Mga grupo ng produkto at listing

Gumawa ng grupo ng produkto para ayusin ang iyong imbentaryo ng produkto sa Google Merchant Center. Puwede kang gumawa ng mga pangkat ng produkto sa isang Shopping campaign gamit ang mga attribute na kinuha sa iyong data ng produkto, na available sa Google Ads. Pagkatapos, puwede kang mag-bid sa mga pangkat na ito ng produkto.

Alamin kung paano mamahala ng Shopping campaign gamit ang mga pangkat ng produkto

Mga features ng pangkat ng produkto sa mga Shopping campaign

[Pangkat ng Produkto] Sa halip na mga keyword  
Gumagamit ng mga pangkat ng produkto ang mga Shopping campaign para tukuyin kung aling mga item mula sa iyong Merchant Center account ang lalabas sa isang page ng resulta ng paghahanap sa isang Shopping ad.
 
[Pangkat ng produkto] Pagsisimula  
Kapag gumawa ka ng bagong Shopping campaign, gagawin ang isang pangkat ng produkto para sa “Lahat ng produkto” bilang default, gamit ang default na maximum na cost-per-click na bid (max. CPC) na itinakda mo noong ginagawa ang ad group.
 
[Mga Pangkat ng Produkto] Pag-subdivide  
Puwede mong paganahin ang iyong Shopping campaign gamit lang ang pangkat ng produktong “Lahat ng produkto,” o i-subdivide ito sa maraming grupo ng produkto hangga't gusto mo gamit ang mga attribute ng produkto tulad ng kategorya ng produkto ng Google [google_product_category], uri ng produkto [product_type], brand [brand], kundisyon [condition], ID [id], at custom na label 0-4 [custom label 0-4]. Makakapag-alis ka rin ng mga pangkat ng produkto kung kinakailangan.
 
[Product Group] Produkto at pag-filter  
Puwede lang lumabas ang bawat produkto sa isang nabi-bid na pangkat ng produkto sa bawat ad group. Puwede mo ring tuluyang ibukod ang isang produkto para hindi ito lumabas sa isang pangkat ng produkto sa pamamagitan ng paggamit ng mga filter ng imbentaryo.
 
[Pangkat ng Produkto] Pag-bid  
Magtakda at magbago ng mga bid para sa bawat grupo ng produkto tuwing kailangan mo, o magbukod ng grupo ng produkto sa iyong campaign.
 
[Pangkat ng Produkto] Pag-uulat  
Para sa mga Performance Max campaign, puwedeng naiiba ang mga sukatan ng pag-uulat para sa tab na Mga Grupo ng Produkto kapag inihambing sa mga tab na Campaign, Ad Group, o Mga Ad. Ito ay dahil makakapag-ulat lang ang tab na Mga Grupo ng Produkto tungkol sa data sa level ng produkto.
  • Halimbawa, kapag nagpapakita ng maraming produkto sa isang indibidwal na ad slot ang isang Shopping ad, mangongolekta ng impression ang bawat produkto. Gayunpaman, kikilanin ng campaign, ad group, at ad na iisang ad lang ang ipinapakita at ituturing ito bilang isang impression.
 

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13156832896823485072
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false