Tungkol sa status ng ad group

Ipinapaalam sa iyo ng status ng ad group mo kung aktibo ba o hindi ang iyong ad group.

Iba ang status ng ad group sa mga status para sa mga campaign, ad, at keyword, bagama't puwedeng makaapekto ang mga status sa isa't isa. Ang mga ad group ay nakapaloob sa isang campaign, at bawat campaign ay may isa o higit pang ad group. Sa loob ng bawat ad group ay mga ad at keyword.

Ang mga ad group ay puwede ring magkaroon ng Mga paraan ng pag-target bukod pa sa mga keyword, tulad ng paggamit ng mga demograpiko o listahan ng remarketing. Para sa artikulong ito, pagtutunan natin ang mga ad group na gumagamit ng pag-target sa keyword.

Istruktura ng ad group

Campaign

Campaign

Ad Group

Ad Group

Ad Group

Ad Group

Mga Ad
Mga Keyword

Mga Ad
Mga Keyword

Mga Ad
Mga Keyword

Mga Ad
Mga Keyword

Ang ibig sabihin ng istrukturang ito ay ang mga pagbabago sa status sa level ng campaign ay makakaapekto sa mga status ng mga ad group, ad, at keyword na napapaloob dito. Ang pagbabago ng status sa level ng ad group ay makakaapekto sa mga ad at keyword na nakapaloob dito, at iba pa.

Halimbawa, kung ipo-pause mo ang iyong campaign, ang mga ad group na nasa campaign na iyon ay magkakaroon ng parehong naka-pause na status (pati na rin ang mga ad at keyword). Gayunpaman, kung ipo-pause mo ang isang indibidwal na ad group sa isang campaign na naglalaman ng maramihang ad group, ipo-pause ang isang ad group na iyon (kasama ng mga ad at keyword na nilalaman nito), habang mananatiling naka-enable ang mga natitirang ad group, ad at keyword sa campaign. Matuto pa tungkol sa Status ng campaign.

Tip

Hindi ba tumatakbo ang iyong mga ad? Narito ang ilan sa mga pinakakaraniwang dahilan:

  • Na-deactivate mo ang isang ad group o ang "parent" campaign sa pamamagitan ng pagpo-pause o pagtatanggal nito
  • Naubusan ka na ng pondo
  • Hindi mo naiskedyul na gumana ang iyong mga ad

Matuto pa tungkol sa kung Bakit posibleng hindi mo makita ang iyong ad.

Tingnan ang status ng iyong ad group

Ipinapaalam sa iyo ng column na "Status" ng Mga ad group mo kung aktibo ang iyong ad group. Batay sa status ng iyong ad group, malalaman mo:

  • Kung alin sa iyong mga ad group ang naka-pause, naka-enable o may iba pang mga status
  • Kung anong mga pagbabago ang kailangan mong gawin sa isang ad group o sa campaign nito
  • Kung naaprubahan ba o hindi ang isang ad group batay sa mga patakaran ng Google Ads

Mga Tagubilin

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Paano suriin ang status ng iyong ad group

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga ad group.
  4. Tingnan ang column na "Status" upang makita ang status ng isang ad group.
  5. Puwede mong i-click ang heading ng column na “Status” para isaayos ang iyong mga ad group at pagbukud-bukurin ayon sa status.
Bisitahin ang Google Ads

Ang ibig sabihin ng status ng iyong ad group

Status ng ad group Ang ibig sabihin nito
Kwalipikado Handa nang gumana ang ad group na ito. Magandang ideya na suriin ang tab na Mga Ad para makita kung napipigilan ng mga paglabag sa patakaran ang paggana ng mga indibidwal na ad.
Kwalipikado (Limitado)
  • Hindi naaprubahan ang karamihan sa mga ad sa ad group na ito.
  • Nalilimitahan ng patakaran ang lahat ng ad o karamihan sa mga ad sa ad group na ito.
  • Sinusuri ang karamihan sa mga ad sa ad group na ito.
Naka-pause Pansamantala mong inihinto ang pagpapakita ng mga ad ng ad group na ito. Hindi gumagana ang mga ad nito. Puwede mong ipagpatuloy ang naka-pause na ad group para masimulan ulit ang mga ad.
Inalis Inalis mo ang ad group na ito. Hindi gumagana ang mga ad nito.
Nakabinbin Sinusuri ang lahat ng ad sa ad group na ito.
Hindi kumpleto Hindi mo na-set up ang mga kinakailangang bahagi ng ad group na ito (tulad ng mga keyword o ad). Hindi gumagana ang mga ad nito.
Hindi Kwalipikado
  • Naka-pause na campaign: na-pause mo ang campaign ng ad group na ito. Hindi gumagana ang mga ad nito. Puwede mong ipagpatuloy ang naka-pause na campaign para masimulan ulit ang mga ad.
  • Inalis ang campaign: inalis mo ang campaign ng ad group na ito. Hindi gumagana ang mga ad nito. Puwede mong ipagpatuloy ang inalis na campaign para masimulan ulit ang mga ad.
  • Nasuspinde ang campaign: hindi gumagana ang ad group na ito dahil naubos ang iyong prepaid na balanse ng account. Magpapatuloy ang iyong campaign at ang mga ad group na nakapaloob dito pagkatapos mong magdagdag ng pondo.
  • Natapos ang campaign: ang ad group na ito ay nasa isang campaign na lampas na sa petsa ng pagtatapos nito. Hindi gumagana ang mga ad nito.
  • Nakabinbing campaign: iniskedyul mong magsimula ang campaign ng ad group na ito sa ibang pagkakataon. Hindi pa gumagana ang mga ad nito.
  • Walang creative sa Ad Group na ito o naka-pause ang lahat ng creative.
  • Walang keyword sa Ad Group na ito o naka-pause ang lahat ng creative.
  • Hindi naaprubahan ang lahat ng ad sa ad group na ito.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16827785882106814601
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false