Troubleshooter para sa mga hindi matukoy na singilin sa Google Ads
Sa artikulong ito
Bago ka magsimula
Sa mga awtomatikong pagbabayad, sisingilin ka namin sa tuwing aabot ang account mo sa isang partikular na halaga, na kilala bilang iyong threshold sa pagbabayad, at sa unang araw ng buwan. Kasama sa sinisingil sa iyo ang mga gastusin sa pag-advertise, anumang hindi bayad na balanse noong nakaraang buwan, at anumang naaangkop na buwis at bayarin para sa iyong bansa.
Pagsingil sa iyo
Kasalukuyang mga gastusin + Natitirang balanse = sisingiling halaga
Kabilang sa sisingilin sa iyo ang:
- Mga kasalukuyang gastusin mula sa sinasakupang panahon ng pagsingil na ito.
- Mga buwis at bayarin, kung naaangkop para sa iyong bansa
- Mga hindi pa nababayarang gastusin mula sa mga nakaraang sinasakupang panahon ng pagsingil
Kung mayroon kang anumang adjustment o pampromosyong credit, ibabawas ang mga ito sa kabuuang sinisingil sa iyo.
Kung lalampas ang kabuuang gastusin mo sa pag-advertise sa iyong threshold sa pagbabayad, idaragdag ang mga sumobrang gastusin sa kasalukuyan mong balanse para sa susunod na pagsingil. Tandaang kung minsan, puwedeng lumampas sa threshold sa pagbabayad mo ang singil sa iyo sa unang araw ng buwan.
Ang iyong kasalukuyang balanse ay binubuo ng anumang balanseng isinama mula sa nakaraang sinasakupang panahon ng pagsingil at ang net na gastos mo para sa kasalukuyang buwan. Kabilang sa net na gastos mo ang mga gastusin sa pag-advertise, buwis, bayarin, at kung naaangkop, mga adjustment at pampromosyong credit na ibinawas sa kabuuan.
Halimbawa 1
Ang buwanang gastos mo ay mas mababa kaysa sa iyong threshold sa pagbabayad, gaya ng sa mga sumusunod na sitwasyon:
- Noong Agosto 1 ang petsa ng iyong huling pagbabayad.
- Php2,500 ang iyong threshold sa pagbabayad
- Php2,450 ang iyong buwanang gastos para sa Agosto
- Sa halimbawa sa itaas, sisingilin ka ng Php2,450 sa Setyembre 1
Halimbawa 2
Kung ang buwanang gastos mo ay mas mataas kaysa sa iyong threshold sa pagbabayad, gaya ng sa mga sumusunod na sitwasyon:
- Noong Agosto 1 ang huling singil ng bayad sa iyo.
- Php12,500 ang iyong threshold sa pagbabayad
- Php13,750 ang iyong buwanang gastos para sa Agosto
- Sa halimbawa sa itaas, sisingilin ka ng Php12,500 sa Agosto, sa petsa kung kailan lalampas ang iyong balanse sa Php12,500 na threshold sa pagbabayad. Dagdag pa rito, sisingilin ka para sa natitirang balanse ns Php1,250 sa Setyembre 1
Mga madalas itanong tungkol sa mga pagsingil
Bakit ako siningil nang mahigit sa isang beses sa isang buwan?
Hindi karaniwang nagkakaroon ng mga singilin nang isang beses sa isang buwan o sa katapusan ng buwan. Puwedeng mangyari ang mga iyon nang maraming beses sa kabuuan ng buwan, at pangunahing nakabatay ang mga iyon sa mga limitasyon—o sa nakatakdang dami ng mga gastusin na maaabot ng iyong account. Nagti-trigger ng pagsingil ang halagang ito, ibig sabihin, puwede kang singilin nang mahigit sa isang beses sa isang buwan.
