Tungkol sa Manual na CPC na pag-bid

Sa Manual na Cost-Per-Click (CPC) na pag-bid, puwede kang magtakda ng maximum na presyo sa halaga ng isang taong nagki-click sa iyong mga ad. Puwede mong masulit ang paraan ng pag-bid na ito dahil magbabayad ka lang kapag sapat na ang interes ng isang tumitingin para i-click ang ad mo at matuto pa.

Isipin mo ang mga billboard: Nagbabayad ang mga advertiser para sa espasyo ng billboard batay sa kung gaano karaming tao ang posibleng makakita sa kanilang ad habang dumadaan sila, mapansin man ng mga taong iyon ang ad o hindi.

Iba ang mga ad sa Internet: Gamit ang pagbi-bid na CPC ng Google Ads, magbabayad ka lang para sa "espasyo sa billboard" ng Google kapag alam mong nakita ng mga user ang iyong ad at nahimok silang mag-click. Kung may 100 taong nakakita sa iyong ad at tatlo ang nag-click dito, magbabayad ka para sa 3 pag-click, hindi para sa 97 pagtingin.

Paano gumagana ang pag-bid na CPC

Para sa mga campaign ng pag-bid na CPC, magtatakda ka ng maximum na cost-per-click na bid - o "max. CPC," iyon ang pinakamalaking halagang handa mong bayaran para sa isang pag-click sa iyong ad (maliban na lang kung magtatakda ka ng mga pagsasaayos ng bid, o gumagamit ka ng Pinahusay na CPC).

Halimbawa

Kung sa tingin mo ay Php12.50 ang halaga ng pagbisita ng isang tao sa iyong website, puwede mong itakda ang Php12.50 bilang iyong max. CPC. Magbabayad ka ng maximum na Php12.50 kapag may taong nag-click sa iyong ad at wala kang babayaran kung hindi siya magki-click.

Sabihin nating gumawa ka ng text ad at nagtakda ka ng max. CPC na bid na Php12.50. Kung 500 tao ang nakakita sa ad at 23 sa kanila ang nag-click para matuto pa, ang babayaran mo lang ay ang 23 pag-click na iyon. Php12.50 ang iyong max. CPC na bid, kaya hindi lalampas sa 23 pag-click x Php12.50, o Php287.50, ang babayaran mo.

Kadalasan, mas mababa kaysa sa iyong max. CPC ang babayaran mo dahil sa auction sa Google Ads, ang pinakamalaking babayaran mo ay ang minimum na kinakailangan para ma-clear ang Mga Limitasyon ng Ad Rank at matalo ang Ad Rank ng kakumpitensya may sumunod na pinakamataas na Ad Rank para sa isang partikular na posisyon (kung mayroon). Basahin ang seksyon sa ibaba tungkol sa aktwal na CPC para matuto pa tungkol sa panghuling halagang sisingilin sa iyo para sa isang pag-click.

Ang husay ng naka-automate na pag-bid sa Google Ads

Sa naka-automate na pag-bid sa Google, nagiging madali at hindi na kailangang hulaan ang pagtatakda ng mga bid para makamit ang iyong mga layunin sa performance. Pinapagana ng teknolohiya sa oras ng auction ang pag-bid na batay sa conversion, at ino-optimize ang mga bid nang may katumpakan sa mga aktwal na query sa paghahanap para sa bawat auction. Isinasaalang-alang din nito ang maraming iba't ibang signal sa oras ng auction kasama ang device, lokasyon, oras ng araw, wika, at operating system para makuha ang natatanging konteksto ng bawat paghahanap. Matuto pa tungkol sa naka-automate na pag-bid sa Google Ads

Paano pagpapasyahan kung magkano ang itatakdang CPC na bid

Paano mo malalaman kung anong CPC ang itatakda? Malalaman mo ito batay sa nalalaman mo tungkol sa iyong negosyo at sa halaga ng isang benta. Halimbawa, kung nagbebenta ka ng mga diamond na singsing na nagkakahalaga ng Php250,000, malamang na mas malaki ang halaga ng isang customer kaysa kung nagbebenta ka ng mga pakete ng gum na nagkakahalaga ng Php49.50.

Magtatakda ng default na max. CPC na bid para sa iyo kapag pinili mo ang Manual na CPC. Puwede mo itong baguhin at itakda sa mga max. CPC na halaga kung saan ka kumportable, puwede mong makita kung ilang pag-click ang magsisimulang maipon ng iyong mga ad, at kung humahantong ang mga pag-click na iyon sa mga benta sa website mo. Tandaan na palaging nagbabago ang trapiko sa Internet, kaya ipinapayong regular na suriin ulit ang iyong mga CPC na bid.

