Magbukod ng mga segment ng demograpiko

Para magbigay ng komprehensibo at pinag-isang view ng iyong Mga Audience at gawing mas simple ang pamamahala at pag-optimize ng audience, makikita mo ang mga sumusunod na pagpapahusay sa Google Ads:

  • Bagong pag-uulat ng audience
    Pinagsama-sama na ngayon sa iisang lugar ang detalyadong pag-uulat tungkol sa demograpiko ng audience, mga segment, at mga pagbubukod. I-click ang icon na Mga Campaign Campaigns Icon at buksan ang tab na “Mga audience, mga keyword at content” tab at i-click ang Mga Audience. Madali mo ring mapapamahalaan ang iyong Mga Audience mula sa page ng ulat na ito. Matuto pa Tungkol sa Pag-uulat ng audience.
  • Mga bagong termino
    Gumagamit kami ng mga bagong termino sa iyong ulat tungkol sa audience at sa buong Google Ads. Halimbawa, tinutukoy na ngayon ang “mga uri ng audience” (kabilang dito ang custom, in-market, at affinity) bilang “mga segment ng audience,” at tinutukoy na ngayon ang “remarketing” bilang “iyong data.” Matuto pa tungkol sa Mga update sa mga Termino at parirala ng audience

Kung paanong maipapakita mo ang iyong mga ad sa mga tao batay sa kanilang edad, kasarian, at parental status, maibubukod mo rin ang alinman sa mga partikular na segment ng demograpiko na ito para gawing mas mahusay ang iyong pag-advertise. Ipinapakita sa iyo ng artikulong ito kung paano ibukod ang mga napiling segment ng demograpiko sa antas ng ad group o sa antas ng campaign.

Halimbawa

Ang isang spa na eksklusibo para sa mga babae ay may campaign na nagtatampok ng mga available na serbisyo at oras para sa mga spa center nito. Hindi nito kayang serbisyuhan ang mga lalaking customer, kaya nagpasya itong ibukod ang kategoryang “Lalaki” mula sa campaign na ito. Puwede nitong itakda ang pagbubukod sa antas ng ad group. Pero dahil gusto ng spa na ilapat ang mga setting na ito sa lahat ng ad group sa campaign nito, puwede itong gumawa ng mga demograpikong pagbubukod sa antas ng campaign sa halip na idagdag ang mga iyon nang paisa-isa.

Mga Tagubilin

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Para magbukod ayon sa mga segment ng demograpiko para sa pag-target ng iyong campaign:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. Sa menu ng page, i-click ang Mga Audience.
  3. Sa module na “Mga Pagbubukod,” i-click ang I-edit ang Mga Pagbubukod.
  4. I-click ang icon na plus at piliin ang campaign o ad group na gusto mong i-update.
  5. Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng partikular na segment ng demograpiko na gusto mong ibukod sa ad group.
  6. I-click ang I-save.

Mga Tala

Ang pagbubukod ng anumang segment ng demograpiko ay puwedeng lubhang magpababa sa dami ng trapiko na posibleng natatanggap ng iyong ad group o campaign.

Gayundin, puwede mong ibukod ang mga taong ang partikular na mga katangian ng demograpiko ay hindi namin natukoy sa pamamagitan ng pagpili sa segment na "Hindi alam." Gayunpaman, kung ibubukod mo ito, marami-raming tao ang posibleng hindi makakita sa iyong mga ad. Maraming site sa Display Netowrk ang hindi nagbibigay ng demograpikong data para sa mga customer, at hindi namin magagawang tantyahin ang demograpikong impormasyon mula sa lahat ng gumagamit sa web o mobile app. Nangangahulugan itong maraming tao ang nasa segment ng demograpikong "Hindi alam."

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7728715522450926545
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false