[GA4 Migration] Lumipat sa mga conversion ng Google Analytics 4 nang manual

Pinalitan na ng Google Analytics 4 (GA4) ang Universal Analytics (UA). Simula noong Hulyo 1, 2023, huminto na sa pagpoproseso ng data ang mga karaniwang property sa Universal Analytics. (Ang mga property sa 360 Universal Analytics na may kasalukuyang order ay makakatanggap ng isang beses na extension sa pagpoproseso na magtatapos sa Hulyo 1, 2024.) Napakahalagang i-migrate mo sa Google Analytics 4 ang iyong property sa Universal Analytics. Alamin kung paano Lumipat sa Google Analytics 4.

Pinalitan ng Google Analytics 4 ang Universal Analytics. Noong Hulyo 1, 2023, huminto na sa pagpoproseso ng data ang lahat ng karaniwang property sa Universal Analytics. Ang mga 360 na property sa Universal Analytics na may kasalukuyang order ay makakatanggap ng one-time na extension sa pagpoproseso na magtatapos sa Hulyo 1, 2024. Kung kasalukuyan kang nagbi-bid sa mga conversion ng Universal Analytics na na-import sa Google Ads, mahalagang mag-migrate ka sa Google Analytics 4 para:

  • Patuloy na itala ang iyong mga event ng conversion at gamitin ang mga iyon sa Google Ads para sa pag-optimize ng bid
  • Maging pamilyar sa mga pagbabago sa Google Ads
  • Bigyang-daan ang mas tumpak na pag-uulat ng pagkilos na conversion

Magrerekomenda ang Google Ads ng mga bagong setting ng pag-optimize ng pagkilos para matulungan kang bigyang-priyoridad ang mga pagkilos na conversion mula sa Google Analytics 4. Sa artikulong ito, malalaman mo kung paano ilipat ang pag-optimize ng iyong pag-bid ng conversion sa Google Analytics 4 at kung paano gumagana ang mga rekomendasyon. Alamin kung paano Lumipat sa Google Analytics 4.

Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting Larawan ng icon ng mga setting ng YouTube sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.


Paano ito gumagana

Puwede kang gumawa ng mga update sa page ng buod ng conversion, o awtomatikong magbibigay ang Google Ads ng mga rekomendasyon para mag-update sa mga bagong setting sa pag-optimize ng pagkilos na conversion. Makikita mo ang rekomendasyong ito (o hihilingan kang mag-update sa mga bagong setting sa pag-optimize ng pagkilos na conversion) kung:

  • Ii-import mo sa iyong Google Ads account ang parehong conversion mula sa mga conversion ng Universal Analytics at Google Analytics 4. Kasama rito ang lahat ng column na “Mga Conversion (ayon sa oras ng conv.)” at “Halaga ng mga conversion (ayon sa oras ng conv.).”
  • Nag-import ka ng mga conversion sa Google Analytics 4 sa loob ng 15 araw.

Para ilipat ang iyong mga nabi-bid na conversion sa Google Analytics 4, gawin ang mga sumusunod na update sa mga setting mo sa pag-optimize ng pagkilos (batay sa iyong mga kasalukuyang pagkilos na conversion):

  • Ilapat ang mga bagong rekomendasyon sa pag-optimize ng pagkilos na conversion na ibinigay sa Google Ads. Kapag nagawa mo na ito, wala nang kailangan pang gawin.
  • Manual na i-swap ang mga setting ng pag-optimize ng pagkilos sa iyong mga kasalukuyang pagkilos sa Universal Analytics at Google Analytics 4.
Tandaan: Inirerekomendang itakda mo sa “secondary” ang setting ng "pag-optimize ng pagkilos" para sa lahat ng pagkilos na conversion sa Universal Analytics at sa “pangunahin” ang lahat ng pagkilos sa Google Analytics 4.

Mga inaasahang pagbabago sa dating data batay sa mga bagong setting sa pag-optimize ng pagkilos

Pagkatapos mong lumipat sa Google Analytics 4, puwede kang makaranas ng mga pansamantalang pagbabago sa performance habang natututo ang Google Ads. Ito ay kadalasang 1-2 cycle ng conversion, na tumutukoy sa haba ng panahon bago magresulta sa conversion ang isang pag-click. Kung nag-i-import ka ng mga conversion sa Google Ads, isasama rin ng mga cycle ng conversion ang oras bago maiulat sa iyong account ang mga conversion. Para maiwasan ang panganib na mabilang nang doble ang mga conversion, siguraduhing itinakda mo ang iyong setting ng pag-optimize ng pagkilos bilang “Secondary” para sa anumang conversion na na-import mula sa Universal Analytics.

