Tungkol sa mga format ng video ad

Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting Larawan ng icon ng mga setting ng YouTube sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.


 


 

Ang “mga video discovery na ad” ay tinatawag na ngayong “mga in-feed video ad.” Maliban sa pagbabago ng pangalan, kapareho ng dati ang paggana ng format ng ad.

Sa Google Ads, puwede kang gumawa ng mga nakakahimok na video campaign na may iba't ibang format na video ad para mahikayat ang mga customer sa iba't ibang paraan sa YouTube at sa mga site ng partner sa video. Kasama sa mga available na format na video ad ang:

  Nalalaktawang in-stream In-feed Hindi nalalaktawang in-stream Bumper Outstream at Kasamang Content
  Larawan ng nalalaktawang in-stream na ad Larawan ng video discovery na ad Larawan ng hindi nalalaktawang in-stream na ad Larawan ng bumper ad Larawan ng outstream ad
Selling point: Puwedeng lumaktaw ang mga user para maunawaan mo ang tungkol sa atensyon Ipinapakita sa mga user na may mataas na engagement sa yugto ng discovery at paghahanap Hindi makakalaktaw ang mga user, kaya makikita nila ang buo mong mensahe Maikling mensaheng hindi malalaktawan para mapataas ang kaalaman o para masuportahan ang iba pang ad Mapataas ang kaalaman ng mga user sa labas ng Google kapag nagba-browse sila sa mga paborito nilang site
Saan ito inihahatid? Mga video sa YouTube, GVP In-stream*, GVP App* YouTube Homefeed, YouTube Search Mga video sa YouTube, GVP In-stream*, GVP App* Mga video sa YouTube, GVP In-stream*, GVP App* GVP*
Max na haba ng video? Walang max na haba (wala pang 3 min ang inirerekomenda) Walang max na haba 15–30 segundo 6 na segundo Walang max na haba
Iniuulat ba sa Google Ads ang mga panonood? Oo Oo Hindi Hindi Oo
Incremental bang binibilang ang panonood ng publiko? Oo (hindi para sa mga video na wala pang 10 segundo) Oo Hindi Hindi Oo
Puwede bang mag-remarket sa mga manonood? Oo Oo Hindi Hindi Oo
Aling mga campaign ang magagamit dito? Mga Video action campaign (VAC), Video view campaign (VVC), Video reach campaign (VRC) VAC, VVC, VRC VRC VAC, VRC VAC

*Kapag nag-opt in sa Mga Partner sa Video ng Google (Google Video Partner o GVP)

Bagama't naka-host dapat sa YouTube ang content ng video ad, puwedeng lumabas ang mga video ad sa YouTube at sa mga website at app na gumagana sa mga partner sa video ng Google (depende sa iyong format ng ad at mga setting ng campaign).

Inilalarawan ng artikulong ito ang mga pakinabang ng mga video ad at pinaghahambing-hambing nito ang iba't ibang format ng video ad na available. I-explore ang mga format nang detalyado sa ibaba. Puwede kang matuto pa tungkol sa aming mga patakaran at kinakailangan. Para matutunan kung paano gumawa ng mga video sa Google Ads, bisitahin ang Gumawa ng video gamit ang Library ng asset. Para matutunan kung paano magdagdag ng voice-over sa video, bisitahin ang Magdagdag ng voice-over sa isang Video campaign.

Larawan ng lahat ng format ng video ad

Tandaan: Isinama na ang layunin ng campaign na Pagsasaalang-alang sa produkto at brand sa Kaalaman sa brand at abot. Makikita mo na ang lahat ng magkakatulad na subtype ng campaign mula sa dalawang layunin sa ilalim ng Kaalaman at pagsasaalang-alang. Nakakatulong ang pagsasamang ito na mapasimple ang pagpili sa layunin ng mga advertiser at nag-aalok ito ng sentralisadong lugar para sa lahat ng subtype ng brand campaign.

 


Mga nalalaktawang in-stream ad

Larawan ng nalalaktawang in-stream na ad

Kailan ko dapat gamitin ang format ng ad na ito?

Gumamit ng mga nalalaktawang in-stream ad kapag mayroon kang content ng video na gusto mong i-promote bago mag-play, habang nagpe-play, o pagkatapos mag-play ang iba pang video sa YouTube at sa mga website at app na gumagana sa mga partner sa video ng Google.

