Mga taong nagsimulang mag-convert o bumili pero hindi ito kinumpleto. Hindi kasama sa segment na ito ang mga taong nasa segment na mga dating nag-convert. Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng cart o form ang: dynx_pagetype = 'conversionintent'
Mga dating nag-convert Mga taong dati nang nag-convert o bumili sa iyo Para ma-populate ang segment na ito, dapat nasa pangkalahatang tag ng site sa iyong mga page ng kumpirmasyon ng pagbili ang: dynx_pagetype = 'conversion'

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16238465741729509938
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false