Kung hinding-hindi ka lalampas sa halaga ng iyong threshold sa pagbabayad sa loob ng isang buwan, awtomatiko kang sisingilin sa parehong petsa ng buwan (posibleng may mga pagbabago sa petsa ng awtomatikong pagbabayad mo para magbigay-daan sa mas maiikling buwan o mga leap year).
Halimbawa 1
Kung Php25,000 ang threshold mo, sisingilin ka sa tuwing aabot sa Php25,000 ang iyong mga gastusin sa parehong buwan. Kung aabot ng Php75,000 ang iyong gastusin sa isang buwan, sisingilin ka ng Php25,000 nang tatlong beses (3 x 25,000 = 75,000).
Halimbawa 2
Kung ang huli mong awtomatikong pagbabayad ay isang singil sa threshold na Php25,000 noong Agosto 25, at hindi mo na ulit naabot ang iyong threshold bago ang pagtatapos ng Agosto, ang susunod mong awtomatikong pagbabayad ay sa Setyembre 1.
Bakit ako mayroong kaparehong pagsingil sa aking credit card o bank statement?
May ilang dahilan kung bakit may 2 kaparehong pagsingil ka sa iyong credit card o bank statement:
- Request sa pahintulot: Isa itong request sa pagitan ng aming system ng pagsingil at ng bangko na nagbigay ng iyong credit card. Halos palagi itong nangyayari sa tuwing may naisasagawang pagbabayad, at lumalabas ang kahilingan bilang isang nakabinbing halaga na kapareho ng isang pagsingil na naproseso na. Karaniwang nawawala ang mga request na ito sa loob ng ilang araw, bagama't puwede itong mag-iba-iba ayon sa bangko.
- Dobleng pagsingil:
- Puwedeng dulot ng isang error ang isang dobleng pagsingil, ibig sabihin, siningil ang iyong account nang dalawang beses para sa parehong halaga, at wala sa dalawang pagsingil ang minarkahang nakabinbin sa statement mo. Hindi puwedeng i-refund o kanselahin ng Google ang pagbabayad, pero magiging credit ang anumang karagdagang pagbabayad na ilalapat sa gastos sa pag-advertise sa hinaharap. Kung minsan, puwedeng mangyari ang isang awtomatikong pagbabayad kahit napasimulan na ang manual na pagbabayad dahil sa panahong kinakailangan bago matukoy ng Google ang pagbabayad.
- Kung mataas ang iyong paggastos ng account at naabot mo ang halaga ng threshold nang higit sa isa sa isang araw, posibleng mag-trigger ang awtomatikong pagsingil. Kung masyadong mataas ang gastos ng iyong account, posibleng kwalipikado kang taasan ang halaga ng iyong threshold. Matuto pa tungkol sa kung paano Baguhin kung gaano kadalas kang sinisingil.
Kung hindi kusang malulutas ang dobleng pagsingil o request ng pahintulot, makipag-ugnayan sa iyong bangko para sa suporta.
Bakit ako sinigil ng mas malaki sa aking average na pang-araw-araw na badyet sa ilang mga araw?
Nagbabago-bago ang trapiko ng paghahanap sa Internet araw-araw. Para makabawi sa mga pagbabago-bagong ito at para matiyak na naaabot ng mga campaign mo ang potensyal ng mga ito, puwedeng payagan ng Google ang hanggang 2 beses pang interaction sa isang araw kaysa sa tinukoy ng iyong average na pang-araw-araw na badyet. Tinatawag namin itong overdelivery.
Kung masyadong madalas naming ipapakita ang iyong ad at nakaipon ka ng mas maraming gastusin kaysa sa pinapayagang average na pang-araw-araw na badyet mo sa loob ng isang cycle ng pagsingil, bibigyan ka namin ng credit para sa mga dagdag na gastusing iyon. Matuto pa tungkol sa Mga Pagsingil at sa iyong average na pang-araw-araw na badyet.
Bakit ako siningil pagkatapos magsagawa ng manual na pagbabayad?
