Tungkol sa dynamic na remarketing: magpakita ng mga ad na iniangkop sa iyong mga bisita sa site at app

Nagbibigay-daan sa iyo ang remarketing na magpakita ng mga ad sa mga customer na nakabisita na sa iyong website o nakagamit na ng mobile app mo. Mas pinapahusay pa ito ng dynamic na remarketing at nagbibigay-daan ito sa iyong magpakita sa mga dati nang bisita ng mga ad na may mga produkto o serbisyong tiningnan nila sa iyong site. Gamit ang mga mensaheng iniangkop sa iyong audience, nakakatulong sa iyo ang dynamic na remarketing na bumuo ng mga lead at benta sa pamamagitan ng pagpapabalik ng mga nakaraang bisita sa site o app mo para kumpletuhin ang nasimulan nila. Alamin kung paano mag-set up ng dynamic na remarketing para sa mga bisita sa iyong website at mga user ng app mo.

Sa page na ito

Higit pang dahilan para gamitin ang dynamic na remarketing

  • Mga ad na nagse-scale sa iyong mga produkto o serbisyo: Ipares ang feed ng mga produkto o serbisyo mo gamit ang mga dynamic na ad para i-scale ang iyong mga ad para maisama ang buong imbentaryo mo.
  • Simple, pero mahuhusay na feed: Gumawa ng basic na feed na .csv, .tsv, .xls, o .xlsx. Kukunin ng product recommendation engine ng Google Ads ang mga produkto at serbisyo sa iyong feed at tutukuyin nito ang pinakamagandang kumbinasyon ng mga produkto para sa bawat ad batay sa kasikatan at sa kung ano ang tiningnan ng bisita sa site mo.
  • Mga layout na mahusay ang performance: Hinuhulaan ng Google Ads kung aling layout ng dynamic na ad ang malamang na magkaroon ng pinakamahusay na performance para sa tao, placement, at platform kung kanino o saan ipapakita ang ad.

Ang kakailanganin mo para makapagsimula sa dynamic na remarketing

Feed ng produkto o serbisyo: Gumawa ng feed na naglalaman ng lahat ng iyong produkto o serbisyo, kasama ang mga detalye tungkol sa bawat item (natatanging ID, presyo, larawan, at iba pa). Pagkatapos, kukunin ang mga detalyeng ito mula sa iyong feed papunta sa mga dynamic na ad mo. Ia-upload mo ang iyong feed sa seksyong Data ng negosyo ng Nakabahaging library mo, maliban kung isa kang retailer. Kung isa kang retailer, ia-upload mo ang iyong feed ng produkto sa Google Merchant Center.

 

Para sa remarketing sa website- Mag-tag gamit ang mga custom parameter: Idagdag ang tag ng dynamic na remarketing gamit ang mga custom parameter sa lahat ng page ng iyong website. Idinaragdag ng tag ang iyong mga bisita sa website sa mga listahan ng remarketing at iniuugnay sila sa mga natatanging ID ng mga feed item na tiningnan nila. Makikita mo ang iyong tag sa seksyong Mga Audience sa Nakabahaging library mo. Matuto pa kung paano I-tag ang iyong website para sa dynamic na remarketing.

Gumawa ng mga tumutugong display ad Ang mga tumutugong display ad ay nakabatay sa asset, at awtomatiko nitong ina-adjust ang laki, hitsura, at format ng mga ito para magkasya sa mga available na espasyo para sa ad.

halimbawa ng mga tumutugong ad

Dynamic na pag-target ng prospect at dynamic na remarketing

Pinagsasama ng dynamic na pag-target ng prospect ang impormasyon ng user at impormasyon ng produkto para ipakita ang iyong pinakamagandang produkto sa tamang oras sa mga pinakainteresadong user. Hindi tulad ng dynamic na remarketing, na nakatuon sa pagsulit sa iyong mga dati nang customer, ginagamit ang dynamic na pag-target ng prospect para makakuha ng mga bagong user. Dahil sa pagkakaibang ito, ang dynamic na pag-target ng prospect ang mas gustong paraan kung isa kang bagong advertiser o kung nagta-target ka ng audience na iba sa sarili mong mga segment ng data (kasama ang iyong mga segment ng data kung saan kasama ang mga bisita sa website at user ng app).

Paano gumagana ang dynamic na pag-target ng prospect

Gumagamit ng machine learning ang dynamic na pag-target ng prospect para magkaroon ng ideya kung ano ang hinahanap ng mga potensyal na mamimili. Kapag alam na ng system kung ano ang hinahanap ng user, isinasama nito iyon sa impormasyong nakabatay sa demograpiko gaya ng edad, kasarian, at kita ng sambahayan para itugma ang user sa isang produktong nasa iyong feed. Sinusuri ang mga produkto sa iyong feed batay sa performance, kaugnayan, at iba pang salik para matukoy kung alin ang mga pinakamalamang na makatawag ng pansin ng user at humantong sa mga conversion.

Para sa mga Display campaign, puwede ka lang magdagdag ng feed sa iyong campaign kung hindi ka pa nakakapagdagdag nito dati. Puwede mo lang baguhin ang isang feed pagkatapos gawin ang campaign kung nasa parehong uri ng negosyo ang feed.

Pagdaragdag ng dynamic na pag-target ng prospect sa dynamic na remarketing campaign

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign.
  4. Piliin ang campaign na gusto mong i-update.
  5. Mag-click sa Mga karagdagang setting.
  6. Mag-click sa drop-down sa ilalim ng “Mga dynamic na ad.”
    • Pipiliin ng drop-down na ito ang “Walang feed ng data” bilang default.
  7. I-click ang checkbox sa tabi ng “gumamit ng feed ng data para sa mga naka-personalize na ad.”
  8. Piliin ang nauugnay na Feed ng Data sa drop-down na menu.
  9. I-click ang I-save.
Tandaan: Para magdagdag ng pag-target sa isang campaign, sumangguni sa Gabay sa pag-set up ng dynamic na remarketing para sa web.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10412607142552182381
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false