Paggamit ng mga tool ng Google para matulungan kang magdesisyon sa mga CPC na bid

  • Nagpapatakbo ang Bid Simulator ng mga sitwasyong "paano kung" gaya ng, "Ilan pa sanang impression ang nakuha ko kung mas mataas nang Php5 ang bid ko noong nakaraang linggo?"
  • Ipinapakita sa iyo ng Keyword Planner kung gaano kadalas hinahanap ang ilang keyword, at nagbibigay ito sa iyo ng mga pagtatantya ng gastusin nang mabilisan.
  • Nakakatulong sa iyo ang mga tantyang bid sa unang page na makita kung magkano ang posibleng kailangan mong i-bid para mailagay ang iyong ad sa unang page ng mga resulta ng paghahanap sa Google.

Paggamit ng mga pagsasaayos ng bid para maabot ang mga tamang customer

Puwede kang magtakda ng mga pagsasaayos ng bid na nagpapataas o nagpabababa ng iyong mga max. CPC na bid para sa mga paghahanap na nangyayari sa mga mobile device o sa mga partikular na lokasyon. Kung tina-target ng iyong campaign ang Display Network, puwede ka ring magtakda ng mga pagsasaayos ng bid para sa mga paraan ng pag-target sa iyong ad group, gaya ng mga paksa o placement, na makakatulong na ipakita ang ad mo sa audience na may pinakamalapit na kaugnayan. Ang mga pagsasaayos ng bid ay nagbibigay sa iyo ng higit pang kontrol sa kung kailan at kung saan lalabas ang iyong ad, at inilalapat ang mga ito bilang karagdagan sa iyong mga kasalukuyang bid.

Ang panghuling halagang sisingilin sa iyo

Ang iyong max. CPC na bid ay ang pinakamalaking sisingilin sa iyo para sa isang pag-click, pero kadalasan, mas maliit ang sisingilin sa iyo, kung minsan, sobrang mas mababa pa. Ang panghuling halagang sisingilin sa iyo para sa isang pag-click ay tinatawag na aktwal na CPC.

Kadalasan, mas mababa ang aktwal na CPC kaysa sa max. CPC dahil sa auction sa Google Ads, ang pinakamalaking babayaran mo ay ang minimum na kinakailangan para ma-clear ang mga limitasyon ng Ad Rank at matalo ang Ad Rank ng kakumpitensya na may sumunod na pinakamataas na Ad Rank para sa isang partikular na posisyon (kung mayroon).

Paano nakakaapekto ang isang max. CPC na bid sa iyong Ad Rank

Sa Search Network, nakakatulong ang iyong Ad Rank na tukuyin kung kwalipikado ka, at kung oo, kung saan sa mga page ng resulta ng paghahanap lalabas ang iyong mga ad (kung lalabas man ang mga ito) kaugnay ng mga ad ng iba pang advertiser. Kung papaganahin mo ang iyong mga ad sa Display Network, pareho pa rin ang pangunahing tungkulin ng Ad Rank doon. Dahil ang Ad Rank ay isang markang nakabatay sa iyong max. CPC na bid at sa kalidad ng ad mo kumpara sa mga ad ng iba pang advertiser, malamang na lumaki ang tsansang lumabas ang iyong ad kapag tinaasan mo ang iyong max. CPC.

Mga opsyon sa max. CPC na pag-bid

Mailalapat mo ang iyong max CPC na bid sa ilang paraan. Sabihin nating mayroon kang panaderya, at nag-set up ka ng ad group para sa "almusal" na may mga keyword gaya ng mga donut, mga cruller, at mga apple fritter. Narito kung paano mo maaaring itakda ang iyong mga bid:

  • Kung gusto mong magkaroon ng magkakaparehong bid ang lahat ng keyword na nasa isang ad group: Magtakda ng default na bid sa ad group. Kung pipili ka ng Php50 CPC, iyon ang iyong max. CPC kapag may naghanap ng mga donut, mga cruller, o mga apple fritter - alinman sa iyong mga keyword. Nalalapat ang parehong bid sa mga placement kung pinapagana mo ang iyong ad sa Display Network. Ito ang pinakamadaling paraan upang pamahalaan ang iyong mga CPC.
  • Kung gusto mong magkaroon ng magkakaibang bid ang mga keyword na nasa isang ad group: Magtakda ng mga bid sa keyword. Halimbawa, kung alam mong mas malamang na mas marami ang bibilhin ng mga taong naghahanap ng mga apple fritter kaysa sa mga taong naghahanap ng mga donut, puwede kang mag-bid ng Php62.50 para sa bawat pag-click sa mga apple fritter at Php50 para sa bawat pag-click sa mga donut.
  • Kung gusto mong magkaroon ng magkakaibang bid ang iyong mga paraan ng pag-target sa Display Network: Puwede kang magtakda ng max. CPC para sa mga placement, paksa, o iba pang paraan ng pag-target. Halimbawa, puwede mong subukang tulungan ang iyong ad na lumabas sa isang website ng mga recipe ng donut sa pamamagitan ng pagtatakda ng custom na bid para sa partikular na placement na iyon sa Display Network.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2102847065137019161
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false