Paano gumagana ang format ng ad?

Ang mga nalalaktawang in-stream ad ay nagpe-play bago ang, habang, o pagkatapos ng ibang video o bilang full screen na interstitial ad na nagpe-play bago makapagpatuloy ang manonood sa loob ng isang mobile app. Pagkatapos ng 5 segundo, may opsyon ang manonood na laktawan ang ad.

Saan lumalabas ang format ng ad?

Lumalabas ang mga nalalaktawang in-stream ad sa mga page sa panonood sa YouTube at sa mga website at app na gumagana sa mga partner sa video ng Google.

Paano ako sisingilin?

Sa CPV na pag-bid, magbabayad ka kapag may manonood na nanood ng 30 segundo ng iyong video, o ng buong video kung wala pa itong 30 segundo, o nakipag-ugnayan sa video mo, alinman ang mauna.

Sa pag-bid na Target na CPM, Target na CPA, at I-maximize ang mga conversion, magbabayad ka batay sa mga impression.

Aling layunin ng campaign ang kailangan kong piliin para magamit ang format ng ad na ito?

  • Benta
  • Mga Lead
  • Trapiko ng website
  • Kaalaman at pagsasaalang-alang

Tandaan: Puwede mo ring gamitin ang format ng ad na ito kapag pinili mo ang "Gumawa ng campaign nang walang gabay ng layunin" sa Google Ads.

 


Mga hindi nalalaktawang in-stream na ad

Larawan ng hindi nalalaktawang in-stream na ad

Kailan ko dapat gamitin ang format ng ad na ito?

Gumamit ng mga hindi nalalaktawang in-stream ad kapag mayroon kang content ng video na gusto mong i-promote bago mag-play, habang nagpe-play, o pagkatapos mag-play ang iba pang video sa YouTube at sa mga website at app na gumagana sa mga partner sa video ng Google at gusto mong makita ng mga manonood ang buong mensahe nang hindi nilalaktawan ang iyong video.

Tandaan: Magiging available sa Google Ads ang mga 30 segundong hindi nalalaktawang in-stream ad sa bandang simula ng 2024. Bago iyon, puwede kang makipag-ugnayan sa iyong sales representative para magdagdag ng mga 30 segundong hindi nalalaktawang in-stream ad.

Paano gumagana ang format ng ad?

Ang mga hindi nalalaktawang in-stream ad ay 30 segundo o mas maikli at nagpe-play bago mag-play, habang nagpe-play, o pagkatapos mag-play ang iba pang video. Walang opsyon ang mga manonood na laktawan ang ad.

Tandaan: Puwede ring lumabas ang ilang hindi nalalaktawang in-stream ad sa YouTube TV, depende sa pagiging kwalipikado. Matuto pa Tungkol sa mga ad sa YouTube TV.

Saan lumalabas ang format ng ad?

Lumalabas ang mga hindi nalalaktawang in-stream ad sa mga video sa YouTube at sa mga website at app na gumagana sa mga partner sa video ng Google.

Paano ako sisingilin?

Gumagamit ng pag-bid na Target na CPM ang mga hindi nalalaktawang in-stream ad, kaya magbabayad ka batay sa mga impression.

Aling layunin ng campaign ang kailangan kong piliin para magamit ang format ng ad na ito?

  • Kaalaman at pagsasaalang-alang

Tandaan: Puwede mo ring gamitin ang format ng ad na ito kapag pinili mo ang "Gumawa ng campaign nang walang gabay ng layunin" sa Google Ads.

 


Mga pang-vertical na video ad

I-optimize ang iyong mga App, Performance Max, at Video campaign sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga vertical video sa mga asset na creative mo bilang pinakamahusay na kagawian. Ang pang-mobile at full-screen na experience ng mga vertical video ay makakatulong na mapahusay ang engagement ng iyong campaign sa mga nanonood ng video sa mobile.

Para sa YouTube, sinusuportahan ang mga vertical video sa lahat ng campaign na kwalipikado para sa video na may mga posibleng placement in-feed, in-stream, sa YouTube Search, at sa YouTube Shorts. Sa ilang sitwasyon, makakapaghatid na ang pagdaragdag lang ng vertical video na asset sa isang Video action campaign ng 10-20% mas maraming conversion kumpara sa pagkakaroon lang ng mga horizontal video para sa YouTube Shorts.

