Nagbibigay-daan sa iyo ang Audience builder na gumawa ng mga nagagamit ulit na audience sa madali at epektibong paraan nang may nakatuong mga segment, pag-target ayon sa demograpiko, at mga pagbubukod.
Puwede kang gumawa ng mga segment ng audience batay sa data ng customer na ikaw mismo ang kumolekta, o mula sa iba pang surface ng Google para pahusayin ang pagiging epektibo ng iyong pag-target at performance ng campaign.
Puwede mong gamitin ang Audience builder at direktang gumawa ng segment ng data gamit ang data mula sa first-party kapag ginagawa ang iyong campaign.
Sa page na ito
- Bago ka magsimula
- Gumawa ng bagong audience at bagong segment
- Pumili ng dati nang Audience
- Mga audience na “Ginawa para sa iyo”
- Mga FAQ
Bago ka magsimula
Sundin ang mga hakbang para Gumawa ng Performance Max campaign, Gumawa ng Demand Gen campaign, o Gumawa ng Video Action campaign.
Kapag nakarating ka na sa “Pag-target” na segment ng campaign, i-click ang Gumamit ng naka-save na audience at piliin ang + Bagong audience.
Gumawa ng bagong audience at bagong segment
Sa Audience builder, makakahanap ka, makaka-browse, at makakapili ng mga grupo, segment, at pagbubukod ng demograpiko. Sundin ang mga hakbang sa ibaba para kumpletuhin ang paggawa ng audience.
Hakbang 1 sa 2: Gumawa ng bagong audience
- Bigyan ng pangalan ang iyong audience, na magiging pangalan nito sa Library ng audience mo para sa lahat ng paggamit sa hinaharap.
- Piliin ang mga grupo ng demograpiko na gusto mong i-target sa pamamagitan ng pag-click sa mga checkbox
para sa bawat grupo. Ipinapakita bilang default ang edad at kasarian, pero puwede kang pumili ng mga grupo batay sa kita ng sambahayan o parental status sa pamamagitan ng pag-click sa Mga karagdagang demograpiko.
- Para sa edad, pumili ng isang sakop na edad gaano man kalawak ang gusto mo, pero hindi ka puwedeng pumili ng mahigit sa isang sakop na edad para sa bawat Audience.
- Pumili ng mga naaangkop na segment ng audience sa mga module na “Iyong data,” “Mga custom na interes,” at “Mga custom na termino para sa paghahanap.”
- I-click ang Maghanap o Mag-browse para magdagdag ng mga segment. Lalabas ang mga iminumungkahing segment sa itaas ng listahan.
- I-click ang I-save ang segment kapag pinili mo ang mga segment na gagamitin mo.
Hakbang 2 sa 2: Gumawa ng bagong segment
Puwede mo na ngayong piliing gumawa ng bagong custom na interes, bagong segment ng mga custom na termino para sa paghahanap, o bagong “Ang iyong segment ng data” gamit ang data ng first-party.
Gumawa ng segment ng mga custom na termino para sa paghahanap
- I-click ang
Higit pang setting.
- I-click ang icon na lapis
sa seksyong “Mga custom na termino para sa paghahanap.”
- Mag-click sa search bar ng module na “Mga custom na termino para sa paghahanap.”
- Sa kanang sulok sa itaas ng drop-down, i-click ang +Bagong mga custom na termino para sa paghahanap.
- Pangalanan ang iyong segment ng custom na termino para sa paghahanap. Nakakatulong ito na matukoy ang segment habang ginagamit ito sa hinaharap.
- Magdagdag ng mga termino para sa paghahanap sa card na “Termino para sa paghahanap.”
- I-click ang I-save.
Gumawa ng bagong custom na interes
- Mag-click sa search bar ng module na “Mga interes at detalyadong demograpiko.”
- Sa kanang sulok sa itaas ng drop-down, i-click ang +Bagong mga custom na interes.
- Pangalanan ang iyong custom na interes.
- Maglagay ng mga keyword na naglalarawan sa mga interes o layunin sa pagbili ng gusto mong customer sa card na “Mga interes o layunin sa pagbili.”
