Gumamit ng mga Lookalike segment para palakihin ang iyong audience

Ang mga Lookalike segment ay mga grupo ng mga tao na may mga katangiang kapareho ng sa iba pang nasa kasalukuyang listahan ng “seed.” Ibibigay mo ang listahan ng seed gamit ang iyong data mula sa first party, kabilang ang isang listahan ng customer match o listahan ng mga taong nakipag-ugnayan sa iyong website at app, o channel sa YouTube. Pagkatapos, gagamitin namin ang impormasyong ito para maghanap ng ibang potensyal na customer na may mga katulad na katangian.

Makakatulong sa iyo ang artikulong ito na maunawaan kung paano gumagana ang mga Lookalike segment at kung paano mo magagamit ang mga ito para matulungan kang makakonekta sa mga potensyal na bagong customer at palakihin ang iyong audience.

Tandaan: Available lang ang mga Lookalike segment para sa mga Demand Gen campaign.

Sa page na ito


Mga Benepisyo

  • Ipakita ang iyong mga ad sa mga taong may mga katulad na attribute kung ihahambing sa mga dati mo nang customer: Nagbibigay-daan sa iyo ang mga Lookalike segment na makipag-interact sa mga potensyal na bagong customer na posibleng napakahalaga sa pagpapalago ng negosyo mo.
  • Mas mahusay na kontrol: Puwede kang pumili sa 3 opsyon (limitado, balanse, o malawak) para maabot ang pinakamainam na balanse sa pagitan ng abot at pagkakatulad.
  • Mas malinaw na diskarte: Puwede kang gumawa ng mga Lookalike segment batay sa mga partikular na interaction na ginawa ng mga tao sa iyong negosyo, tulad ng panonood ng video o pagbisita sa isang partikular na page sa iyong website.
  • Up-to-date na impormasyon: Tuloy-tuloy na ire-refresh ang Lookalike segment batay sa na-update na aktibidad para magkaroon ka ng pinaka-up to date na listahan ng mga target na customer sa iyong dati nang campaign at campaign sa hinaharap.

Paano gumagana ang mga Lookalike segment

Binubuo ang mga Lookalike segment mula sa iyong data ng customer mula sa first party, na kinabibilangan ng:

Pagkatapos, puwede mo nang gamitin ang data na ito para abutin ang mga bagong customer. Halimbawa, puwede kang mag-upload ng mga listahan ng mga customer na bumili ng mga partikular na produkto o gumamit ng mga partikular na serbisyo, at pagkatapos ay gumawa ng Lookalike segment para abutin ang mga potensyal na bagong customer na pinakakatulad ng mga dati nang customer na iyon.

Makakatanggap ka ng alerto sa Google Ads kung hindi nakakatugon ang data mo sa mga kinakailangan (pumunta sa seksyong “Mga Kinakailangan” sa ibaba) para i-refresh ang iyong segment.

Sitwasyon A

Kung isa kang advertiser na naghahanap ng mas maraming taong mahilig sa mga strategy-based na laro, kakailanganin mong mag-upload ng listahan ng seed ng kasalukuyan mong customer base. Makakatulong sa iyo ang mga Lookalike segment na maghanap ng iba pang strategy-based na gamer na tumutugma sa mga attribute sa iyong seed audience.

Abot

Iniaalok ng mga Lookalike segment ang mga sumusunod na opsyon sa abot:

  • Limitado: Nilalayon naming i-populate ang mga limitadong Lookalike segment ng 2.5% ng mga user sa target na lokasyon ng iyong ad, na magreresulta sa mga user na pinakakatulad ng listahan ng seed mo.
  • Balanse (default na opsyon): Nilalayon naming i-populate ang mga balanseng Lookalike segment ng 5% ng mga user sa target na lokasyon ng iyong ad. Gumagawa ang opsyong ito ng balanse sa pagitan ng abot at pagkakatulad.
  • Malawak: Nilalayon naming i-populate ang mga malawak na Lookalike segment ng 10% ng mga user sa target na lokasyon ng iyong ad. Bagama't nagreresulta ang opsyong ito sa pinakamalawak na abot, posible rin itong magsama ng mga user na walang masyadong pagkakatulad kumpara sa mga nasa limitado o balanseng Lookalike segment.

Sitwasyon B

Makakapagpasya ka kung gaano dapat ka-targeted ang iyong Lookalike segment. Depende sa uri ng mga conversion na pinakamahalaga para sa iyo, puwede ka ring mag-upload ng listahan ng seed na naglalaman lang ng data sa mga strategy player na pinakamahalaga para sa negosyo mo. Para sa iyo, puwedeng mga gamer iyon na aktibong bumibili ng higit pang feature, o mga gamer na may malaking stream base.