Sa labas ng YouTube, gumagana rin ang iyong mga ad sa mga partner sa video ng Google para maabot ang mas maraming tao. Malaking bahagi ng imbentaryo ng mga partner sa video ng Google ay nakatuon sa vertical, tulad ng mga gaming at video app, para mas magamit pa ang iyong mga vertical at kuwadradong asset na video.

Tandaan: Puwede ring ihatid ang mga vertical video in-feed sa mga taong gumagamit ng mga desktop dahil inihahatid ang iyong pinakamahuhusay na asset batay sa gawi at environment ng user.

Para magsimulang gumawa ng mga vertical video na asset, matuto pa tungkol sa paggawa ng video sa Google Ads.

 


Mga in-feed video ad

Larawan ng video discovery na ad

Kailan ko dapat gamitin ang format ng ad na ito?

Gumamit ng mga in-feed video ad para mag-promote ng content ng video sa mga lugar kung saan puwedeng tumuklas, kasama na ang sa tabi ng mga kaugnay na video sa YouTube, bilang bahagi ng resulta ng paghahanap sa YouTube, o sa homepage sa mobile ng YouTube.

Paano gumagana ang format ng ad?

Ang mga in-feed video ad ay binubuo ng thumbnail na larawan mula sa iyong video na may ilang text. Bagama't puwedeng mag-iba ang eksaktong laki at hitsura ng ad depende kung saan ito lalabas, palaging inaanyayahan ng mga in-feed video ad ang mga tao na mag-click para panoorin ang video. Pagkatapos, magpe-play ang video sa page sa panonood o homepage ng channel sa YouTube.

Saan lumalabas ang format ng ad?

Lumalabas ang mga In-feed video ad:

  • Sa mga resulta ng paghahanap sa YouTube
  • Kasama ng mga may kaugnayang video sa YouTube
  • Sa homepage ng YouTube mobile

Paano ako sisingilin?

Sisingilin ka lang kapag may nag-click para panoorin ang ad, o sa ilang sitwasyon, kapag pinanood nila itong mag-autoplay nang kahit man lang 10 segundo.

Aling mga layunin ng campaign ang kailangan kong piliin para magamit ang format ng ad na ito?

  • Kaalaman at pagsasaalang-alang

Tandaan: Puwede mo ring gamitin ang format ng ad na ito kapag pinili mo ang "Gumawa ng campaign nang walang gabay ng layunin" sa Google Ads.

 


Mga bumper ad

Larawan ng bumper ad

Kailan ko dapat gamitin ang format ng ad na ito?

Gumamit ng mga bumper ad kapag gusto mong maabot ang maraming manonood gamit ang maikli at madaling tandaang mensahe.

Paano gumagana ang format ng ad?

Ang mga bumper ad ay 6 na segundo o mas maikli, at nagpe-play ang mga ito bago mag-play, habang nagpe-play, o pagkatapos mag-play ang isa pang video. Walang opsyon ang mga manonood na laktawan ang ad.

Tandaan: Puwede ring lumabas sa YouTube TV ang ilang bumper ad, depende sa pagiging kwalipikado. Matuto pa Tungkol sa mga ad sa YouTube TV.

Saan lumalabas ang format ng ad?

Lumalabas ang mga bumper ad sa mga video sa YouTube at sa mga website at app na gumagana sa mga partner sa video ng Google.

Paano ako sisingilin?

Gumagamit ang mga bumper ad ng pag-bid na Target na CPM, kaya magbabayad ka batay sa mga impression.

Aling layunin ng campaign ang kailangan kong piliin para magamit ang format ng ad na ito?

  • Kaalaman at pagsasaalang-alang

Tandaan: Puwede mo ring gamitin ang format ng ad na ito kapag pinili mo ang "Gumawa ng campaign nang walang gabay ng layunin" sa Google Ads.

 


Mga outstream ad at Kasamang Content

Larawan ng outstream ad

Kailan ko dapat gamitin ang format ng ad na ito?

Gumamit ng mga outstream ad at Kasamang Content kapag gusto mong palawakin ang abot ng iyogn mga video ad sa mobile, na tutulong sa iyong abutin ang mas maraming customer.

Paano gumagana ang format ng ad?

Nagsisimulang mag-play ang mga outstream ad nang naka-off ang tunog. Puwedeng i-tap ng mga manonood ang ad para i-unmute ang video. Idinisenyo ang mga outstream ad para mapalawak ang abot ng iyong video sa sulit na halaga.