Bago mo i-save ang iyong mga bagong setting ng pag-optimize ng pagkilos, masusuri mo ang mga inaasahang pagbabago sa iyong mga sukatan ng conversion. Nagbibigay ang Google Ads ng porsyento ng “Mga Conversion” at porsyento ng “Pagkilos na conversion” para tulungan kang maunawaan posibleng epekto ng paglipat mo sa Google Analytics 4. Nakabatay ang mga numerong ito hindi lang sa iyong mga setting ng “pangunahin” at “secondary,” kundi pati na rin sa impormasyong nakolekta mula sa 15 araw na yugto ng panahon. Matuto pa tungkol sa Pagkalkula sa pag-optimize ng pagkilos na conversion.


Bago ka magsimula

Bago mo mailipat ang iyong mga pagkilos na conversion sa mga bagong inirerekomendang setting sa pag-optimize ng pagkilos, kumpletuhin ang mga sumusunod na gawain:

Sundin ang mga tagubilin sa ibaba para i-import sa iyong Google Ads account ang mga conversion mo sa Google Analytics 4.

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
Mag-import ng mga conversion sa Analytics
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Layunin Goals Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Conversion sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Buod.
  4. I-click ang + Bagong pagkilos na conversion.
  5. Sa ilalim ng “Magsimulang sumubaybay ng mga conversion,” i-click ang I-import.
  6. Piliin ang “Mga property sa Google Analytics 4” sa seksyong “Piliin ang gusto mong i-import.”
  7. Piliin ang “App (Firebase)” o “Web” mula sa mga dropdown na opsyon.
  8. I-click ang Magpatuloy.
  9. Piliin ang bawat event ng conversion na gusto mong i-import, pagkatapos ay i-click ang I-import at magpatuloy.
  10. I-click ang Tapos na.

Matuto pa tungkol sa kung paano I-import sa Google Ads ang mga conversion sa Analytics.


Mga Tagubilin

May lalabas na rekomendasyong lumipat sa mga conversion sa Google Analytics 4 sa itaas ng iyong page na “Buod ng mga conversion” o sa page na "Mga Rekomendasyon." Sundin ang mga hakbang sa ibaba para matiyak na mayroon kang sapat na dating data.

Mula sa page na "Buod ng mga conversion"
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Layunin Goals Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Conversion sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Buod.
  4. Mag-navigate papunta sa seksyong “Gumawa ng mga pagkilos para pahusayin ang iyong pagsukat ng conversion.”
  5. Sa notification na “Lumipat sa mga conversion ng Google Analytics 4,” i-click ang Magsimula.
  6. Suriin ang mga sumusunod na inaasahang pagbabago batay sa mga bagong setting ng pag-optimize ng pagkilos sa lahat ng iyong card ng layunin sa conversion.
    • Column na “Bagong setting”: Kumpirmahing na-update sa “Pangunahin” o “Secondary” ang iyong setting ng pag-optimize ng pagkilos na conversion.
    • Mga Conversion: Nakabatay ang iyong porsyento ng “Mga Conversion” sa dating data sa loob ng nakalipas na 15 araw. Mahalagang tandaang kasama sa porsyentong ito ang mga pagbabagong ginawa sa ibang mga setting ng campaign.
    • Halaga ng conversion: Nakabatay ang iyong porsyento ng “Halaga ng conversion” sa dating data sa nakalipas na 15 araw. Mahalagang tandaang kasama sa porsyentong ito ang mga pagbabagong ginawa sa ibang mga setting ng campaign.

Tandaan: Puwede kang makapansin ng mga pagkakaiba sa iyong mga sukatan ng conversion dahil magkaiba ang paraan ng pagsukat ng mga event ng conversion ng Universal Analytics at Google Analytics 4. Matuto pa tungkol sa Paghahambing ng mga sukatan.