Kung ginagamit mo ang setting na awtomatikong pagbabayad at pagkatapos ay gumawa ka ng manual na pagbabayad, puwede kang singilin sa iyong cycle ng awtomatikong pagsingil sa mga sumusunod na sitwasyon:
- Isinasagawa na ang isang awtomatikong pagbabayad noong nagbayad ka: Kung gumawa ka ng manual na pagbabayad habang isinasagawa ang cycle ng awtomatikong pagbabayad, puwede ka pa ring singilin. Pinakamalamang itong mangyari kung gagawa ka ng manual na pagbabayad kapag malapit ka na sa iyong limitasyon ng pagsingil at sa katapusan ng buwan ng kalendaryo.
- Naabot mo na ang katapusan ng iyong cycle ng pagsingil: Pagkatapos mong gumawa ng manual na pagbabayad, babalik ang iyong account sa karaniwan nitong cycle ng pagsingil. Makakatanggap ka pa rin ng awtomatikong pagsingil pagkatapos maabot ng mga gastusin ng account mo ang iyong threshold sa pagbabayad o sa unang araw ng susunod na buwan.
Bakit ako siningil pagkatapos maglagay ng pampromosyong code?
Bakit ako siningil pagkatapos kong ihinto ang aking mga ad o kanselahin ang account ko?
Kapag inihinto mo ang paggana ng iyong mga ad sa pamamagitan ng pagkansela sa account mo o pag-pause o pag-aalis sa iyong mga campaign, puwedeng tumagal nang ilang oras bago tuluyang maihinto ng Google Ads ang mga ad mo. Sisingilin ka para sa anumang hindi nabayarang gastusin sa pag-advertise na naipon bago tumigil sa paggana ang mga ad mo. Pagkatapos huminto sa paggana ng mga ad mo, hindi ka na makakaipon ng anupamang gastusin at hindi ka na sisingilin.
Tandaang gumagana ang aming system sa buwanang cycle ng pagsingil, kaya baka abutin nang ilang linggo bago mo matanggap ang iyong huling pagsingil.
Para suriin kung may mga hindi nababayarang gastusin sa pag-advertise:
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Pagsingil
- I-click ang Buod.
- Tingnang ang card na Balanse sa itaas ng page para sa iyong mga hindi nabayarang gastusin sa pag-advertise.
Bakit hindi tugma ang mga pagsingil sa bank statement at Google Ads account ko?
Minsan, mukhang bahagyang iba ang mga pagsingil sa iyong bank statement sa mga nakikita mo sa iyong Google Ads account. Narito ang ilang karaniwang dahilan kung bakit:
May isa o dalawang araw na pagkakaiba ang mga pagsingil
Dahil parehong pinapagana ang Google Ads at mga bangko sa magkakaibang system, hindi palaging sabay na nangyayari ang mga pagbabayad. Sa karamihan ng sitwasyon, inaasahan ito at malulutas sa loob ng ilang araw.
Hindi lumalabas sa Google Ads ang mga pagsingil sa bangko
Kung mangyayari ito, narito ang puwede mong gawin para suriin ang dalawang account:
- Sa maraming sitwasyon, ipinapakita sa iyong bank statement ang numero ng customer ID mo na may 10 digit. Kung hindi lang isa ang Google Ads account mo, suriin ang mga pagsingil sa bawat account para matiyak na hindi nailapat ang mga ito sa ibang account kaysa sa inaasahan mo. Matuto pa tungkol sa kung paano Mag-troubleshoot ng mga hindi alam na singilin sa Google Ads.
- Kung hindi mo pa rin alam kung saan nanggagaling ang pagsingil, puwede kang makipag-ugnayan sa aming team ng suporta. Para matulungan kaming mabigyan ka ng mas magandang suporta, maghanda ng screenshot o naka-scan na kopya ng mga pagsingil na pinag-uusapan, tiyakin na i-redact ang anumang pagsingil at impormasyon na hindi nauugnay sa iyong request.