Saan lumalabas ang format ng ad?

Ang mga outstream ad ay mga pang-mobile lang na ad na lumalabas sa maraming iba't ibang placement sa mga partner sa video ng Google. Sa mobile web, lumalabas ang mga outstream ad bilang mga banner. Sa mga mobile app, lumalabas ang mga outstream ad sa mga banner, mga interstitial, in-feed, native, at sa mga portrait at fullscreen mode.

Lumalabas ang Kasamang Content sa mga website at mobile web at mga app.

Puwedeng gumana ang mga outstream ad sa iba't ibang placement sa mobile. Para sa mga placement sa mobile web, lumalabas ang mga outstream ad sa mga banner. Sa mga mobile app, lumalabas ang mga outstream ad sa mga banner, mga interstitial, in-feed, native, at sa mga portrait at fullscreen mode.

Paano ako sisingilin?

Sisingilin ka para sa mga outstream ad batay sa natitingnang cost-per-thousand-impressions (vCPM), kaya sisingilin ka lang kapag may nag-play sa iyong video sa loob ng 2 segundo o mas matagal.

 


Mga Masthead ad

Larawan ng Masthead ad

Kailan ko dapat gamitin ang format ng ad na ito?

Gamitin ang format na ito kapag gusto mong maghatid ng kaalaman para sa bagong produkto o serbisyo o makaabot ng malaking audience sa loob ng maikling panahon, halimbawa, isang event sa pagbebenta.

Available lang ang mga Masthead ad sa pamamagitan ng pagpapareserba sa isang sales representative ng Google.

Paano gumagana ang format ng ad?

Desktop

  • Nag-o-autoplay ang isang itinatampok na video sa isang Masthead ad nang walang tunog nang hanggang 30 segundo sa itaas ng Home feed ng YouTube. Puwedeng lumabas ang Masthead ad sa format na widescreen o may 16:9 na aspect ratio at mayroon itong panel ng impormasyon sa kanan na awtomatikong gumagamit ng mga asset mula sa iyong channel. Puwede kang maglagay ng hanggang 2 kasamang video sa panel na ito. Puwede i-click ng mga tao ang icon sa pag-mute kung gusto nilang marinig ang video.
  • Pagkatapos mag-autoplay, magde-default sa thumbnail ng video ang pangunahing video. Kapag nag-click ang mga tao sa video o nag-click sa thumbnail, dadalhin sila sa page sa panonood ng YouTube para sa video.

Mobile

  • Nag-o-autoplay ang isang itinatampok na video sa isang Masthead ad nang walang tunog sa buong tagal ng video sa itaas ng YouTube app o sa Home feed ng m.youtube.com.
  • Nagtatampok ang mobile video Masthead ad ng thumbnail ng video, nako-customize na headline, mga text ng paglalarawan, at external na call-to-action (CTA). Awtomatiko ring kinukuha ng mobile video Masthead ad ang pangalan at icon ng channel mula sa channel ng advertiser. Kapag may user na nag-click sa mobile video Masthead ad, lalabas ito sa page sa panonood ng YouTube para sa itinatampok na video.

Mga TV screen

  • Nag-o-autoplay ang isang itinatampok na video sa isang Masthead ad (kapag sinusuportahan) nang walang tunog sa buong tagal ng video sa itaas ng YouTube app para sa mga TV. Puwedeng lumabas ang Masthead ad sa format na widescreen o may 16:9 na aspect ratio. Magagamit ng mga tao ang remote ng TV nila para makipag-ugnayan sa Masthead ad. Pagkatapos mag-autoplay, magde-default sa thumbnail ng video ang pangunahing video. Kapag nag-click ang mga tao sa video o thumbnail, dadalhin sila sa page sa panonood ng video para manood nang full-screen.
  • Hindi ka puwedeng magdagdag ng CTA sa isang Masthead ad sa mga TV screen.

Paano ako sisingilin?

Dahil available lang ang mga Masthead ad sa pamamagitan ng pagpapareserba, sisingilin ka batay sa cost-per-thousand-impressions (CPM). Puwede kang makipagtulungan sa advertising team ng Google para makakuha ng pagtatantya sa rate at mga layunin sa impression ng campaign.

 


Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15781203483959752474
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false