  1. I-click ang I-save. Na-save na ang iyong mga bagong setting sa pag-optimize ng pagkilos.
Mula sa page na "Mga Rekomendasyon"
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang Mga Rekomendasyon.
  3. Sa card na “Lumipat sa mga conversion ng Google Analytics 4,” i-click ang Tingnan ang rekomendasyon.
  4. Suriin ang mga sumusunod na inaasahang pagbabago batay sa mga bagong setting ng pag-optimize ng pagkilos sa lahat ng iyong card ng layunin sa conversion.
    • Column na “Bagong setting”: Kumpirmahing na-update sa “Pangunahin” o “Secondary” ang iyong setting ng pag-optimize ng pagkilos na conversion.
    • Mga Conversion: Nakabatay ang iyong porsyento ng “Mga Conversion” sa dating data sa loob ng nakalipas na 15 araw. Mahalagang tandaang kasama sa porsyentong ito ang mga pagbabagong ginawa sa ibang mga setting ng campaign.
    • Halaga ng conversion: Nakabatay ang iyong porsyento ng “Halaga ng conversion” sa dating data sa nakalipas na 15 araw. Mahalagang tandaang kasama sa porsyentong ito ang mga pagbabagong ginawa sa ibang mga setting ng campaign.

Tandaan: Puwede kang makapansin ng mga pagkakaiba sa iyong mga sukatan ng conversion dahil magkaiba ang paraan ng pagsukat ng mga event ng conversion ng Universal Analytics at Google Analytics 4. Matuto pa tungkol sa Paghahambing ng mga sukatan.

  1. I-click ang I-save. Na-save na ang iyong mga bagong setting sa pag-optimize ng pagkilos.
Tip: Kung gumawa ka ng mga custom na layunin, kailangan mong manual na i-update ang mga iyon:
  1. Sa buod ng mga conversion, i-click ang I-edit ang layunin ng conversion.
  2. Piliin ang “Pangunahin” para sa mga pagkilos kung saan mo gustong mag-bid kapag napili ang layuning iyon.
  3. Sa ilalim ng “Source ng conversion,” i-unselect ang mga conversion ng Universal Analytics, at piliin ang mga conversion ng Google Analytics 4.

Subaybayan ang iyong campaign

Ngayong na-update mo na ang iyong mga conversion, may ilang pagkilos na makakatulong sa paglipat sa mga bagong conversion.

Tandaan: Dahil nababago ang dami at halaga ng conversion bilang resulta ng pag-update sa iyong mga setting ng pag-optimize ng pagkilos, puwede kang makaranas ng mga pagbabago-bago ng performance sa loob ng 1-2 cycle ng conversion habang natututo ang system. Ang cycle ng conversion ay ang tagal ng oras bago magresulta sa conversion ang isang pag-click. Dahil nag-i-import ka ng mga conversion sa Google Ads, isasama rin ng mga cycle ng conversion ang oras bago maiulat sa iyong account ang mga conversion.

Bawasan ang mga pagbabago-bago sa performance

Posible kang makapansin ng mga pagbabago-bago sa performance ng iyong Google Ads sa mga instance kung saan nag-o-optimize ang mga campaign para sa iba't ibang dami ng conversion, kapag binago mo kamakailan ang mga setting ng iyong account, o kapag nagtakda ka ng impormasyon sa pag-bid nang isinasaalang-alang ang dati mong data, bukod sa iba pang dahilan.

Para mabawasan ang mga pagbabago-bagong ito, puwede mong i-adjust ang iyong badyet at mga target kung kinakailangan. Matuto pa tungkol sa pagbabawas ng mga pagbabago-bago sa performance at pagbabago sa mga Google Ads campaign.


