Mga panahong natututo at nagsusuri
Pagkatapos mong gumawa ng pagbabago sa iyong strategy sa pag-bid, puwedeng magkaroon ng kaunting pagbabago-bago sa performance habang ino-optimize ng Google Ads ang mga bid mo. Para isaad ito, posibleng may label na "Natututo" ang status ng iyong strategy sa pag-bid. Puwede kang mag-hover sa status para malaman mo kung bakit "Natututo" ang status ng iyong strategy sa pag-bid. Inirerekomendang maglaan ka ng mga 50 event ng conversion para matapos ang panahong "Natututo” bago ka gumawa ng mga pagbabago sa pag-bid.
Bilang magandang pangkalahatang panuntunan, maghintay ng 50 conversion bago ka gumawa ng mga pagbabago sa iyong campaign.
Maglaan ng hindi bababa sa 24 na oras para masuri at maaprubahan ang mga ad.
Para sa Mga Kabuuang Badyet, siguraduhing i-publish ang campaign sa loob ng 2 business days para mag-scale ang campaign sa tamang oras.
Mga Tagubilin
Hakbang 1 sa 6: Gumawa ng bagong campaign
Puwede kang mag-duplicate, mag-delete, at gumawa ng bagong campaign o ad group mula sa kaliwang menu ng navigation.
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang button na gumawa at piliin ang Campaign sa listahan.
- Idagdag ang pangalan ng campaign.
- Kung gumagamit ka ng mga feed ng produkto para ipakita ang iyong mga produkto sa mga ad mo, mag-click sa toggle na “Magpagana ng campaign ng feed ng produkto.”
Hakbang 2 sa 6: Pumili ng layunin sa pag-advertise
Kapag gumagawa ka ng Demand Gen campaign sa iyong Google Ads account, pipili ka ng isa sa mga layunin sa pag-advertise na ito: Benta, Trapiko ng Website, Pagsasaalang-alang ng Produkto at Brand, o Gumawa ng campaign nang walang gabay ng layunin.
Pagkatapos, pipiliin mo ang iyong mga layunin sa conversion batay sa layunin sa pag-advertise na iyon.
Hakbang 3 sa 6: I-set up ang pag-target sa level ng campaign
Pag-target sa device
Nagbibigay-daan sa iyo ang pag-target sa device na i-target ang mga ad mo sa mga tao batay sa device na ginagamit nila. Matuto pa Tungkol sa pag-target sa device.
Para sa mga Demand Gen campaign, puwedeng itakda ang pag-target sa device sa level ng campaign.
Sa seksyong “Mga Device,” puwede mong piliing ipakita ang iyong mga ad sa lahat ng kwalipikadong device o magtakda ng partikular na pag-target para sa mga device. Makakatulong sa iyong palawakin ang abot mo kung magpapakita ka ng mga ad sa lahat ng device. Kung gusto mong ituon ang iyong abot sa mga partikular na device, mapipili mong i-target ang mga computer, mobile phone, tablet, o TV screen.
Kung pipiliin mo ang mga mobile phone at tablet, sa ilalim ng “Advanced na pag-target para sa mga mobile phone at tablet,” puwede mong piliin ang lahat o puwede kang pumili ng mga partikular na operating system, modelo ng device, at network na ita-target.
Pag-target sa wika at lokasyon
Para makatulong na matiyak na maaabot ng iyong mga ad ang mga customer na gusto mo, puwede mong isama ang mga wikang sinasalita ng iyong mga customer at ang mga lokasyong gusto mong i-target. Matuto pa tungkol sa pag-target sa lokasyon at wika.
Bilang default, itinatakda ang pag-target sa level ng ad group para mas mahusay na ma-optimize ang performance ng iyong mga ad. Nagde-default ang wika sa “Lahat ng wika” at nakatakda ang lokasyon sa “Lahat ng lokasyon.” Inirerekomenda lang na ilipat sa level ng campaign ang pag-target kung kailangan mong mag-target ng radius sa paligid ng isang lokasyon.