- Kung gumagamit ka ng audience sa napili mong manual na pag-target (puwedeng gumamit ng manual na pag-target ang lahat ng campaign maliban sa Performance Max), maaabot ng campaign mo ang mga taong may ganoong mga interes o layunin sa pagbili batay sa mga setting ng iyong campaign, tulad ng layunin sa pag-advertise o strategy sa pag-bid. Kung ginagamit mo ang iyong audience bilang signal bilang bahagi ng naka-optimize na pag-target (gumagamit lang ng naka-optimize na pag-target ang mga Performance Max campaign), ipapaalam ng mga pinili mong audience kung sino ang makakakita sa iyong mga ad, pero sa huli, tutuon ang campaign mo sa pag-optimize para sa iyong mga layunin at puwede itong magpakita ng mga ad sa mga taong wala sa mga pinili mong audience.
- I-click ang I-save.
Gumawa ng bagong segment ng data gamit ang data mula sa first-party
- Sa seksyong “Iyong data,” i-click ang + Bagong Segment.
- Piliin ang iyong segment mula sa mga available na uri ng segment.
- Magdagdag ng pangalan ng segment.
- I-click ang Magpatuloy at sundin ang mga hakbang sa screen para gumawa ng bagong segment.
- I-click ang I-save.
Pumili ng dati nang Audience
Kapag gumagawa ng campaign, kakailanganin mong pumili ng audience. Narito ang mga hakbang sa kung paano pumili ng dati nang audience.
- Kung na-click mo ang Gumamit ng naka-save na audience, lalabas ang selector ng Mga Audience nang may mga suhestyong audience na tumutugma sa layunin sa pag-advertise na itinakda mo para sa bagong campaign. Suriin ang mga card ng buod ng audience kung saan nakalagay ang mga partikular na segment at pagbubukod ng audience na iyon. (Puwede mo ring tingnan ang iba mo pang kasalukuyang audience na hindi inirerekomenda batay sa iyong layunin sa pag-advertise sa pamamagitan ng pag-click sa link na Hindi inirerekomenda ang audience).
- Kung tama para sa iyong campaign ang isang kasalukuyang audience sa talahanayan, piliin ito sa pamamagitan ng pag-click rito. Kung mas gusto mong gumawa ng bagong audience para sa campaign, i-click ang + Bagong Audience sa kanang bahagi sa itaas. Matuto pa tungkol sa Audience builder sa “Mga hakbang sa paggawa ng bagong audience” sa itaas.
- Lalabas ang napili mong audience sa ilalim ng “Gumawa ng ad group.” Mula roon, puwede mong iwanan ang audience nang walang pagbabago, i-edit ito sa pamamagitan ng pag-click sa icon na lapis
, alisin ito sa pamamagitan ng pag-click sa icon na X
sa kanang bahagi sa itaas, o baguhin ito sa pamamagitan ng pag-click sa Baguhin ang audience, na magbabalik sa iyo sa selector ng Audience.
- Kung ie-edit mo ang iyong audience, gagawin mo iyon sa “Audience builder.” Gamitin ang Audience builder para i-update ang pag-target ayon sa demograpiko, mga segment, at mga pagbubukod sa pamamagitan ng pag-click sa Magdagdag o opsyong gumawa sa allinman sa mga naaangkop na module. Matuto pa tungkol sa Audience builder sa “Mga hakbang sa paggawa ng bagong audience” sa itaas.
- (Inirerekomenda) Piliin ang checkbox na I-enable ang pagpapalawak ng audience para magbukas ng karagdagang imbentaryo kung kaya pa ito ng badyet mo.
Tip: Kapag nag-edit ka ng audience habang ginagawa ang iyong ad group at campaign, mae-edit ang audience na iyon para sa lahat ng ad group at campaign kung saan ito naka-attach. Kung gusto mong mailapat lang sa isang campaign o ad group ang mga ie-edit mo sa iyong Audience, i-save ang mga pag-edit na may bagong pangalan para sa Audience na iyon.
Mga “Ginawa para sa iyo” na audience
Ang mga “Ginawa para sa iyo” na audience ay isang bagong feature na nagrerekomenda ng mga audience batay sa mga layunin mo sa pag-advertise. Nagsasama ang mga ito ng mga interes, kagawian, at dating interaction ng mga customer sa iyong negosyo at makakatulong ang mga ito na maabot mo ang tamang audience gamit ang iyong mga Performance Max at Demand Gen campaign.