Mga tanong sa pag-optimize ng pagkilos na conversion

Paano kinakalkula ang aking mga inaasahang conversion?
Nagpapakita ang Google Ads ng 2 porsyento ng inaasahang pagbabago batay sa iyong mga bagong setting sa pag-optimize ng pagkilos. Ang value ng “Mga Conversion” ay batay sa pagkakaiba ng mga porsyento ng “Lahat ng conv.” sa Universal Analytics at Google Analytics mula sa nakalipas na 15 araw, habang nakabatay naman ang iyong “Halaga ng conversion” sa pagkakaiba ng mga porsyento ng “Lahat ng halaga ng conv.” sa Universal Analytics at Google Analytics mula sa nakalipas na 15 araw. Matuto pa tungkol sa Data ng pagsubaybay sa conversion sa Google Ads.
Paano iniiwasan ng Google na mabilang nang doble ang mga conversion ko?
Hindi magagarantiya ng Google na hindi mabibilang nang doble ang iyong mga conversion. Gayunpaman, makakatulong ka na mabawasan ang panganib sa pamamagitan ng pagpili sa “Pangalawahin” bilang ang iyong pag-optimize sa pagkilos para sa anumang conversion na na-import mula sa Universal Analytics.
Bakit magkaiba ang aking mga sukatan ng conversion para sa parehong pagkilos ng user para sa Universal Analytics at Google Analytics 4?
Puwede kang makapansin ng mga pagkakaiba sa iyong mga sukatan ng conversion dahil sinusukat sa magkaibang paraan ang mga event ng conversion sa Universal Analytics at Google Analytics 4. Tandaan na 5 uri ng layunin ang sinusukat ng Universal Analytics at isang conversion lang ang binibilang nito sa bawat session para sa bawat layunin, habang mga event lang ng conversion ang sinusukat ng Google Analytics 4 at binibilang nito ang bawat instance ng event ng conversion. Matuto pa tungkol sa Paghahambing ng mga pagsukat ng Universal Analytics at Google Analytics 4.
Ano ang rekomendasyon ng Google para sa mga conversion ng Universal Analytics na ginagamit sa mga custom na layunin?
Para ma-update ang iyong mga conversion sa custom na layunin, manual na i-update ang bawat custom na layunin at palitan ang mga conversion ng Universal Analytics ng mga conversion ng Google Analytics 4.
Bakit wala ang mga conversion ko sa Google Analytics 4?

Posibleng wala ang mga conversion mo sa Google Analytics 4 kung:

  • Hindi mo na-configure ang gusto mong conversion sa iyong property sa Google Analytics 4 o hindi na-set up nang tama ang mga iyon.
  • Hindi mo na-link sa Google Ads ang iyong mga property sa Google Analytics 4, hindi mo mai-import ang mga conversion ng Google Analytics 4.
  • Hindi mo na-import nang tama ang iyong mga property sa Google Analytics 4 sa Google Ads account mo
Kakailanganin mong gawin ang kinakailangang update sa iyong Google Analytics account. Matuto pa Tungkol sa mga conversion.
Bakit nagpapakita ang Google Ads ng maraming conversion ng Google Analytics 4 na nakamapa sa Universal Analytics?
Kung mag-i-import ka ng maraming conversion mula sa Universal Analytics, gugustuhin mong palitan ang bawat conversion ng katumbas na pagkilos na conversion sa Google Analytics 4. Nagpapakita ang tool para sa rekomendasyon ng Google ng maraming conversion sa sitwasyong ito para tulungan kang palitan ang bawat conversion.
Puwede ko bang i-dismiss ang rekomendasyon ng Google na lumipat sa Google Analytics 4?
Puwede mong i-click ang “Itago” para i-dismiss ang rekomendasyon ng Google Ads na lumipat sa Google Analytics 4. Pagkatapos ng isang itinakdang oras, makikita mo ulit ang rekomendasyon. Bagama't puwede mong i-dismiss ang rekomendasyon, hinihikayat ka ng Google na lumipat nang maaga para matiyak na makakabuo ka ng sapat na dating data para maiwasang bumaba ang bilang ng mga conversion at ang performance ng campaign. Alamin kung paano Maglapat o mag-dismiss ng mga rekomendasyon.
Ano ang mangyayari kung hindi pa ako nakakalipat?
Hindi na maitatala sa Google Ads ang data ng conversion ng Universal Analytics mo. Kung hindi ka magma-migrate sa Google Analytics 4 at hindi mo papalitan ng Google Analytics 4 ang Universal Analytics sa Google Ads, puwede kang makaranas ng pagbaba sa bilang ng mga conversion at negatibong epekto sa performance ng iyong campaign. Alamin kung paano Lumipat sa Google Analytics 4.
Paano nakakaapekto ang paglipat sa Google Analytics 4 sa mga user ng manager account at account ng kliyente sa Google Ads?
Pagkatapos lumipat ng mga user ng manager account sa Google Ads sa Google Analytics 4, matitingnan ng mga user ng account ng kliyente ang na-update na data batay sa mga setting ng pagkilos na conversion na inirekomenda ng Google Ads. Hindi kakailanganin ng mga user ng account ng kliyente na mag-update ng anumang impormasyon sa Google Ads. Matuto pa Tungkol sa cross-account na pagsubaybay sa conversion.
Paano lalabas sa history ko ng pagbabago ang paglipat sa Google Analytics 4?
Matitingnan mo ang iyong mga conversion sa Google Analytics 4 sa tool na history ng pagbabago.

Kailangan mo ba ng tulong? 

Sumali sa pag-uusap sa Komunidad ng Ads

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15865204172282169498
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false