Ang Google Analytics 4 [GA4] ay ang susunod na generation ng Analytics na nangongolekta ng data na batay sa event mula sa mga website at app. Isa itong bagong uri ng property na idinisenyo para sa hinaharap ng pagsukat:
- Nangongolekta ng data ng website at app para mas maunawaan ang customer journey
- Gumagamit ng data na batay sa event sa halip na batay sa session
- May kasamang mga kontrol sa privacy tulad ng pagsukat na walang cookie, at pagmomodelo ayon sa gawi at pagmomodelo ng conversion
- Nag-aalok ang mga predictive na kakayahan ng gabay nang walang kumplikadong modelo
- Nakakatulong ang mga direktang pag-integrate sa mga platform ng media na humimok ng mga pagkilos sa iyong website o app
Tumutukoy ang Universal Analytics (UA) sa dating generation ng Analytics. Ito ang default na uri ng property para sa mga website bago ang Oktubre 14, 2020. Matuto pa tungkol sa Pagpapakilala ng next generation ng Analytics, ang Google Analytics 4.
- Ipinapakita sa iyo ng Google Analytics 4 kung paano nahanap ng mga tao ang iyong site at kung paano nila ito na-explore. Mula sa impormasyong ito, makakakuha ka ng mga ideya kung paano pahusayin ang iyong website.
- Kung magkasama mong ginagamit ang Google Analytics 4 at Google Ads, puwede mong malaman kung ano ang ginagawa ng mga customer sa iyong site pagkatapos nilang i-click ang ad mo. Gamitin ang impormasyong ito para makatulong na pagandahin ang experience ng iyong mga customer sa website mo, na makakatulong naman sa iyong paramihin ang mga conversion (tulad ng mga benta at pag-sign up) at pataasin ang pangkalahatang return on ad spend (ROAS) mo.
- Para simulang gamitin ang Google Analytics sa pamamagitan ng iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Admin , pagkatapos ay i-click ang Mga naka-link na account, at pumunta sa Mga Detalye sa tabi ng “Google Analytics.” Puwede mo ring hiwalay na gamitin ang Analytics sa google.com/analytics.