Mga Requirement

Awtomatikong mare-refresh ang iyong Lookalike segment bawat 1-2 araw batay sa iyong available na data ng customer. Kung hindi natugunan ang requirement sa ibaba, hindi magagamit ang Lookalike segment mo:

  • Lampas dapat sa 100 aktibong tumugmang tao ang kabuuan ng lahat ng isinumite mong listahan ng seed.

Puwedeng abutin nang hanggang 3 araw bago makita sa mga Lookalike segment ang pumalyang requirement sa listahan ng seed at bago ito huminto sa pag-target ng mga potensyal na customer. Puwede mong tingnan ang status ng iyong Lookalike segment kung ito ba ay napo-populate, kumpleto, hindi aktibo, o pumalya.


Paano gumawa ng mga Lookalike segment

Puwedeng gawin ang mga Lookalike segment mula sa hanggang 10 kasalukuyang listahan ng audience. Sundin ang mga hakbang sa ibaba para gumawa ng Lookalike segment sa iyong bagong campaign.

Tandaan: Makakagawa ka lang ng mga Lookalike segment sa seksyon ng audience ng page ng mga setting ng ad group. Tiyaking natutugunan ng iyong Lookalike segment ang mga pangangailangan ng campaign mo at natutugunan ng iyong mga setting at pagpapangalan ang mga partikular mong kagustuhan.

Gumawa ng Lookalike segment sa iyong bagong campaign

Sundin ang mga hakbang sa ibaba para gumawa ng Lookalike segment sa iyong campaign:

  1. Gumawa ng Demand Gen campaign sa pamamagitan ng pagsunod sa mga karaniwang hakbang.
  2. Magdagdag ng audience sa level ng ad group.
  3. I-click ang Bagong Audience sa dialogue box ng Audience.
  4. Mag-click sa box para sa paghahanap na “Magdagdag o gumawa ng Lookalike segment” at sa dialog box na “Lookalike Segment.”
  5. I-click ang Bagong Segment.
  6. Magdagdag ng pangalan ng Lookalike segment sa dialog box na “Pangalan ng segment.”
  7. Pumili sa o mag-upload ng kahit isang listahan ng seed sa dialog box na “Listahan ng seed.” Puwede kang magdagdag ng hanggang 10 listahan ng seed.
  8. Ilagay at piliin ang mga bansa o rehiyon na gusto mong i-target ng iyong Lookalike segment sa dialog box na “Mga Lokasyon.”
  9. Pumili sa “Limitado,” “Balanse,” o “Malawak” gamit ang slider sa dialog box na “Lookalike segment.”
  10. I-click ang I-save.
Tandaan: Dahil binubuo ang mga Lookalike segment sa pamamagitan ng pagtutugma-tugma ng iyong data mula sa first party, kasama ang data ng customer at website at app sa buong Google, matatagalan bago makakolekta ng sapat na data para maunawaan kung sino ang dapat nasa mga Lookalike segment mo. Pagkatapos gawin ang iyong bagong campaign, puwedeng matagalan bago mo epektibong magamit ang iyong Lookalike segment. Bilang pinakamahusay na kagawian, inirerekomenda naming gawin ang iyong campaign at Lookalike segment nang mas maaga nang 2-3 araw para makatulong na matiyak na nakahanda ito kapag gusto mong magsimulang maghatid ng mga ad.

Dapat gawin ang mga Lookalike segment habang gumagawa ka ng Demand Gen campaign. Puwedeng tingnan ang mga ito sa Manager ng Audience, pero hindi puwedeng i-delete o i-edit ang mga ito sa Manager ng Audience.

Kung gusto mong gumamit ng segment na may Lookalike segment sa maraming uri ng Google campaign, lalabas ang audience bilang "Kwalipikado - Limitado" para sa iba pang uri ng campaign. Ito ay dahil hindi magagamit ang mga Lookalike segment sa labas ng mga Demand Gen campaign. Walang mangyayaring pagbabago sa natitirang bahagi ng iyong segment ng audience at magagamit ang mga ito sa iba pang uri ng Google campaign.

Magdagdag ng Lookalike segment sa iyong bagong campaign

Sundin ang mga hakbang sa ibaba para magdagdag ng Lookalike segment sa iyong campaign:

  1. Gumawa ng Demand Gen campaign o pumili ng kasalukuyang Demand Gen campaign.
  2. Magdagdag ng audience sa level ng ad group.
  3. I-click ang Bagong Audience sa dialogue box ng Audience.
  4. Puwede mong piliing isama o ibukod ang mga Lookalike segment na ginawa mo dati.
  5. Para gamitin ang segment bilang pagsasama:
    1. Mag-click sa box para sa paghahanap na “Magdagdag o gumawa ng Lookalike segment” at sa dialog box na “Lookalike Segment.”
    2. Hanapin at piliin ang iyong dati nang segment.
    3. I-click ang I-save.
  6. Para gamitin ang segment bilang pagbubukod:
    1. Mag-click sa box para sa paghahanap ng Mga Pagbubukod.
    2. Hanapin at piliin ang iyong dati nang segment.
    3. I-click ang I-save.

