Tungkol sa pagsasaayos ng iyong mga bid sa keyword

Kapag pinipili mo ang bawat keyword, mapipili mo kung magkano ang handa mong ibayad sa tuwing may customer na maghahanap sa keyword na iyon at magki-click sa iyong ad. Ito ang maximum na cost-per-click, o max CPC, na halaga ng bid ng iyong keyword. Gusto ng ilang advertiser ang kontrol na kanilang napapanatili sa pamamagitan ng mga manual na pag-bid, habang mas kumportable naman ang iba na hayaan ang system ng Google Ads na magsagawa ng mga pag-bid para sa kanila.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito ang pagkakaiba sa pagitan ng naka-automate na strategy sa pag-bid na Pag-maximize sa Mga Pag-click at ng manual na CPC na pag-bid, kung paano gamitin ang mga tool sa Google Ads para pumili ng bid at kung paano gamitin ang mga tinantyang bid sa keyword para makatulong na mailagay ang iyong ad sa unang page.

Bago ka magsimula

Para sa mga tagubilin kung paano manual na babaguhin ang iyong mga bid, alamin kung paano Baguhin ang iyong mga bid sa keyword.

Paano gumagana ang Pag-maximize sa Mga Pag-click

Mainam ang Pag-maximize sa Mga Pag-click para sa mga advertiser na ayaw gumugol ng maraming oras sa pagtatakda ng mga bid, pero gustong makuha ang pinakamaraming posibleng pag-click para sa kanilang mga ad na pasok sa kanilang badyet. Hindi mo kailangang tumukoy ng mga indibidwal na bid para sa iyong mga keyword, ad group, o placement. Ang kailangan mo lang gawin ay magtakda ng average na pang-araw-araw na badyet, at awtomatikong papamahalaan ng system ng Google Ads ang mga max. CPC na bid mo para maibigay sa iyo ang pinakamaraming posibleng pag-click na pasok sa badyet mo. Para sa higit pang kontrol sa iyong mga bid, puwede kang magtakda ng limitasyon sa CPC na bid kung ayaw mong lumampas sa isang partikular na presyo sa bawat click. Matuto pa Tungkol sa pag-bid na Pag-maximize sa Mga Pag-click.

Paano gamitin ang mga tool sa Google Ads para makatulong na pumili ng bid sa keyword

Tinutulungan ka ng ilang tool na tumukoy ng mga keyword na baka gusto mong isaayos nang manual. Isinasagawa ng ibang mas advanced na tool ang pag-bid para sa iyo, batay sa isang halagang pipiliin mo.

  • Makakatulong sa iyo ang Mga Rekomendasyon sa iyong account na matukoy kung alin sa mga keyword mo ang mukhang magandang piliin para sa mga pagbabago sa bid. Ang mga suhestyon ay para sa mga pinataas na bid (para makatulong na makakuha ng higit pang click) at binabaang bid (para makatulong na bawasan ang iyong mga gastos). Alamin kung paano Pahusayin ang iyong account gamit ang Mga Rekomendasyon.
  • Nagpapatakbo ang Bid Simulator ng mga sitwasyong batay sa tanong na "paano kung," gaya ng "Ilan pang impression ang dapat sanang nakuha ko kung tinaasan ko ang bid ko ng Php5?" para maisaayos mo ang iyong mga bid sa tamang antas para sa badyet mo. Hindi hinuhulaan ng simulator ang hinaharap, pero tinatantya nito ang data ng pag-click, gastos, at impression na dapat natanggap ng iyong mga ad sa loob ng isang karaniwang linggo kung nagtakda ka ng mas mataas o mas mababang mga bid sa keyword.
  • Sinusulit ng Pinahusay na CPC ang iyong mga conversion para sa manual na pag-bid habang nakukuha ang parehong cost-per-conversion. Naghahanap ang strategy sa pag-bid na ito ng mga ad auction na mas malamang na humantong sa mga benta para sa iyo, at pagkatapos ay tinataasan nito ang max CPC na bid mo (pagkatapos ilapat ang anumang pagsasaayos ng bid na itinakda mo) para mas makipagkumpitensya para sa mga pag-click na iyon. Binababaan din ng ECPC ang iyong bid sa mga auction na maliit ang posibilidad na humantong sa mga benta. Sa ganoong paraan, makakakuha ka ng mas maraming benta at conversion mula sa mga ginagastos mo sa ad.
  • Ang pagsubaybay sa conversion ay isang advanced na feature na nagpapakita sa iyo kung aling mga keyword ang pinakamadalas na nagtutulak sa mga customer na gawin ang mga pagkilos na gusto mong gawin nila (ang mga pagkilos na ito, tulad ng pagbili o pag-sign up sa newsletter, ay tinatawag na mga conversion). Makakatulong sa iyo ang pagsubaybay sa mga conversion mo na makapagpasya kung tataasan ba ang iyong max CPC para sa mga keyword na maganda ang performance, at kung bababaan ba ito para sa mga keyword na hindi maganda ang performance. Kinakailangan ang pagsubaybay sa conversion para magamit ang ilang partikular na naka-automate na strategy sa pag-bid, kasama na ang ECPC na may Target na CPA at Target na ROAS. Matuto pa Tungkol sa naka-automate na pag-bid.

Paano gumagana ang manual na CPC na pag-bid

Binibigyang-daan ka ng opsyong ito na mapamahalaan mo mismo ang iyong mga max CPC na bid. Puwede kang magtakda ng mga bid sa antas ng ad group o para sa mga indibidwal na keyword. Ilalapat ang halaga ng default na bid ng iyong ad group sa lahat ng keyword sa ad group ng iyong bagong campaign. Maaari mong baguhin ang halaga ng iyong bid anumang oras para sa anuman o lahat ng keyword.

Mga Tip

  • Bago ka ba sa Google Ads at hindi mo tiyak kung magkano ang itatakda mong halaga sa bid sa keyword? Maraming advertiser ang nagsisimula sa max CPC na bid na PhP50.
  • Kapag gumagamit ng Pag-maximize sa Mga Pag-click, madali kang makakalipat sa manual na CPC na pag-bid, na nagbibigay sa iyo ng kumpletong kontrol para ikaw mismo ang magtakda ng mga halaga ng bid.

Paano gamitin ang mga tinantyang bid sa keyword

Kung mahalaga sa iyo na maipakita ang iyong ad sa unang page ng mga resulta ng paghahanap sa Google, may 3 iba't ibang uri ng mga tinantyang bid sa keyword na available para matulungan kang mapunta roon.

  • Ipinapakita ng mga tinantyang bid sa unang page ang bid na malamang na kakailanganin mo upang mailagay ang iyong ad sa unang page ng mga resulta ng paghahanap.
  • Mas mahusay ang mga tinantyang bid sa pinakataas ng page, na tinatantya ang bid na malamang na kakailanganin mo upang mailagay ang iyong ad sa mga nangungunang posisyon ng ad sa unang page ng mga resulta ng paghahanap.
  • Pinakamahusay ang mga tinantyang bid sa unang posisyon, na tinatantya ang bid na malamang na kakailanganin mo para mailagay ang iyong ad sa nangungunang posisyon.

Nakabatay ang mga pagtatantyang ito sa isang eksaktong tugma para sa iyong keyword. Nakadepende rin ang posisyon ng ad sa Marka ng Kalidad ng keyword at kasalukuyang kumpetisyon ng advertiser para sa keyword na iyon, kaya hindi ginagarantiya na patuloy na mailalagay sa gusto mong posisyon ang iyong ad. Alamin kung paano Ipakita ang iyong mga ad sa unang page.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17518821093900163974
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false