Posibleng makatulong ang mga “Ginawa para sa iyo” na audience na mapahusay ang performance ng iyong campaign. Kasama sa mga audience na ito ang mga dating ginamit na segment ng audience na pinili batay sa iba't ibang salik, kabilang ang history ng conversion ng mga user, data ng performance, at landing page, na may bahagi sa mga suhestyon sa audience.
Puwedeng i-save, i-edit, at gamitin ulit nang maraming beses sa iba pang campaign at grupo ng ad o asset ang mga audience na “Ginawa para sa iyo.”
Mga Tagubilin
Awtomatikong lalabas ang mga audience na “Ginawa para sa iyo” sa iyong Library ng audience kapag pinili mong magdagdag ng audience o signal ng audience tulad ng sumusunod:
-
Sa iyong Google Ads account, i-click ang Mga Campaign sa menu ng page sa kaliwa.
- I-click ang plus button
, pagkatapos ay piliin ang Bagong campaign.
- Pumili ng layunin sa marketing na Mga Benta, Mga Lead, Trapiko sa website, o Walang layunin.
- Piliin ang mga Performance Max campaign o Demand Gen campaign.
- Sa page na “Audience [Signal],” i-click ang Magdagdag ng audience [signal].
- Sa pop-up window, magkakaroon ang mga audience na “Ginawa para sa iyo” ng pamagat kapag nag-hover na nagsisimula sa Ginawa para sa iyong [layunin sa pag-advertise].
- I-click ang icon na lapis
kung gusto mong i-edit ang iminumungkahing audience ayon sa mga pangangailangan mo o piliin ang audience nang walang binabago.
- I-click ang icon na lapis
- Awtomatikong sine-save ang “Ginawa para sa iyo” na audience sa iyong Library ng audience kapag pinili o na-edit at na-save, at puwedeng ilapat ang mga ito sa iba pang grupo ng ad o asset at campaign.
- Tandaan: Kung mag-e-edit at magse-save ka ng mga pagbabago sa iyong “Ginawa para sa iyo” na audience, mawawala ang text na “Ginawa para sa iyo.”
Mga FAQ
Puwede ba akong magdagdag ng mga pagbubukod para sa lahat ng segment ng audience?
Hindi, puwede ka lang ngayong magdagdag ng mga pagbubukod para sa iyong mga segment ng data.
Paano naiiba ang manual na pag-target ng audience sa naka-optimize na pag-target?
Kapag binuo mo ang iyong mga audience at itinakda ang campaign mo para sa manual na pag-target, magpapakita ang iyong campaign ng mga ad na aabot sa mga taong tinukoy mo. Kung gumagamit ka ng naka-optimize na pag-target para sa iyong campaign, puwede mo pa ring buuin ang iyong mga audience ayon sa mga detalye mo, pero puwedeng abutin ng iyong mga ad ang mga taong hindi kasama sa mga napili mong audience dahil nag-o-optimize ang iyong campaign para sa mga layunin ng conversion.
Sa anumang campaign na naka-optimize ang pag-target, ang mga napili mong audience ay magiging mga signal na tutulong sa Google AI na mag-optimize kaagad para sa performance ng campaign. Kung may mga taong malamang na mag-convert batay sa iyong mga layunin sa conversion, puwedeng maihatid sa kanila ang mga ad mo, kahit na hindi sila tinukoy sa mga napili mong audience.
Gaano karaming audience ang mata-target ko sa isang ad group (Demand Gen) o grupo ng asset (Performance Max)?
Para tulungan kang i-optimize ang performance ng campaign gamit ang pinakatina-target na diskarte sa paghahatid ng mga ad, puwede lang magsama ang bawat campaign at ad group (Demand Gen) o grupo ng asset (Performance Max) ng isang audience sa bawat pagkakataon. Puwedeng magsama ang isang napiling audience ng ilang segment ng audience). Puwede mong baguhin o i-edit ang audience anumang oras. Tingnan ang mga hakbang sa itaas para i-edit ang iyong audience.