Sundin ang mga hakbang sa ibaba para i-enable ang pag-target sa wika at lokasyon sa level ng campaign:
- Mag-navigate papunta sa ibaba ng page at hanapin ang seksyong “Lokasyon at Wika.”
- I-toggle ang switch na "I-enable ang pag-target sa lokasyon at wika sa level ng campaign." Magbibigay-daan ito sa iyong itakda ang lokasyon sa level ng campaign.
- Piliin ang Advanced na paghahanap para buksan ang interface ng mapa. Dito, makakapag-target ka rin ayon sa radius ng napili mong lokasyon.
Hakbang 4 sa 6: I-set up ang pag-bid at badyet
Naiimpluwensyahan ng iyong badyet kung gaano kadalas ipinapakita ang mga ad mo at kung gaano kakitang-kita ang pagkakatampok sa mga ito.
Tinutukoy ng iyong pag-bid ang paraan ng paggastos sa badyet mo. Matuto pa tungkol sa mga badyet ng campaign at pag-bid.
- Pumili ng iyong strategy sa pag-bid. Ang iyong strategy sa pag-bid ay ang paraan ng pag-optimize mo ng mga bid para makamit ang iyong mga layunin sa pag-advertise. Puwede kang pumili sa:
- Piliin ang uri ng badyet ng campaign mo at ilagay ang iyong badyet. Nagpapatupad ng mga minimum na halaga ng badyet para matugunan ang mga requirement ng paghahatid.
- Mga pang-araw-araw na badyet: Puwede kang magtakda ng pang-araw-araw na badyet o ang average na halagang gusto mong gastusin araw-araw.
- Tandaan: Opsyonal ang pagtatakda ng petsa ng pagsisimula at pagtatapos para sa ganitong uri ng badyet.
- Mga kabuuang badyet: Puwede kang magtakda ng kabuuang badyet ng campaign at susubukan ng Demand Gen na gumastos nang pantay-pantay, pero nang hindi lalampas sa kabuuang badyet sa loob ng tagal ng iyong campaign.
- Tandaan: Nire-require ang pagtatakda ng petsa ng pagsisimula at pagtatapos para sa ganitong uri ng badyet. Matuto pa Tungkol sa mga kabuuang badyet ng campaign.
- Mga pang-araw-araw na badyet: Puwede kang magtakda ng pang-araw-araw na badyet o ang average na halagang gusto mong gastusin araw-araw.
Hakbang 5 sa 6: Mga update sa ad group: Abutin ang mga taong naghahanap sa iyong brand o negosyo
Sa pamamagitan ng pag-target ng audience, puwede mong abutin ang mga bago at nauugnay na audience na malamang na mag-convert, mga tao sa isang partikular na lokasyon, mga taong nagsasalita ng isang partikular na wika, mga taong may partikular na interes, at mga taong katulad ng mga customer ng iyong mga produkto o serbisyo. Puwede mo ring tukuyin ang iyong lokasyon at wika sa level ng ad group kung hindi mo pa iyon nagagawa sa level ng campaign.
- Pumili ng kasalukuyang audience sa pamamagitan ng paghahanap ng anumang kasalukuyang custom na segment, iyong mga segment ng data, mga lookalike segment, o pagpili ng mga partikular na interes o detalyadong impormasyon ng demograpiko. Puwede ka ring gumawa ng bagong audience sa audience builder sa level ng ad group.
- Panatilihin o i-deselect ang naka-optimize na pag-target. Inirerekomendang gumamit ka ng naka-optimize na pag-target para sa optimal na performance ng campaign.
- Tandaan: Kapag naka-enable ang naka-optimize na pag-target, magkakabisa rin ang demograpikong pagpapalawak. Ibig sabihin nito, puwedeng mag-target ang naka-optimize na pag-target nang lampas sa mga napili mong demograpikong signal, gaya ng edad, kasarian, kita ng sambahayan, at parental status, para makatulong na makahimok ng pinahusay na performance ng campaign. Susunod pa rin sa mga paghihigpit sa edad ang mga advertiser na may sensitibong content. May opsyon ka ring paghigpitan ang pagpapalawak ng demograpiko sa mga detalye ng edad at kasarian, bagama't puwede nitong malimitahan ang performance ng iyong campaign.