Tingnan ang status ng iyong mga Lookalike segment

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon Tools Icon.
  2. I-click ang drop down na Nakabahaging library sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Manager ng audience.
  4. Mag-navigate papunta sa tab na “Iyong mga segment ng data.”
  5. Makikita mo ang status ng iyong segment sa talahanayan: nagpo-populate, kumpleto, masyadong maliit ang listahan ng seed, at hindi aktibo.

Pag-uulat

Dahil ang mga Lookalike ay isang uri ng segment, gagana ang pag-uulat tulad ng sa iba pang segment. Makukuha mo ang lahat ng karaniwang feature ng pag-uulat ng segment, kaya malalaman mo ang performance ng bawat Lookalike segment at dahil doon, mas mapapagtuunan mo ang mga may pinakamagandang performance.

Maa-access mo ang iyong mga ulat sa Lookalike segment mula sa menu ng Mga Campaign o mula sa menu ng Mga Audience sa Google Ads. Sundin ang mga hakbang sa ibaba para i-access ang iyong mga ulat sa Lookalike segment mula sa gusto mong opsyon sa menu:

I-access ang iyong mga Lookalike segment mula sa menu ng Mga Campaign

Sundin ang mga hakbang sa ibaba para i-access ang iyong mga ulat sa Lookalike segment mula sa menu ng Mga Campaign:

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop-down na Mga Campaign, pagkatapos ay i-click ang Mga Campaign.
  3. I-click ang Mga Ulat sa menu sa itaas.
  4. Mag-hover sa Basic sa submenu.
  5. I-click ang Segment ng audience sa submenu.

I-access ang iyong mga Lookalike segment mula sa menu ng Mga Audience

Sundin ang mga hakbang sa ibaba para i-access ang iyong mga ulat sa Lookalike segment mula sa menu ng Mga Audience:

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang Mga audience, mga keyword, at content.
  3. I-click ang Mga Audience.
  4. Sa card na “Segment ng audience” sa itaas ng page, i-click ang drop-down na arrow na Ipakita ang talahanayan Drop-down na arrow.

Mga Insight

Mauunawaan mo ang iyong mga Lookalike segment ng audience at makikilala mo ang mga pangunahing pattern at pagkakataon. Puwede mong tingnan ang mga insight ng iyong mga Lookalike segment sa Manager ng audience ng Google Ads account mo sa ilalim ng “Iyong mga segment ng data” at sa pamamagitan ng pagpili sa Lookalike segment.

Makakakita ka rito ng breakdown ng mga segment ayon sa mga kategorya ng affinity, in-market na kategorya, edad, kasarian, geography, mga device, at higit pa. Makakatulong sa iyo ang mga insight na ito na maunawaan ang performance ng mga campaign mo at magpasya tungkol dito.


Pinakamahuhusay na kagawian

Gumawa ng Lookalike segment sa pamamagitan ng pagtanda sa mga sumusunod para ma-maximize ang iyong abot sa mga bago, may napakalapit na kaugnayan, at kwalipikadong user:

  • Gumamit ng mga listahan ng seed na may mataas na intent: Siguraduhin na ang mga Lookalike segment mo ay may mga user na pinakakatulad o malapit na tumutugma sa iyong mga kamakailang nag-convert. Isama ang mga madalas bumili o ang mga napalapit sa conversion. Ang mahalaga ay isama ang mga pinakakaugnay na customer para sa layuning naiisip mo.
  • Magdagdag ng mga external na nag-convert: Isama sa iyong listahan ng seed ang mga user na nakipag-ugnayan sa brand mo o sa mga external na media channel. Idagdag ang mga listahan ng seed ng nag-convert na ito sa parehong segment kung nasaan ang iyong mga kamakailang nag-convert para ma-maximize ang iyong abot.
  • Pagsamahin ang mga Lookalike at custom na segment: Idagdag ang iyong Lookalike segment sa ad group kung nasaan ang isang custom na segment na may mataas na intent, na nagta-target ng mga user na naghanap sa brand o kategorya mo kamakailan. Gumamit ng 10-15 sa mga nangungunang nagko-convert na termino para sa paghahanap para i-curate ang custom na segment mo.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4315920928251545806
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false