Tungkol sa mga kundisyonal na limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos na inilalapat sa mga Google Ads account

Tinutukoy ng kundisyonal na limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos ang halagang puwedeng gastusin ng iyong Google Ads account bawat araw sa lahat ng campaign ng ad.

Ano ang puwede mong asahan?

Kapag may inilapat na kundisyunal na limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos sa iyong account, makakatanggap ka ng mga notification sa account at email tungkol sa bagong limitasyon. Ang limitasyon sa paggastos ang ilalapat kaysa sa anumang badyet ng campaign na itinakda mo.

Bagama't hindi naaapektuhan ng mga limitasyon sa paggastos ang performance ng iyong mga campaign ng ad, hihinto sa paghahatid ang iyong mga ad kapag naabot mo ang iyong kundisyonal na limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos. Habang may bisa ang limitasyon sa paggastos, mananatiling aktibo ang iyong mga campaign ng ad at awtomatikong babalik sa paghahatid sa susunod na araw.

Bakit kami naglalapat ng kundisyonal na limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos sa mga account? 

Gusto naming magbigay ng ligtas at mapapagkatiwalaang ecosystem ng Ads para sa aming mga user at advertiser. Sa ilang partikular na sitwasyon, kapag naghihinala ang aming mga system na may kakaibang aktibidad sa iyong account, awtomatiko kaming maglalapat ng kundisyonal na limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos sa account. Sa mga sitwasyong ito, aatasan ka naming magbigay ng higit pang impormasyon tungkol sa iyong account bago mo madagdagan ang iyong paggastos.  

Sa ilang sitwasyon, puwede kaming maglapat ng limitasyon sa paggastos sa iyong Google Ads account sa loob ng maikling panahon para mabigyang-daan kaming magsagawa ng pagsisiyasat kung may matukoy kaming gawi ng advertiser na may potensyal na magdulot ng panganib sa aming mga user, sa Google, o sa aming mga partner. Kapag natukoy na naming ligtas ang account, aalisin ang inilapat na limitasyon sa paggastos. Matuto pa tungkol sa pansamantalang pag-pause para sa pagsisiyasat ng account.

Ano ang magagawa mo para alisin ang limitasyon sa paggastos?

Puwedeng maalis ang limitasyon sa paggastos sa pamamagitan ng:

  1. Pagkumpleto sa Pag-verify ng advertiser kung na-prompt kang gawin ito. Sundin ang link sa notification sa account mo para magsimula.
  2. Paghahatid ng mga ad na sumusunod sa aming mga patakaran sa Google Ads sa panahon ng pagsisiyasat. 

Para tapusin ang pag-verify, kakailanganin mong:

  1. Sagutan ang ilang simpleng tanong kaugnay ng iyong Google Ads account at negosyo
  2. I-verify ang iyong pagkakakilanlan

Baka kailanganin mo ring magbigay ng dokumentasyon na susuriin sa loob ng 5 hanggang 7 business days. Kapag matagumpay mo nang natapos ang Pag-verify ng advertiser, posibleng alisin ang kundisyunal na limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos sa iyong account sa loob ng 1 business day. Maa-update ka sa pamamagitan ng notification sa account. Matuto pa tungkol sa kung paano kumpletuhin ang pag-verify ng pagkakakilanlan

Kung na-prompt kang tapusin ang Pag-verify ng advertiser, pakitandaang walang deadline sa pagkumpleto ng pag-verify para alisin ang kundisyunal na limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos. Hindi kailangang sumunod ng iyong account sa 30 araw na mga yugto ng panahon na inilarawan sa page para sa pag-verify ng advertiser.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3953800917076532523
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false