- Magbukod ng mga partikular na audience, gaya ng iyong mga segment ng data o mga lookalike segment, batay sa strategy mo sa audience.
- Pumili ng demograpiko para tumuon lang sa mga partikular na segment ng demograpiko.
Hakbang 6 sa 6: Gawin ang iyong mga ad
Gagawin mo ang iyong mga ad sa level ng ad group. Kaya para gumawa ng bagong ad, piliin ang Bagong ad sa drop-down na menu sa ilalim ng ad group kung para saan mo gustong gawin ang ad.
- Puwede kang pumili sa:
- Mga video ad: Isang ad na may isang video
Para gumawa ng bagong video, gamit ang aming Video Builder sa Tagapili ng Media, sundin ang mga hakbang na ito:
- Habang gumagawa ng ad, i-click ang + Mga Video sa card na “Mga Video.”
- Sa window na “Pumili ng mga video sa YouTube na gagamitin sa iyong ad,” i-click ang button na Gumawa.
- Mula sa maraming iba't ibang available na template, piliin ang pinakaangkop na template at i-click ang Gamitin ang template.
- Gumawa ng mga asset para sa bawat eksena sa iyong video. Ilagay ang gustong text sa text bar at i-click ang Susunod.
- I-click ang +Larawan at pumili ng mga larawan para sa eksena.
- I-crop ang larawan gaya ng kinakailangan at i-click ang Piliin.
- I-click ang I-save.
- Para magdagdag pa ng mga eksena sa video, i-click ang Susunod at ulitin ang hakbang 4-7.
- Mula sa panel na “Mga setting ng video” sa kanang bahagi, i-adjust ang mga setting gaya ng kinakailangan. Matuto pa tungkol sa Pag-adjust sa Mga setting ng video.
- I-click ang Magpatuloy sa pag-upload.
- Ilagay ang pangalan ng video sa text bar na “Pangalan ng video.”
- Piliin kung saang channel mo gustong i-upload ang iyong video:
- Iyong channel sa pag-store ng video ad, na ginawa ng YouTube
- Sarili mong channel
- I-click ang Mag-preview ng video na may mataas na kalidad mula sa kahon ng anunsyo para i-preview ang bersyon ng iyong video na may mataas na kalidad.
- I-click ang Mag-upload ng video.
- Mula sa “Library ng asset,” piliin ang video at i-click ang I-save.
- Magpatuloy sa paggawa ng iyong ad.
Pag-adjust sa Mga setting ng video
I-click ang button na < para i-expand ang panel na “Mga setting ng video.” I-adjust ang mga setting para pinakamahusay na umangkop sa mga kinakailangan ng iyong video.
- Mga Kulay: Piliin ang kulay na gusto mong ipakita sa background ng video.
- Font: Piliin ang pamilya ng font at weight ng font para sa iyong text sa eksena.
- Musika: Pumili sa listahan ng available na musika na ipe-play sa background ng iyong video.
- Voice over: I-adjust ang setting ng mga voice-over-message para gumawa ng voice over para sa iyong video. Matuto pa tungkol sa pagdaragdag ng voice-over sa iyong video.
- Mga image ad: Isang ad na may isang larawan
- Mga carousel ad: Isang ad na may maraming larawan sa isang carousel
- Maglagay ng pangalan ng ad.
- Pumili o magdagdag ng mga asset ng media. Matuto pa tungkol sa Mga detalye ng asset ng ad ng Demand Gen campaign.
- Magdagdag ng hanggang 5 logo.
- Isama ang iyong mga asset na text. Matuto pa tungkol sa Mga detalye ng asset ng ad ng Demand Gen campaign.
- Gamitin ang mga panuntunan sa Kalidad ng Ad para i-set up ang iyong ad para sa tagumpay.